Chapter 31

18 1 0
                                    

"Rish what exactly happened? Bakit ka hindi pumasok sa first and second class natin? At nalate naman sa third? Are you cutting classes? Kasi nakita ko kayong magkasama niyang boyfriend mo." tuloy tuloy na pagtatanong ni Angela. Wow. So she's acting like Lorraine now. Si Lorraine na lagi akong sinisermonan.

Wait. Parang lagi na ring hindi nakakasama si Lorraine sa 'min ah.

"Where's Lorraine?" walang anu-ano'y naitanong ko na lang.

"What? Ako nagtatanong hindi ba? Sagutin mo muna ako."

"Fine. Hindi ako nagcutting classes. I woke up very late kaya hindi ako naka attend ng first and second classes. And kaya naman ako nalate sa third, ay dahil natagusan ako." pagpapaliwanag ko rito na para bang nanay ko siya.

"Oh. So kaya pala bumili si Zyren ng napkin kanina." tawang tawang sabi sa 'kin nito. May nakakatawa ba doon?

"Funny?" nakakunot noo kong tanong kay Angela na hanggang ngayon ay hagalpak pa rin sa pagtawa.

Nakita ko namang tumigil siya at uminom muna ng tubig bago nagsalita.

"I saw him earlier. Sa convenience store, and.. Wait I can't help to laugh." bahagya siyang napahinto sa pagkukwento at muling tumawa.

"So ayun nga. Dumiretso siya sa counter nung store. And tinanong niya kung ano daw pinakamagandang brand ng napkin." pagpapatuloy nito.

Namula na lang din ako sa sinabi ni Angela. Kinikilig at nahihiya ako at the same time. Kinikilig ako kasi nagawa yun ni Zyre for me. And nahihiya ako sa kaniya, di niya na dapat ginawa iyon dahil may napkin naman ako sa locker. Hindi kaya siya nahiya?

"Wait. What about my question?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Oh yeah. Si Lorraine. Hindi ba siya nagsabi sayo?"

"No. Bakit? What happened to her."

"May sakit siya. Mula pa kahapon. Kaya ayon hindi siya nakapasok." nakita kong napayuko siya matapos sabihin iyon.

"Bakit hindi niya sinabi sa akin?" nakakapagtampo naman. Kaibigan niya rin naman ako pero hindi niya man lang ako ininform. Besides, hindi lang naman kahapon siya hindi nakasama samin.

This past few weeks, madalang siyang sumasama sa amin. Madalas niyang sabihin na pupunta siyang library o kaya naman aalis sila ng parents niya.

I know something's happening. Pero bakit parang wala man lang siyang pasabi? May alam kaya si Angela?

"Yan lang sinabi niya sayo?" muling tanong ko.

"Yeah. Ayon lang sinabi niya eh. Tsaka hindi niya na daw nasabi sayo kahapon kasi ayaw ka niyang istorbohin sa practice mo."

Hindi pa rin ako satisfied sa naging sagot niya sakin. Siguro wala nga talagang alam si Angela, pareho kaming walang alam.

--

"You all need to practice dancing with Kiefer, dahil kung sino mang mananalo as Hanson's Queen, ay magkakaroon ng last dance with Kiefer, which is the portrayer of Mr. Hanson." saglit na napahinto si Ms. Fontella at kinuha ang mga papel sa table na katabi niya.

"Let me call the names of each candidates para na rin sa attendance ninyo today."

Tinawag ni Ms. Fontella ang lahat ng representatives at nagulat ako nang tinawag niya si Natasha bilang representative ng Tourism department ng first year.

"Ms. Natasha Juliana Cruz".

Maarte nitong binigkas ang salitang 'Present' na siya namang ikinainis ko. Ang babaeng 'yon! Hinding hindi ako papayag na maungusan niya ko. Siya at siya lang magiging dahilan ng kagustuhan kong manalo rito. Siya lang.

Natapos ang practice nang ganon ganon lang. At natapos din ang mga araw hanggang sa araw na ng contest - ang pinakahihintay ng lahat. Inaayusan ako ng stylist ko sa backstage nang biglang lumapit sa 'kin si Natasha.

"Good luck sayo. I'm sure, sa huli, ako pa rin ang mananalo."

Malaman ang mga salita nito na para bang hindi lang ang contest ang tinutukoy nito. Pero wala akong pakialam dahil malakas ang tiwala ko sa sarili ko. I know, kaya ko 'to.

Pagkaalis naman ni Natasha ay dumating si Zyre at niyakap ako. 

"Good luck, baby! Manalo man o matalo, reyna ka pa rin naman ng buhay ko."

"Yes, my king, alam ko 'yun." sagot ko sa kaniya sabay ngiti at niyakap siya.

Nagsimula ang contest sa introduction dance ng mga contestants, kasunod naman ay ang pagrampa namin ng iba't ibang category - summerwear, traditional costume, casual wear at ang pinakahuli ay ang evening gown, kung saan magkakaroon rin ng Q and A portion na talaga namang nakakakaba, lalo sa katulad ko na hindi naman sanay sa mga ganito.

Sumilip ako sa kurtina ng stage at nakita na mukhang masayang nanonood ang mga magulang ko. Himala ito dahil madalas ay wala silang oras sa mga ganitong bagay. Nakita ko rin sina Lorraine at Angela na may mga hawak pang banner na may pangalan ko. Sa di kalayuan naman ay nakita ko rin si Zyre na mukhang seryosong nanonood. Lumakas naman ang loob ko kahit papaano.

Dumating ang pagkakataon na ako na ang sasagot sa question ng judges. Mas lalo pa akong kinabahan pero sinubukan kong hindi ipahalata sa pamamagitan ng pagngiti.

"Ms. Buenavista, here's your question." panimula ng isa sa mga judge.

"If you could invent anything, what would be your invetion? And, why?" walang pumapasok sa isip ko. Huminga ako kaunti at hinayaan nang lumabas kung ano ang nasa puso ko.

"If I could invent anything, I want it to be a time machine. I know that this might be a common answer but it is what we need." naisip kong ito ang paraan para malaman ang dahilan kung bakit ako iniwan noon ni Zyre at kung bakit galit na galit sa kaniya ang mga magulang ko pero that would not be a powerful answer. "With the means of a time machine, we can save our future destruction, we can change the possibilities of sadness, sorrow, death and pain. The world is not perfect, and we all experience its harshness. But with a time machine, we can control it, we can change it. And I, thank you."

Hindi ko alam kung winning answer ba iyong isinagot ko, pero wala naman akong ibang maisip. Atleast, it's done. Makakahinga na rin ng maayos.

Nang matapos ang lahat ng contestants sa pagsasagot, nagkaroon ng song number ang band member ng campus, at ang bass guitarist nila ay walang iba kundi ang Zyren ko. Parang nawala ang kaba ko habang pinakikinggan ko siyang tumugtog, napakahusay niya. Nakakainlove lalo!

Matapos non ay tinawag na ulit kaming lahat sa stage dahil mag-aannounce na ng winner. 'Di na ko nag-eexpect na mananalo ako, pero hoping ako na kung di ako mananalo ay sana hindi rin manalo si Natasha.

"We will now call our first and second runner up, along with the Hanson's Queen of 2020!"

"Our second runner up will be.."

"Ms. Sunshine Dela Fuerte of 3rd year Accounting department! Congratulations, Ms. Dela Fuerte!"

"For our first runner up..."

"Ms. Natasha Juliana Santos of 1st year, Tourism Department! Congratulations, Ms. Santos!" napangisi na lang ako nang makita kong tumingin sa akin si Natasha. Oh ano, panalo ka? 

Napatawa nalang din ako sa loob loob ko.

"And lastly, our Ms. Hanson Queen of 2020 will be.." sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Marami rami pa kaming candidates kaya very random ang maaaring matawag. Kung hindi pala ako matatawag ay parang nanalo narin sa 'kin si Natasha.

Napapikit na lamang ako ng mariin nang biglang..

"Ms. Canarish Eleana Buenavista of 1st year, Business Administration Department!  Congratulations, Ms. Buenavista!" napaawang ng kaunti ang mga labi ko nang marinig kong tinwag ang pangalan ko. Hindi naman ako nag-expect na manalo dahil alam kong ligwak naman iyong isinagot ko.

Nakita kong sobrang natuwa ang mga magulang ko na halos mapaluha ang mga ito. Isn't that too much para sa reaksiyon nila? 

Parang may mali..



ForbiddenWhere stories live. Discover now