Chapter 16

39 16 0
                                    

It's been a month mula nang nagsimula akong ligawan ulit ni Zyre. Hinayaan ko na lang siyang magpatuloy dahil inaamin ko naman na mahal ko pa rin siya. But I want to be fair to myself. Deserve ko naman sigurong suyuin ulit dahil sa pag iwan niya sakin before diba?

Within a month, sobrang napatunayan na ulit ni Zyre ang sarili niya sa kin. I'm just waiting for the right timing para ibigay sa kaniya ang second chance na hinihingi niya.

"Mam Canarish, may nagpapabigay po." sabi sakin ng isa sa mga katulong namin habang iniaabot ang isang sunflower. Nakaayos rin ito na parang mini bouquet.

Araw-araw akong binibigyan ni Zyre ng sunflower at walang kahit isang araw na nakalimot siyang magpaabot nito. Alam niya kasing yun ang favorite flower ko dahil nabanggit ko naman sa kaniya yun nung mga bata pa kami.

"Zyre look! Ang ganda nung sunflower dun sa shop oh." natutuwa kong sabi sa kaniya habang namamasyal kami malapit sa usual spot namin, sa park.

"You're more beautiful than those flowers." nakangiti niya namang sabi sakin habang nakatitig din sa mga bulaklak sa shop.

"Hmm, really?" tanong ko naman sa kaniya habang pilit kong tinatago ang ngiti at kilig ko.

"Yes, and you know what, if  I will be a flower, I want to be one of those." sabi niya habang tinuturo yung mga sunflowers sa shop.

"W-why? Because I love sunflowers?" nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.

"Well, aside from that, it's because you're my sunshine. Wherever you are, I'll still look at you and follow." dire diretso niyang sabi habang hinahawakan ang mga kamay ko. Hindi na ko nakapagsalita pa dahil hindi ko na mapigilan ang kilig ko. Namumula narin siguro ang mga pisngi ko dahil ramdam kong nag iinit ito.

"I promise you Eleana, sabay tayong pupunta sa Sunflower Garden doon sa Cebu. Kahit anong mangyari makakarating ka dun kasama ako." nakangiti niyang pangako sakin.

Napangiti na lang ako habang hawak hawak ang sunflower sa kamay ko. Naaalala pa kaya ni Zyre yung pangako niyang yun sakin?

Ilalagay ko na sana yung sunflower sa vase ko nang mapansin kong may maliit na papel palang nakaipit dun. Agad ko naman itong kinuha at binasa.

'Let's meet sa usual spot, 8am'

Napatingin ako sa relo ko. 7:45 na pala. Buti na lang nakaligo na ko kanina paggising ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, mukhang maayos naman ang itsura ko. Nakasuot ako ng over all short na kulay yellow at naglagay naman din ako ng lipgloss kanina. G na to.

Naglakad lang ako papunta sa park dahil malapit lang naman dito yun. Pagkadating ko usual spot namin ay wala akong makitang kahit anino lang ni Zyre. Kaya naman nagulat ako ng biglang may tumakip sa mga mata ko mula sa likuran ko. Pero kahit hindi ko makita kung sino yun, naamoy ko naman yung pabango nito.

"Zyre, tanggalin mo na. Alam ko namang ikaw yan eh." sabi ko rito kaya naman tinanggal niya na yung pagkakatakip niya sa mata ko.

Sinunod niya naman yung sinabi ko at agad na pumunta sa harap ko habang inaabot yung ice cream sa 'kin. Eto yung paborito namin na sorbetes ni Mang Raul. Kahit na mumurahin lang ay talagang napakasarap nito.

"Tell me if you want more, bibili ulit tayo." sabi niya sakin sabay kumindat pa. Alam niya kasi na kulang pa sakin yung isang cone ng ice cream kaya lagi kaming nakaka ilang take nun.

Pagkaubos ko nung kinakain ko ay hinatak ako agad ni Zyre papunta sa ice cream cart ni Mang Raul.

"Tay Raul, binebenta mo ba yang buong cart mo?" tanong nito habang patawa tawa pa. Apaka yabang talaga ng lalaking to.

"Oh kayo pala. Kayo pa din pala?" pang uusyoso pa ni Mang Raul samin habang naglalagay ng ice cream sa apa. "Ngayon ko na lang ulit kayo nakitang magkasamang bibili sakin ah. Kwentuhan niyo naman ako mga anak."

Nakasanayan na namin ni Zyre na magkwento kay Mang Raul mula pa nung mga bata kami. Malapit ang loob namin sa kaniya at para narin namin siyang tunay na lolo. Kaya naman hindi nag alinlangan si Zyre na ikwento kung anong nangyari samin.

"Eh nililigawan ko nga ho ulit to eh. Gusto ko ipakita sa kaniya na kahit isang taon kaming nagkahiwalay ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko." kwento niya pa rito habang patuloy kami sa pagkain ng ice cream.

"Ay ija, sagutin mo na iyan ulit. Baka masulit pa yan ng iba." mapagbirong sabi nito sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya pero nabawi din nang marealize ko na sa pagkukwento pala ni Zyre ay hindi niya nabanggit kung bakit siya umalis. Nakakapagtaka lang dahil hindi rin ito natanong ni Mang Raul sa kaniya.

Pagkatapos naming makipagkwentuhan at kumain ay niyaya niya ko na mamasyal sa kabilang bayan. Fiesta daw kasi dun at merong peryahan. Never pa kong nakapunta dun kaya medyo naeexcite ako.

Sumakay kami sa dalang motor ni Zyre papunta don at nang makarating kami ay namangha ako sa nakita ko. May makukulay na mga tents dito pero hindi pa bukas ang mga ilaw dahil maaga pa. Kitang kita ko rin yung mga rides na may iilan ding nakasakay. Mukhang masayang masaya sila habang parang iniikot ikot ang mga kaluluwa nila sa mga rides.

Habang natutuwa ako sa pagtingin tingin sa paligid ng peryahan ay nakita ko si Ryle na paparating. 

Shet si kuya? Antagal niya kong iniwasan at ngayon nandito siya?

"Bro nalate ba ko?" tanong nito kay Zyre na parang hindi ako napansin.

"Hindi naman, well, atleast nasolo ko pa si Eleana ko." sagot naman nito at nakangiting tumingin sakin. Napangiti na lang ako ng pilit dahil medyo awkward na talaga dito.

"Bunso, di mo ba ko sasalubungin ng yakap?" tanong niya sakin. Kaya naman kahit awkward ay lumapit na ko para yakapin siya. Namiss ko talaga siya ng sobra.

"Ehem. Bro, Eleana tara na!" rinig kong sabi ni Zyre na nagpabitaw sakin sa pagkakayakap ko kay Ryle.

Una naming sinubukan ang mga rides. Sumakay kami sa Caterpillar ride, Octopus ride, Ferris wheel at pati na rin sa Vikings. Nung una ay kinakabahan ako dahil baka hindi safe doon pero habang tumatagal ay nag eenjoy na rin ako sa mga rides.

Pagkatapos namin sa mga rides ay pumasok naman kami sa horror house. Ngayon ko pa lang to masusubukan kaya hindi ko alam kung anong meron sa loob.

Habang pumapasok kami ay kinakabahan ako sa creepy sounds na naririnig ko. Feeling ko pumapasok ako sa isang haunted house kung saan hindi na ko makakalabas pa. Hindi ko na rin maiwasan ang mapatili kapag mayroong mga stuffs na bigla bigla na lang bumabagsak o nanggugulat. Bigla namang kumipot ang daanan dahilan para mapahawak ako sa kamay ni Zyre. Pero dahil nagsisiksikan ang mga tao sa loob ay napabitaw rin ako. Halo halo na ang mga nakikita ko, di ko na rin makita kung nasan sila Zyre at Ryle. Pinilit kong magtapang tapangan pero nakakakaba talaga yung sounds dito sa loob.

Nagulat ako ng biglang may bumukas na kabaong at may bangkay na lumabas dito. "AHHHHHHH! Zyre, kuyaaa!" sigaw ko habang tumatakbo. Napahinto na lang ako nang may mabangga ako. 

Si Ryle pala. 

Napayakap na lang ako sa kaniya bigla at sinimulan na ulit namin maglakad hanggang sa makarating na kami sa dulo nito.

"Eleana? What happened? Bakit ka may sugat sa braso?" nag aalalang tanong sakin ni Zyre nang makalabas na kami ng tuluyan sa horror house.

ForbiddenWhere stories live. Discover now