Chapter 26

19 3 0
                                    

Kendrick is my cousin sa side ni dad. Ngayon na lang kami ulit nagkita dahil sa Paris talaga sila nakatira ng family niya. Kaya naman ganoon na lamang kahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya kanina, na siya namang ikinaselos ng boyfriend ko. Hays, napakaseloso talaga.

"Zyren! Explain." maiksi kong utos sa kaniya at huminto na ko sa paghila ko sa kaniya.

"I'm sorry baby. I didn't mean to. I thought he's... Arghhh! Damn it! I'm jealous my Eleana. I just don't want to lose you anymore." sagot nito at agad akong niyakap. Yung yakap na parang ayaw na kong bitiwan pa.

"I love you baby. I'm sorry, I really do." sabi niya pa habang mas hinihigpitan niya ang yakap niya sakin.

"It's okay. I love you too." sagot ko naman sa kaniya kaya umalis siya sa pagkakayakap namin at hinalikan ako sa noo. I love him so much. Ayaw ko ring mawala pa siya sakin ulit. And I won't let that happen.

--

Magagarbong disenyo, makukulay na ilaw, mga naggagandahang bulaklak, mga nakahaing pagkain, red carpet sa gitna, malaking cake, maiingay na musika. Ganiyan ko mailalarawan ang bakuran namin ngayon. Tanaw na tanaw ko ang mga kaganapan doon mula dito sa kwarto ko. It's my day. Will it be a happy birthday?

"Nak, napakaganda mo naman ngayon." napaharap ako sa kinaroroonan ni Nay Lena. Nakangiti siya habang binabanggit ang mga salitang iyan. Buti pa siya nandito na ngayon. Sila mom and dad nasa company pa at may tinatapos. Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti.

Humarap ako sa salamin to see my own reflection. I'm wearing a gradient pink and blue ball gown. Off shoulder ang style nito kaya kitang kita ang leeg at balikat ko. Looks like something is missing. Lumapit ako sa bed side table ko at binuksan ang drawer nito. Kinuha ko yung ibinigay sakin ni Zyre na necklace at isinuot. Looks great! Bagay naman ito kahit anong suot dahil gold naman ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng ilang selfies at mirror shots upang may maisend ako kay Zyre. Nalungkot ako bigla nang maalala kong hindi nga pala siya pwedeng pumunta sa birthday ko. Ang unfair talaga ng mundo. Gustuhin ko man na makasama siya pero hindi pwede. Pupunta naman siya mamaya para sa plano...sana matuloy.

"Nak andito na escort mo, bumaba na raw kayo at magsisimula na. Nasa baba narin ang mommy at daddy mo, inaantay ka nila doon." pagpuputol ni Nay Lena sa pag-iisip ko. Binuksan niya na rin ang pinto ng kwarto ko dahil kailangan ko na raw lumabas.

Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng pintuan ay nakita ko na ang lalaking nakatalikod at naghihintay sakin. Ang escort ko. At kilalang kilala ko siya.

"Kuya." tawag ko rito kaya naman humarap na ito sakin. Ang akala ko aalis siya? Bakit nandito siya ngayon? Hindi na ba siya sa ibang bansa mag-aaral? O bumalik lang siya para sa birthday ko?

"For now, let's pretend that nothing happened before. It's your birthday bunso, you should be happy." nakangiting sabi nito sa akin. Am I dreaming? Finally, nakita ko na ulit ang mga ngiti ng kuya ko.

"Let's go?" pag-aaya niya sabay lahad ng kamay niya sakin. Tinanggap ko naman ito at isinukbit ko na ang kamay ko sa braso niya.

Dahan dahan lang kami kung maglakad pababa ng hagdan dahil medyo mabigat at mahaba talaga itong suot kong gown. Pagdating naman namin sa bakuran ay may kurtina palang nakaharang. Ibig sabihin doon kami dadaan papasok.

"Good evening ladies and gentlemen! Let us now welcome our debutant Ms. Canarish Eleana Salcedo Buenavista! With her gorgeous escort Mr. Ryle Christan Mendez." rinig kong intro nung emcee sa loob bago unti-unting binubuksan ang malaking kurtina sa harapan namin.

Nasitayuan ang mga bisita at nagpalakpakan sila na parang nakakita ng artista. Oh diba? Ganiyan ako kaganda. Charot. Dahan dahan ulit kaming naglakad ni Ryle sa red carpet. Tila ba sinasabayan ng aming mga paa ang bawat lirika ng kanta.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halos lahat naman ng naririto ay puro kakilala ng pamilya namin. Business partners, relatives and friends. Marami ring mga bisita pero hindi naman crowded dahil malawak naman ang bakuran namin. Inihatid ako ni Ryle sa mini stage dito na may parang royal chair na kulay blue. Puro gradient pink and blue lang ang makikita sa buong paligid pati na rin ang cake.

From 18 candles to 18 treasures, to 18 gifts, to 18 blue bills and now for the last 18, the 18 roses.
Si Liam ang una kong nakasayaw sunod naman ay si Kendrick. Yung first 6 ay mga pinsan ko. Sumunod naman ay ang mga kinakapatid at mga kaibigan ko. Yung iba naman ay mga anak ng business partners nila mom. And for my 17th rose, si dad.

Inilahad niya ang kamay niya sakin at nagsimula kaming sumayaw. Nakita kong parang naiiyak si dad. Kahit hindi gaanong maliwanag ang ilaw ay kitang kita ko ang paunti-unting pagpupunas niya sa mga mata niya.

"Anak, I'm sorry for not being the best father. I'm not perfect, madalas akong magkamali sa mga desisyon ko. But I love you, I love your mom. Happy birthday anak." habang nagsasayaw kami ay nagsasalita si dad. Naiiyak na rin ako dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Never naging sweet na tatay ang daddy ko. Ngayon lang siya naging ganito. And ngayon niya na lang rin ulit ako tinawag na 'anak'. Sana birthday ko nalang palagi para maramdaman kong may nagmamahal sakin.

Tumigil kami sa pagsasayaw ni dad nang lumapit na si Ryle. Iniabot niya muna sakin ang rose na hawak niya.

"Ryle, ikaw na bahala sa anak ko." sabi ni dad na ikinagulat ko. Alam kong hindi ako nagkamali ng rinig. Bakit parang ipinapaubaya na ko ni dad kay Ryle? Hindi naman pwedeng sila ang magdesisyon sa buhay ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang ipinasa na ko ni dad kay kuya. Kami naman ang nagsayaw ngunit tahimik lamang kami pareho.

Natapos ang pagsasayaw namin na tanging pagbati lang ang sinabi sakin ni Ryle. Siguro galit pa rin siya sakin. Pero kala ko ba magpapanggap kami na walang nangyaring alitan sa pagitan namin?

Lumapit na lang ako sa table nila Angela at Lorraine. Sa kanila muna ako nakipagkwentuhan para kahit papaano ay hindi masira ang mood ko. Napatingin ako sa kulay gold na relo ko. 10:30 palang pala. Ang tagal naman ng oras. Kung may hinihintay akong mangyari sa birthday kong ito, yun ay ang matuloy ang plano ni Zyre na pag-amin sa mga magulang ko.

Inentertain ko muna ang iba pang bisita habang naghihintay sa oras. Halos lahat sila ay pinupuri at binabati lang ako. Bakit kaya ganon? Kapag birthday mo tsaka ka lang nila maaalala. Kapag birthday mo, doon lang nila ipapakita na mahal ka nila. Tapos kinabukasan, wala na, parang di ka na ulit nila kilala.

"Rish anak, aalis na kami ng daddy mo ha. May problema kasi sa company. Natupad naman na namin yung promise namin sayo diba? Happy birthday ulit nak, we have to go." pagpapaalam sakin ni mom. Muli akong napatingin sa relo ko. 11:30 na.


30 minutes na lang sana..


ForbiddenWhere stories live. Discover now