Chapter 35

13 1 0
                                    

"Hey." bati sa 'kin ni Kiefer nang bumisita ang pamilya nito para mamanhikan sa bahay namin.

Pilit at walang gana akong ngumiti sa kaniya.

"Do you want this set-up?" diretsong tanong ko rito.

"I love her. I love your best friend. But, I guess ito na ang kapalaran ko."

"Hindi mo ba sinubukang tumutol?"

"Of course, I've tried many times. Pero at the end of the day, anak lang naman ako. I have to obey my parents."

Pareho lang kami ni Kiefer. Pareho kaming itinatali sa buhay na hindi naman namin gusto.

"Rish, Kief, come here, mga anak." tawag ni Tita Kristine na mommy ni Kiefer.

Sabay kaming lumapit sa kinaroroonan nila at nakita kong tumitingin pala sila sa mga wedding magazines.

"What theme would you like?" tanong ng isang magandang babae na sa palagay ko ay isang wedding coordinator.

Pareho kaming tahimik ni Kiefer at nagkatinginan na lang.

"Come on, Kristine, tayo na lang magdecide for that." sagot naman ng mom ko.

Nagdesisyon nalang akong lumabas ng bahay at naramdaman kong sumunod si Kiefer.

"Gusto mong sumama?" tanong ko rito.

"Where?" pabalik na tanong naman nito.

"'Wag ka ng magtanong, sumama ka nalang. I'm sure magugustuhan mo kung saan man 'yun."

Hindi ko sinabi kay Kiefer kung saan kami pupunta pero sigurado akong matutuwa siya.

Naglakad lang kami dahil malapit lang naman yung pupuntahan namin pero dahil hindi niya masyadong kabisado ang lugar namin ay wala siyang idea kung saan ko siya dadalhin.

"Rish! K-Kiefer?" nagtatakang tanong ni Lorraine nang makita niya kami ni Kiefer na papalapit sa kaniya.

"Raine?" sambit naman ni Kiefer bago ito tuluyang lumapit at niyakap si Lorraine.

Kitang kita ko kung gaano sila kasayang dalawa habang magkayakap. Naaawa ako para sa kaibigan ko. Alam kong mahal niya rin si Kiefer pero hindi pa man sila nakakapagsimula ay matatapos na agad sila.

Napapaluha na lang ako habang pinapanood ko silang dalawa.

"Kief, 'wag mong isiping hindi kita mahal, kasi mahal na mahal kita. And if I could turn back time, sana hindi na kita pinaghintay pa. I'm sorry. I'm really-" naputol ang pagsasalita ni Lorraine nang yakapin siyang muli ni Kiefer.

"Shh. It's not your fault. Malay mo, sa susunod nating buhay, pwede na."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Kiefer. Kasalanan ko 'tong lahat. Hindi naman maipagkakait sa kanila ang pagmamahalan nila kundi dahil sa pamilya ko.

With that thought, iniwan ko na lamang 'yung dalawa para makapag-usap sila ng maayos. Umuwi na lamang ako sa bahay at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko.

-

Sa akin, at sa pamilya ko nagsimula ang lahat ng kaguluhang nangyayari sa mga buhay namin. Kung totoo man talagang kapatid ko si Zyre, susubukan kong tanggapin nalang. Pero hindi ko hahayaang may madamay pang ibang tao. Kaya ko pang isalba sina Lorraine at Kiefer. Kung ako ang magiging dahilan para hindi sila magkasama, lalayo ako. Gagawin ko 'to para sa kaibigan ko.

Buo na ang desisyon ko, kaya't nagsimula akong mag-impake ng mga gamit ko. Dala-dala ko ang lahat ng importanteng gamit at pangangailangan ko. 

Madaling araw nang mapagpasyahan kong umalis na ng bahay, for good. Pero bago 'yun ay nag-iwan ako ng isang sulat.

Dear Mom and Dad,

Alam ko, I am not the best daughter you can ever have, but please, know that I love you both. Kahit palagi niyo akong pinapangunahan sa mga desisyon ko, kahit maraming bawal at hindi pwede, mahal ko kayo. Pero minsan hindi ko na kayo maintindihan eh. Bakit kailangan niyong ipagpilitan na itali ako sa taong hindi ko naman mahal?  Siguro nga tama kayo sa part na ilayo ako kay Zyre, kasi kapatid ko siya (if that's really true). Pero 'yung mandamay kayo ng iba pang tao para lang ma-please yung sarili niyo? Para sa pera? I'm sorry pero hindi katanggap-tanggap 'yun. I saw how much Kiefer loves my best friend, that's why I have decided to be gone, for good. Mom, dad, please 'wag niyo na po akong hanapin. Let Kiefer have his freedom, kahit hindi na ako. 

-Canarish

Matapos kong basahin ang sulat ko sa huling pagkakataon ay umalis na ako. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang, kailangan ko ng lumayo rito.

Pumunta ako sa bus station nang hindi alam kung saan talaga pupunta. But then I saw the 'Cebu' bus sign. 

Maybe I can go there.

Agad akong bumili ng ticket at hinintay ang susunod na bus papunta roon.

"O, yung mga may ticket papunta sa Cebu, sakay na!"

Nagising na lang ako sa nagsasalita sa megaphone. Nakatulog na pala ako sa paghihintay ng bus.

Bitbit ang isang maleta, isang travel backpack at shoulder bag ay sumakay na ako sa bus at hinanap ang seat number ko. Sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong mag-commute mag-isa papunta roon at wala rin naman akong specific drop off location, kaya't hahayaan ko na lang na dalhin ako ng kapalaran ko sa kung saan mang lugar.

Pagka-ayos ko ng mga bitbit ko ay agad kong hinanap ang earphones at nagpatugtog ako. Ang sasakit ng mga kantang naririnig ko ngayon at para bang nakikiayon sa nararamdaman ko. Sakto pang nang tumanaw ako sa bintana ay unti-unti naring pumapatak ang ulan dahilan para unti-unti narin akong makatulog.

-

"Z-Zyren? A-anong ginagawa mo rito?"

"Hinanap kita. Kasi may kailangan kang malaman."

Hindi ko siya maintindihan. 

Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun ay agad naman siyang umalis. Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Ang dilim dilim ng paligid.

"Zyre! Zyre! Zyre asan ka ba?" paulit ulit na tawag ko sa kaniya.

Muli ko naman siyang nakita pero ambilis bilis nitong maglakad.

"Sandali! Zyre!"

Nang maabutan ko siya ay nakatalikod ito mula sa akin. Ang payat payat niya na. Halos hindi ko siya makilala ngayon dahil parang ibang iba ang pangangatawan nito.

"Zyre?"

Unti-unti itong humarap sa 'kin at nagulat ako nang makita kong may mga nakakabit na dextrose sa kaniyang katawan.

Hirap na hirap din itong huminga at magsalita.

"Hindi tayo magkapatid." sambit nito at bigla na lang natumba.

"ZYRE!" 

Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman kong tinatapik tapik ako ng katabi ko sa bus.

"Ija, binabangungot ka yata."

Panaginip lang pala.

"Ah, pasensya na po kayo." pagpapaumanhin ko doon sa katabi kong ale. Tumango naman ito at ngumiti lang sa akin.

Hindi ko alam pero parang may iba akong pakiramdam sa panaginip ko. Sa palagay ko ay meron itong gustong iparating sa 'kin.

ForbiddenWhere stories live. Discover now