Chapter 37

11 1 0
                                    

May sakit si Zyre?

Hindi na ko nag-abala pang tawagin si Ryle na ngayon ay papaalis na. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at inilagay ang mga nilabas kong gamit sa loob ng maleta ko. Binuksan ko rin ang cellphone ko na pinower off ko sa buong stay ko sa farm na ito. Nagsilabasan ang missed calls, text messages pati chats galing kina mom, dad, sa mga kaibigan ko, kay Ryle at maging kay Kiefer. Hindi ko na binasa lahat ng messages pero merong isang nakakuha ng atensyon ko. 

'Rish, thank you so much sa ginawa mo para sa 'min ni Kief. I really appreaciate it. Pero hindi mo kailangang lumayo, meron pa naman sigurong ibang paraan eh. And oo nga pala, I've heard may sakit daw si Zyre and currently, nasa isang hospital sa Switzerland siya.'

It was from Lorraine. 

So, totoo palang may sakit siya. 

I want to see him. I have to see him.

Walang pag-aalinlangan akong nagbook ng susunod na flight papuntang Switzerland. At habang nasa biyahe ako papuntang airport ay sinubukan kong tawagan si Lorraine upang alamin kung may alam siya sa eksaktong hospital na kinaroroonan ni Zyre. At first, tinanong nito kung nasaan ako at anong nangyari sa akin. Kaya naman ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin mula nong umalis ako ng bahay.

"Rish, listen. My aunt is tita Cynthia's bestfriend pala. And I've heard na sa Philia Heart Institute daw naka-confine si Zyre ngayon." pabulong na sabi ni Lorraine habang magkausap kami through call.

"Thank you so much, Lorraine! Sobrang helpful ng info na 'to. I really want to see him." 

"Not a problem. But make sure to take care, okay? Update mo kami ni Angela." mala-ateng sagot nito sa akin.

I was so lucky dahil may mga kaibigan akong katulad nila Lorraine at Angela. They're like my sisters and I am so blessed to have them in my life.

Muli akong nagpasalamat rito at pinatay na ang call.

Ilang oras rin bago ako tuluyang nakarating sa airport. At habang naghihintay ako sa oras ng flight ko ay umidlip muna ako para makapag-ipon ng lakas. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Zyre na mayroong malubhang sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko siyang makitang nahihirapan.

Nang magising ako ay saktong papaalis na rin ang eroplanong sasakyan ko.

Mahigit kalahating araw ang biyahe sa eroplano. At patagal ng patagal ito sa paglipas ng mga oras. Hindi ako makatulog dahil hindi ako mapakali sa paghihintay. 

-

'Zurich, Switzerland'

Sa wakas, sa haba ng biyahe ay nakarating na rin ako. Naghanap muna ako ng matutuluyang hotel upang may mapag-iwanan ng mga bitbit kong gamit.

Matapos kong magpahinga ng halos isang oras ay agad ko na ring hinanap ang hospital na kinaroroonan ni Zyre. Ipinagtanong tanong ko sa mga tao roon kung saan at paano ko ito mapupuntahan. Mabuti na lamang at may iilan ring marunong makaintindi ng English doon.

Mahigit kalahating oras din bago ako nakarating sa hospital na iyon. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok roon.

"Good evening, Ms. May I know if you have a patient named Zyren Alex Chua?" tanong ko sa isang staff sa front desk.

Nakita ko namang parang nag-aalinlangan siyang sabihin sa 'kin ang ano mang impormasyon tungkol sa mga pasyente nila.

"Je suis désolé, madame. We can't tell any information about our patients unless you have appointed to them." paliwanag naman nito sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko makakausap si Zyre ganong hindi niya naman alam na nandito ako.

"I'm the patient's-" napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto kong hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Girlfriend? Friend? Or.. Sister?

"I'm. I'm the patient's sister." sagot ko rito.

"Can I see your identification card or passport, madame?" tanong nito kaya naman agad kong hinanap ang passport ko at ibinigay sa kaniya.

Tiningnan niyang maigi ang passport ko at parang ikinukumpara sa computer na nasa harapan niya.

Iiling-iling nitong ibinalik ang passport ko sa akin.

"Madame, you are looking for your brother whose name is Zyren Alex Chua, yet your passport tells that your surname is Buenavista. How come he is your brother." dire-diretsong at mabilis na sabi nito sa akin.

Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip na magkaiba nga pala kami ng apelyido ni Zyre.

Paano na?

"If you're really someone's sister here in the hospital, madame, please try to coordinate with them so that they can prove that you are related with them. Meanwhile, you can stay over the chairs there." paliwanag nito sa 'kin sabay turo sa mga upuan na medyo malapit lang sa main entrance ng hospital.

Tumango nalang ako doon sa staff at umupo sa mga tinuturo niyang upuan.

Wala akong maisip na paraan kaya naman parang tanga na lang akong naghihintay sa mga upuan ng hospital.

Bandang alas nuebe ng gabi nang maramdaman kong naalimpungatan ako. Pasandal pala akong nakatulog sa pag-aantay ko.

Habang pinipilit ko ang sariling mga mata para dumilat ay naaninag ko ang isang pamilyar na mukha na naglalakad sa hallway kung saan nakapwesto ang upuan kung saan ako pumwesto.

"Tita Cynthia?" mahinang usal ko habang sinisigurado kong siya nga iyon.

At nang makasiguro ako ay agad akong tumayo at mabilis na naglakad papalapit sa kaniya.

"Tita Cynthia!" tuwang tuwa kong tawag sa kaniya. Nagulat na lang din siya dahil agad ko rin siyang niyakap dahil sa saya ng puso ko ngayon. Sa wakas, makikita na rin kita Zyre.

"Rish? A-Anong ginagawa mo rito? Paano mo-" hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Tita.

"Tita, si Zyre po? I came to see him. Please po, gusto ko na po siyang makausap."

Napabuntong hininga muna siya saka ako sinenyasan na sumunod sa kaniya. Napangiti naman ako at walang pag-aalinlangang sumunod. Dinala niya ako sa mini chapel ng hospital at nagsimula siyang magdasal. Pansin kong kahit kakasimula lang nitong magdasal ay maluha luha na agad siya.

Baka nga masama ang lagay ni Zyre.

Lumuhod na lang din ako nagsimulang magdasal ng taimtim.

"Lord, kung ano man pong kalagayan ngayon ni Zyre, sana po ay maging mabuti na ito. Pangako po, tatanggapin ko nang kapatid ko siya. Tatanggapin ko nang hindi kami pwede, basta't maging okay na siya."

Nag-antanda na ako ng krus at umupo na ulit. Matapos naman magdasal ni Tita Cynthia ay tumayo na ito at muling naglakad kaya naman sinundan ko siya ulit.

'Room 403'

Unti-unting binuksan ni Tita ang pinto at hindi ko malaman pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Sa pagbukas niya ay halos matigalgal ako sa pagkakatayo nang makita ko ang nakakalugmok na itsura ni Zyre sa kama. 

Katulad ito nang nasa panaginip ko.

Nanginginig akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Zyre!" sigaw ko habang unti-unting napapaluhod sa gilid ng higaan niya.


ForbiddenWhere stories live. Discover now