Chapter 10

78 44 1
                                    

"Tara na!" wala na siyang nagawa pa dahil hinila ko na siya agad. Masaya kaming naligo sa ulan. Wala na kong pakialam kahit nabasa pa yung suot kong relo. All I know is I'm fuckin' happy right now.

7pm na ng humina yung ulan kaya gabi na rin ng makabalik kami sa bahay nila. Pinagalitan pa kami ni Nay Nenita dahil baka daw magkasakit pa ko.

Hindi naman siya nagkamali, dahil after kong maligo ulit sa banyo nila ay sumama na ang pakiramdam ko. At dahil wala na kong extrang damit, pinahiram ako ng ate ni Ryle ng mga lumang damit niya.

Nagpasalamat naman ako sa kanila dahil sa kabutihang ipinapakita nila sa 'kin. Pakiramdam ko ay welcome na welcome ako sa pamilya nila.

Tinanong naman ako kay Nay Nenita kung gusto ko daw bang dito na magpalipas ng gabi dahil lumalakas nanaman ang ulan o kung magpapahatid daw ba ko.

"Uhmm Nay, ayoko na po muna sanang pag driven si Ryle ngayon. Madulas po ang kalsada, baka po delikado."

"Oh sige ija pero tawagan natin ang mommy mo baka mag-alala sayo yun."

"Hindi po yun mag aalala sakin, wala naman siyang pakielam sa 'kin eh." hindi ko na napigilan ang sarili ko, napaiyak nalang ako habang binabanggit ang mga salitang iyon.

"Ija nanay mo parin yun, at kahit na ano mang dahilan ng hindi niyo pagkakasundo ay sigurado akong nag aalala pa rin yun."

Hindi na ko sumagot pa at ibinigay ko nalang ang phone ko kay Nay Nenita. Siya na raw ang kakausap kay mommy para hindi ito mag alala na si Ryle ang kasama ko, dahil siya naman ang nagpaalam sakin kanina.

"Hello ma'am." rinig kong bati ni Nay Nenita sa mommy ko.

"Who's this? And bakit hawak mo phone ng anak ko?" naka loud speaker yung phone ko kaya rinig na rinig ko yung sagot ni mommy sa kabilang linya.

"Ah mam si Nenita po ito, dati niyong kasambahay, nanay ni Ryle."

"O ya bakit ho? Pakibilisan na lang ho dahil nasa office pa ako."

"Nandito po kasi sa bahay si mam Rish, nilalagnat po at inabutan ng ulan. Okay lang po ba kung dito muna siya?"

"Ok. Sige na ho marami pa kong gagawin. Pakihatid nalang siya bukas sa bahay." hindi man lang talaga nag alala sakin si mom. Wala talaga siyang pakielam saakin.

"Ayos na ija, magpahinga ka muna sa kwarto ni Ryle. Maghahanda na muna kami ng hapunan natin." sabi sakin ni Nay Nenita habang inaabot sakin ang cellphone ko.

Sinamahan naman ako ni Ryle papunta sa kwarto niya at inalalayan akong humiga.

"Pasaway ka kasi eh. Yan tuloy nilagnat ka pa." pangangaral sakin nito habang inaayos ang kumot ko.

"It's okay. Atleast nagenjoy ako."

"Hays tong batang to talaga. Sige na, magpahinga ka muna dyan. Tutulungan ko muna si nanay sa paghahanda ng hapunan." hinipo niya muna ang noo ko bago siya lumabas sa kaniyang kwarto.

--

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko dahil sumakit ang ulo ko. Tumingin ako sa phone ko at nakita kong 11pm na ng gabi. Babangon na sana ko pero nakita kong papasok na si Ryle sa kwarto at halatang nagising lang siya mula sa pagkakatulog dahil gulo gulo pa yung buhok niya.

"Mabuti naman gising ka na. Nagugutom ka na ba?" lumapit siya sakin at muling hinipo ang noo ko.

"Mainit ka parin. Teka kukuha na ko ng makakain mo para makainom ka ng gamot." sabi niya saka lumabas ulit.

--

"Oh eto na, ubusin mo to ha." pagkabalik niya ay may dala dala na siyang tray na may nakalagay na mangkok na may sopas tsaka basong may tubig.

Iniihipan niya muna ang sopas na nasa kutsara bago sinusubo sakin. Napaka caring talaga ng taong to. Ang swerte ng magiging asawa niya in the future.

Pagkaubos ko ng sopas ay pinainom niya na ko ng gamot.

"S-san ka matutulog?" tanong ko sa kaniya dahil sa pagkakaalam ko ay tatlong kwarto lang ang meron sila at ang dalawa ay inuukopa na ng mga kapatid niya at magulang niya.

"Sa sofa." maiksing sagot niya.

"Huh? Sure ka? Hindi ba sasakit yung likod mo dun?" nag-aalala ko namang tanong sa kaniya.

"Ayos lang ako ano ka ba. Wag mo kong alalahanin. Basta magpagaling ka lang diyan." pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ko sa noo at lumabas na sa kwarto.

Normal na lang sa 'min yung paghalik niya sakin sa noo dahil itinuturing niya naman daw akong kapatid niya kaya wala na ring malisya yun para sa 'kin.

--
Nagising ako around 5:30 nang makaramdam ako ng uhaw. Wala naman na kong lagnat kaya pumunta na rin ako sa kusina nila.

Nakita ko namang nagluluto na si Ryle ng almusal kaya lumapit na ko sa kaniya. Hindi niya siguro ako napansin dahil nakatalikod siya.

"Goodmorning!" bati ko sa kaniya at makita ko namang nagulat siya kay di ko mapigilang mapatawa sa naging itsura niya.

"Hays ano ba yan Rish aga aga nanggugulat ka. Goodmorning den!"

"Di ko naman sinasadya eh." sagot ko sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.

"Oh tikman mo na lang to." tinikman ko yung niluluto niya at napamangha na lang ako dahil napakasarap nito. Medyo maanghang siya na matamis pero di ko alam kung anong tawag dun kaya tinanong ko siya.

"Ano to?"

"Chicken Buffalo Wings ala Christan." sabi niya sabay taas pa nung sandok na hawak niya.

"Hmm masarap siya and mabango. Swerte naman ng magiging asawa mo." biro ko pa sa kaniya.

"Swerte mo." rinig ko namang sagot niya.

"H-huh?" nagatataka kong tanong sa kanya.

"Sabi ko swerte mo kasi ikaw palang nakakatikim ng luto ko maliban sa pamilya ko."

"Ahh kala ko naman kung ano hehe." shocks Rish assumera ka kasi eh.

"Tara kain na tayo tapos maligo ka na para maihatid na kita sa inyo." sabi niya at nagsimula ng maghanda ng pagkain namin.

ForbiddenWhere stories live. Discover now