Chapter 29

16 3 0
                                    

"Go to your partner boys!" maawtoridad na utos ng prof. namin sa Social Dance Class na si Mr. Santos.

We're going to practice waltz daw. And of course dahil sayaw yun, kailangan ng partner. Ayoko sanang tumayo at sumali sa pagpapractice nila but it's totally required. Ewan ko ba kay mom at ito pa ang pinili niyang P.E. class. She said, magagamit ko raw ito sa mga business parties na aattendan namin chuchu. 

That idea really sucks.

"Boys!" pasigaw na tawag ni Prof. Santos dahil may iilang boys pa rin ang tinatamad na pumunta sa mga partner nila.

"Where's Lance?" tanong ko kay Angela na ngayon ay kasama na ang partner niya. Si Lance ang partner ko eversince na nagstart ang class. Siya yung student na may pagka-nerdy at lagi pang natatapakan ang paa ko pag sumasayaw kami. But he's way better than the other boys here na masyadong malandi.

"He's sick. Balita ko naka-confine daw siya." sagot naman ni Angela sa akin. Lahat talaga nasasagap nitong babaeng 'to eh.

"Whaaaat? Wait, so who's gonna be my partner? Look, lahat kayo nakapair up na." 

Actually, this is what I want. Ang mawalan na lang ng partner para hindi na sumayaw pa. But of course kailangang magdrama na kunwari affected.

"Oh! Ako muna ang magiging partner mo since wala si Mr. Cruz." nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Prof. at sinabi ang mga salitang 'yan. Seriously? Siya ang magiging partner ko? So, wala talagang takas ganon?

Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na kong magagawa kundi sumunod na lang. Magsisimula na sana kaming magpractice nang biglang may pumasok na isang lalaki.

"Am I late sir?" napatingin ang lahat nang biglang magsalita ito. Kulay pula ang buhok nito at halatang mayaman rin. Well halos lahat naman ng nag-aaral dito mayaman except for the scholars. But this guy, mukha siyang anak ng may-ari ng isang kompanya.

"Oh no, not really, Mr. Evanghelista. Come in, join them. Si Ms. Buenavista ang magiging partner mo." dire-diretsong saad ni prof. Bakit naman siya pa? I'm sure kapag napadaan dito ang boyfriend ko ay magseselos nanaman iyon. Hays.

Nagsimula nang ituro sa amin ni prof. ang mga basic steps ng waltz. To be honest, mukhang marunong na itong Evanghelista na 'to. Hindi niya kasi natatapakan ang mga paa ko at kung minsan ay siya pa ang nag-gaguide sa akin.

"I'm Kiefer." pagpapakilala sakin nitong Evanghelista na 'to nang mag water break kami. So? Ano naman kung siya si Kiefer?

"Canarish." maiksing sagot ko sa kaniya sabay abot nang nakalahad niyang kamay. I don't wanna be rude. Mukha naman siyang mabait pero kahit na! Ayokong may pagselosan nanaman ang boyfriend ko. Baka mabasag pa ang mukha nito katulad ng nangyari kay- Arghh never mind.

"Let's start!" sigaw ni prof. Bakit ba lagi siyang nasigaw eh naririnig naman namin siya.

By this time, kailangan na naming gawin at pagsama-samahin ang mga steps na tinuro sa amin. Geez, hindi ko pa naman kabisado ang mga 'yon. I'm not into dancing naman kasi eh. Pakantahin niyo nalang ako at kayo ang sumayaw tsk.

Katulad ng ineexpect ko ay nakalimutan ko nga ang susunod na steps. Omg! Ayokong mapagalitan nanaman.

"Rose." rinig kong bulong sa 'kin ni Kiefer. Huh? Ano daw? Rose? Para saan? 

Tatanungin ko na sana siya nang bigla kong maalalang habang tinuturo sa 'min ni prof. ang mga basic steps ay nagsasalita siya at binabanggit ang pangalan ng mga bulaklak. Oh okay. So parang code pala iyon? Ganon ba ko kahalatang makakalimutin ng steps?

"Good morning students!" napatingin ang lahat sa pinto nang biglang magsalita si Ms. Fontella, prof. namin sa History.

Agad naman namin siyang binati pabalik. Nakita ko pa si prof. na medyo namumula nang makita si Ms. Fontella. Psh! Torpe naman.

"Since it's already November, next month na ang Intramurals natin. And every Intrams, nagcoconduct tayo ng mga activities and contests. One of the contests na talagang pinaghahandaan ay ang "Search for Hanson's Queen". Every year natin ginagawa iyan. At kami ang namimili ng portrayer ni Mr. Hanson, ang founder ng university natin pati narin ang representative ng bawat course." sandaling napahinto sa pagpapaliwanag si Ms. Fontella at kinuha ang isang papel sa kasama niyang student.

"For freshman's BSBA course, Ms. Buenavista is the chosen representative." dugtong na paliwanag ni Ms.

Whaaaat? A-ako?

"Eh Ms., sino po ang Mr. Hanson portrayer this year?" tanong ni Kiara, isa sa mga kaklase ko for the subject.

"Wait. Let me see.." muli siyang napatingin sa hawak niyang papel. "It is Mr.." masyado namang pabitin 'to si Ms.

"Mr. Evanghelista, from 4th year, BSBA student." napatingin ako kay Kiefer na tahimik lang na nakatingin kay Ms. Fontella. 4th year na pala siya? Eh bakit nandito siya sa class namin?

"Uhmm.." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Napag-utusan lang." natatawa nitong sabi sa akin.

"Ms. Buenavista, we expect na ikaw ang mananalo. So, you're gonna be Mr. Kiefer's queen."  nakangiting sabi ni Ms. Fontella.


Whaaat? His queen? 


ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon