Chapter 13

47 31 1
                                    

"Matulog ka na lang dun sa kwarto nila ate. Mauna na ko." sabi niya at tuluyan ng umakyat.  

Naiwan akong nakatulala lang sa kaniya habang umaakyat siya. Ngayon niya lang ako hindi pinagsilbihan at inihatid sa tutulugan kong kwarto. Pero kasalanan ko naman eh. It's all my fault kaya siya nasasaktan.

Hindi ko na kinaya pang umakyat papunta sa kabilang kwarto na pagtutulugan ko sana dahil sa kalasingan ko. Kaya naman dun na lang ako sa sofa nila natulog.

--

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag sa 'kin si dad. More than 50 missed calls at 15 messages  na rin galing sa kaniya na paulit ulit lang tinatanong kung nasan ako. Hindi ko na rin sinagot yung huling tawag niya dahil sumasakit pa yung ulo ko.

Nagtaka naman ako ng marealize kong wala na pala ko sa sofa. Nasa kwarto na ko na may wallpaper na kulay pink. Halata namang babae ang may ari nun.

Napatingin ako sa suot ko, ganon parin naman at walang pinagbago. Pero may nakabalot namang kumot sa 'kin dahil naka oversized shirt lang ako na pinahiram kagabi ni Ryle bago kami nag inuman tsaka cycling shorts na pinandoble ko lang sa suot kong skirt galing sa school.

Teka si Ryle nga pala? May pasok nga pala siya ngayon. Pumasok nga kaya siya? At dahil nacucurious na ko, bumangon na ko kahit medyo nahihilo pa ko.

Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa kusina dahil baka nagluluto lang siya. Pero wala siya doon.

May nakita naman akong sticky note at isang mug na may nakatimpla ng kape.

'Coffee is good for hang over. Inumin mo to tapos pwede ka ng umuwi. Di na kita maihahatid dahil may pasok ako. Ingat.'

Nakonsensya naman ako bigla. Kahit na nasaktan ko siya ay concern at mabait pa rin siya sakin. Ako parin ang iniisip niya. Damn you Rish! Bakit ba kasi hindi ko naisip na nasasaktan ko siya sa mga ginagawa ko.

Ininom ko na yung kapeng itinimpla niya. Mainit pa ito, halatang kakaalis niya pa lang. Pagkatapos kong magkape ay naligo na ko at isinuot ko nalang ulit yung damit na suot ko kagabi.

--

Hindi na muna ko umuwi sa bahay. Dumiretso lang ako sa park malapit samin, ang usual spot namin ni Zyre. Gusto ko lang muna magpahangin para mahimasmasan pa ko sa mga nagawa ko.

Umupo ako sa swing at malalim na nag isip. Parang lumilipad na ang utak ko nang biglang may nag abot sakin ng ice cream.

"Palamig ka muna." rinig kong sabi nito kaya naman tiningala ko siya.

Nakita ko nanaman siya. Nakita ko nanaman si Zyre. Hindi ko tinanggap yung inaabot niya at agad nang tumayo. Ayoko na muna siyang makasama sa iisang lugar.

Nagsimula na kong maglakad nang maramdaman kong hinawakan niya ko sa kamay at hinatak palapit sa kaniya.

Ngayon hindi ko lang siya basta kaharap, sobrang lapit niya pa sakin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi ngayon sa ibabang bahagi ng labi ko.

Inilayo ko naman sa kaniya ang mukha ko nang makaramdam ako ng kuryente dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Eleana, please, let's talk." pagmamakaawa niya pa sakin.

"For what? Para mabigyan ka nanaman ng pagkakataon na saktan ako sa mga sasabihin mo? Para paasa-" hindi na niya pinatuloy pa ang sinasabi ko.

"Para bumalik ka sa 'kin Eleana." maiksi niyang sabi sa akin habang hinahawakan ang mukha ko.

"No." maikling sagot ko. Alam kong kahit humindi ako ay gustong gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit. Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan. Dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya.

"Hindi ako nandito just for a come back. Liligawan ulit kita Eleana, sa ayaw at sa gusto mo." napatulala na lang ako sa sinabi niya. Si Zyre yung tipo ng lalaki na kapag gusto niya ay gagawin niya talaga lahat para makuha lang ito.

Hindi na lang ako sumagot pa. Ayokong ipakita sa kaniya na natutuwa ako sa muling pagbabalik niya. Umalis na lang ako at nagsimula ng lumakad at umuwi na sa bahay.

--

Isang araw na rin ang nakalipas mula ng magkita kami ni Zyre. Nandito kami ngayon nina Angela at Lorraine sa cafeteria ng campus. Nasabi ko na rin sa kanila yung nangyari.

"Hoy Canarish! Kanina ka pa tulala dyan." rinig kong sabi ni Angela habang kinakain niya yung binili niyang chocolate cake.

"Wala kasi akong gana kumain eh." sagot ko naman. Ewan ko ba, simula nang mangyari yung tagpo namin ni Zyre sa park eh lagi na rin akong natutulala.

"Rish, look." sabi naman ni Lorraine habang tinuturo yung nasa main door ng cafeteria.

Walang gana ko namang nilingon yung sinasabi niya at nagulat ako sa nakita ko. 

Si Zyre. 

May hawak siyang bouquet of sunflowers habang unti unting lumalapit sa kinaroroonan namin.

ForbiddenWhere stories live. Discover now