Chapter 17

31 15 0
                                    

"Eleana? What happened? Bakit ka may sugat sa braso?" nag aalalang tanong sakin ni Zyre nang makalabas na kami ng tuluyan sa horror house.

"Bro relax, it's just a fake blood." tugon naman ni Ryle habang pinupunasan niya yung pekeng dugo na nakuha ko siguro dun sa loob nung nalapitan ako ng bangkay costume inside.

Nakita ko namang napabuntong hininga si Zyre. "I thought nagkasugat ka na," sabi niya sabay lumapit sakin at pinisil ang magkabilang pisngi ko. 

"Gutom ka na ba?" tanong niya pa sakin kaya tumango na lang ako bilang sagot.

Pumunta muna kami sa kalapit na cafeteria at si Zyre na ang umorder kaya naiwan kami ni Ryle sa upuan. Hanggang ngayon hindi niya parin ako kinakausap na parang dati. Galit pa rin ba siya sakin? Kung oo, bakit siya pumayag na sumama sa 'min ngayon? At dahil hindi na ko mapakali ay tinanong ko na siya.

"Kuya, are we-" hindi ko na naituloy yung itatanong ko dahil dumating na si Zyre at biglang nagsalita.

"Isusunod na lang daw yung order, let's wait for a while." sabi niya habang umuupo sa tabi ko. Katapat ko naman ng upuan si Ryle kaya kitang kita ko na na a-awkward-an din siya ngayon.

Ilang minuto lang ay dumating narin yung inorder ni Zyre. May dalawang sliced chocolate cake, tatlong red velvet cupcake, cookies tsaka tatlong black coffee.

"Z-zyre I don't-" naputol nanaman ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Ryle.

"Di siya nainom ng black coffee." diretsong sabi nito kay Zyre.

"Oh, sorry Eleana I forgot. What do you want? Milktea? Frappe? Anything, just tell me." pagpapaumanhin naman ni Zyre sa 'kin.

"Uhm, milktea na lang. Wintermelon please." sabi ko na lang sa waiter. Buti na lang di pa siya umaalis.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa peryahan. Sabi ni Ryle magtry daw kami ng mga games dun. But since hindi ako marunong, silang dalawa na lang ni Zyre ang naglalaro habang ako naman nanonood lang sa kanila. Kasalukuyan kaming nasa dart game ngayon. Mukhang matindi yung laban nilang dalawa. Nagpapataasan kasi sila ng score para makuha yung malaking teddy bear na kulay blue. Dikit na dikit yung laban nila like isa or dalawa lang yung lamang. Pero sa huli, si Ryle ang nanalo. Nakuha niya yung teddy bear at ibinigay sakin.

"T-thank you kuya." nahihiya kong pagpapasalamat sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung tama ba na tinanggap ko yun sa harap ni Zyre? Baka naman napahiya siya sa part na yun?

Nagulat na lang ako ng biglang inabot sakin ni Zyre yung napanalunan niya. Dahil isa lang ang naging lamang ni Ryle ay pati siya nakakuha din ng prize. Isa itong mini journal na kulay pink at meron pang susi. Binigay niya rin sa 'kin yun dahil hindi niya naman daw magagamit yun dahil pambabae. Tinanggap ko yun at nagpasalamat rin sa kaniya.

Niyaya kami ni Ryle na pumasok sa isang tent na may nakasulat sa labas na 'Fate Reader' . Nang makapasok kami ay may nakaupong babae sa gitna na parang nagbabasa ng mga baraha. If I'm not mistaken isa siyang manghuhula? May nakasuot na pulang balabal sa ulo niya tapos may bilog na parang may ilaw sa gitna.

"Ija, malayo ka pa lang may nararamdaman na kong kakaiba sayo. Halika rito, ipakita mo ang mga palad mo sakin." sabi niya sakin kaya naman kahit medyo weird ay lumapit pa rin ako.

Habang hawak niya ang mga palad ko ay hindi ko maiwasang mapatingin sa disenyo ng paligid. Puro pula, itim at puti lang ang makikita mong mga kulay dito. Mayroon ding mga painting na kakaiba at hindi ko maintindihan.

"Mapapahamak ang kapatid mong lalaki." diretsong sabi nito na ikinagulat ko. Maliban sa tono ng pananalita nito ay mas ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Uhm w-wala po akong kapatid." naweweirduhan kong sagot sa kaniya. Nakita ko rin na nagulat sina Ryle at Zyre na parehong nasa tabi ko.

"Ah eh Aling-" naputol na sabi ni Ryle dahil nagsalita na agad yung manghuhula.

"Misfate na lang." sabi niya habang iniikot ikot ang kamay niya sa bilog na crystal sa harap niya.

"Ah Misfate, wala po siyang kapatid. Kuya po meron, kuya kuyahan lang. A-ako po." pagpapatuloy ni Ryle sa gusto niyang sabihin kanina pa.

"Mag ingat kayong dalawa!" medyo pasigaw na sabi nito habang tinuturo sina Zyre at Ryle. Ang  creepy naman.

Nakaramdam din siguro ng kakaiba yung dalawa kaya naman nagbayad na sila dun sa ale at lumabas na kaming tatlo.

"Weird." pabulong kong sabi tapos napabuntong hininga na lang ako.

Naalis ang katahimikan sa pagitan naming tatlo nang makarinig kami ng ring ng cellphone. May tumatawag pala kay Zyre. Nagpaalam siya samin na sasagutin niya muna yun. Makalipas naman ang limang minuto ay nakabalik na siya.

"Bro, may emergency sa bahay. Ikaw na muna maghatid kay Eleana. I have to go." sabi niya sakin pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Pagkaalis naman niya ay niyaya na rin ako ni Ryle na umuwi at hinatid niya na rin ako sa bahay.

--

"What a weird and creepy day!" sabi ko na lang pag kauwi ko at agad na humiga sa kama ko.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon