Chapter 4

103 54 6
                                    

"K-kuya?" tanong ko rito kasabay ng pagpatak ng kaunting luha mula sa aking mga mata.

"Bunso bakit? Sobra mo ba kong namiss kaya halos maiyak ka na diyan?" agad ko namang pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mga pisngi.

"K-kailan ka pa bumalik d-dito?" nauutal ko paring tanong sa kaniya habang patuloy parin sa pagpupunas ng aking mga luha.

Siya si Ryle Christan Mendez, isa rin sa mga boy bestfriend ko. Anak siya ng dati naming kasambahay na si Yaya Nenita kaya naging close na rin kami mula pagkabata. Tatlo kaming magkakaibigan nina Zyren at Ryle. Pero mas naging close ko si Zyren dahil nakakasama ko siya sa eskwelahan. Samantalang si Ryle naman ay nagpapahinto hinto sa kaniyang pag-aaral dahil bata palang siya ay tinutulungan niya na ang nanay niya sa pagtatrabaho dito sa mansiyon. Siguro'y hanggang grade 8 lang natapos niya pero mas matanda siya sa 'kin ng dalawang taon.

"Kahapon lang. Namiss mo ko no?" pabiro niyang tanong sakin habang ginugulo ang basa ko pang buhok.

Namiss ko nga siya, namiss ko ang kuya-kuyahan kong naging sandalan ko rin lalo na nung mga panahong dinamdam ko ang pag-alis ni Zyren.

Hindi niya ko iniwan, lagi siyang nandyan para punasan ang mga luha ko at patawanin ako sa tuwing nalulungkot ako.

Pero isang araw, kinailangan niyang umalis para maalagaan niya sa kanilang probinsya ang tatay niyang may sakit. Hindi niya ginustong iwan ako, pero kailangan.

"Kuya, tara sa pool area. Kwentuhan mo ko bilis."

"Ayoko nga, di mo pa sinasagot yung tanong ko eh." mabilis niyang sagot sa akin. Nagpout pa siya na parang bata. Ang cute niya dun ah!

"Hindi kita na-miss." pang aasar ko sa kaniya dahilan para kilitiin niya ako.

"Ah hindi pala huh!" Napatili na lang ako dahil mas lalo niya pa kong kiniliti kaya't tumakbo na ko.

Masaya kaming naghabulan sa loob ng bahay na parang mga bata, na parang walang problema.

Nagpatuloy ang paghahabulan namin hanggang sa umabot kami sa pool area. Nagulat ako nang maramdaman kong napatapak ako sa madulas na parte ng tiles sa gilid ng pool dahilan para mahulog ako. Inabot pa ni Ryle ang kamay niya sa 'kin kaya naman pati siya ay napasama sa pagkahulog ko.

"Ang kulit mo kasi eh, kakaligo ko lang kaya." inis kong sisi sa kaniya pero tumawa lang siya ng tumawa. Halatang gusto niya talaga akong mainis tsk.

"Sorry na hahaha. Namiss kasi kita bunso. Isa pa, gusto ko lang din na sabay tayong mahulog sa isa't isa." pabulong niyang sinabi ang mga huling linya pero sakto lamang ito para marinig ko.

"Hoy kuya! Anong sabi mo ha, mahulog saan?"

"Sabi ko, gusto kong sabay tayong mahulog sa pool, ngayon palang kasi ako ulit makakaligo dito." Sus sinungaling, narinig ko naman talaga yung sinabi niya eh, malinaw pa sa liwanag ng buwan.

"Ano palang ginagawa mo sa bar kagabi ha bata? 17 ka palang ah, pano ka nakapasok dun? Tsaka sinong kasama mo?" sunod sunod niyang tanong sakin para mailihis at maiba ang topic.

"Hays, his brotherly words are back again." sabi ko sa kaniya sabay roll ng magaganda kong mga mata. 

"Kalma ka lang, sasagutin ko lahat ng tanong mo. Nasa bar ako kagabi kasi ininvite ako ng kakilala ko. Nakapasok ako dun kasi daddy niya ang may ari nun and lastly si Jayson po pati ang mga friends niya ang kasama ko" dugtong na pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"What? All boys?" gulat na tanong niya sakin.

"Uhm, y-yeah?" nakita kong nainis siya sa isinagot ko.

Nasa pool parin kami ngayon kaya parang medyo awkward mag usap ng maayos dito. Naramdaman niya rin siguro kaya agad siyang umahon sa tubig at umupo sa gilid ng pool. Sumunod na rin ako sa kaniya dahil baka magalit pa siya sakin. Scary!

"Canarish, tinutuloy mo pa rin ba yang paglalaro mo ng mga lalaki?" hala tinawag niya ko sa first name ko, ginagawa lang nila yun ni- arghh never mind!

"Bakit? Masama ba yun?" I sarcastically asked.

"Of course, kailan pa naging tama ang maglaro ng damdamin ng ibang tao? And besides, si Jayson yun, si Jasyon Alcantara na kilala bilang playboy."

"Bu-"

"Nakita mo kung anong naidulot sayo niyang ginagawa mo? Napahamak ka pa tuloy. Muntik ka pang galawin nung kano na may asul na mata na yun. Buti napadaan ako dun at nakitang halos kakaalis lang ng kotse mo kaya pumasok na rin ako at hinanap ka sa madilim na lugar na yun. Hindi mo kasi iniisip kung anong pwedeng mangyari sa-"

Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niyang tumutulo na ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa mga narinig ko, alam kong may mali ako pero hindi ko naman alam na mangyayari yun eh.

"Bunso, sorry. Sorry di ko sinasadya. Nag- alala lang naman kasi ako sayo. Ayaw kong mapahamak ang bunso namin okay?" lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. Simula pagkabata namin talagang pinaramdam niya sakin ang pagmamahal ng isang kuya kahit hindi ko siya kadugo. Tinatawag niya kong bunso dahil ako ang pinakabata noon sa aming magkakaibigan. At mas lalo kong nafifeel na may kapatid ako everytime na tinatawag niya ko nun.

"It's okay kuya, tama ka naman eh. I'm a mess, a total trash na sana hindi na lang nabuhay dito sa mundo." di ko na talaga mapigilan, nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagpatak.

Naramdaman kong niyakap niya ko, at doon ko mas nailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hinihimas himas niya pa ang likod ko para mapatahan ako.

"Sabi sa imbestigasyon, yung lalaking asul ang mga mata ang may pakana ng lahat. Nilagyan niya ng pampatulog yung inumin mo, pati na rin yung kay Jayson kaya wala din siya nung mga oras na sinasagawa nung kano yung plano niya sayo." paliwanag niya sakin habang patuloy akong pinapatahan.

"Please stop crying. Sige ka aalis na ulit ako." patuloy niya pa kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya at napatigil sa pag iyak.

"Kuya, wag mo na ko ulit iwan please." pagmamakaawa ko sa kaniya.

Nakita ko namang tumango siya at ngumiti sakin bago niya ako muling niyakap.

--

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may pasok nanaman. Kahapon ay nagpaalam sa 'kin si Ryle na uuwi muna siya ulit dahil may pasok na din daw siya. Pinangako niya naman na babalik siya rito sa Sabado at mamamasyal raw kami kung iyon ang gusto ko.

Napag alaman ko rin sa kaniya na nakapag aral siya sa isang Alternative Learning System kung kaya't ngayon ay kolehiyo na rin siya katulad ko.

Masaya ko para sa kaniya. Alam kong dati pa lang ay gusto niya na talagang makapag aral. Kaya tuwing umuuwi ako dati galing sa school ay sabay kaming nag aaral dito sa bahay. Matalino siya kaya naman hindi ako nahirapan sa pagshare sa kaniya ng mga natututunan ko sa school.

--

Pagkarating ko sa campus namin ay agad akong sinalubong nina Angela at Lorraine na halatang tumakbo pa dahil pawis na pawis silang dalawa.

"Rish, we have to talk." maawtoridad na sabi sakin ni Lorraine.

ForbiddenWhere stories live. Discover now