Chapter 18

30 15 2
                                    

"What a weird and creepy day!" sabi ko na lang pag kauwi ko at agad na humiga sa kama ko.

Agad kong binuksan ang cellphone ko. Naisipan kong tawagan sina Angela at Lorraine dahil hindi ko na kayang ipagpabukas to. 4pm pa lang naman, so, I guess di sila busy ngayon.

"Girls!" bungad ko sa kanila pagkasagot na pagkasagot palang nila ng video call. Nakita kong kumakain si Angela at mukhang kakagising lang ni Lorraine.

"What is it?" tanong ni Lorraine na halatang inaantok pa dahil napahikab pa siya.

"I'm pretty sure magigising ka sa ikukwento ko sa inyo Lorraine." nakasisiguradong sabi ko sa kanila.

"Twell as nwa." sabi naman ni Angela habang nanguya pa. Tsk etong babaeng to talaga, napakatakaw.

At dahil hindi na ko makapaghintay, ikinwento ko na sa kanila ang lahat ng nangyari. As in all the details at siyempre naka highlight yung pinaka weird na nangyari kanina.

"Seriously? Naniniwala ka ba dun Rish?" tanong ni Lorraine na ngayon ay mukhang nagising na nga sa kwento ko.

"I don't know. Pero kinalabutan talaga ko sa sinabi nung aleng manghuhula. Like hey? Wala naman kasi akong kapatid right? Only child ako, only child!" medyo napalakas yata yung pagkakasabi ko kaya mukhang nagulat silang dalawa.

"So, anong pinaglalaban mo diyan? Eh alam naman naming only child ka eh." sabi naman ni Angela na mukhang tapos na sa pagkain ng meryenda niyang spaghetti dahil kumakain naman siya ngayon ng chips.

"It's just.. weird. I mean super weird." medyo pabulong kong sagot pero I'm sure narinig pa rin naman nila.

"Rish, kaya nga hula diba? May possibilities na totoo, at may possibilities din na hindi. So, calm down okay? Kung wala kang kapatid, edi wala ring mapapahamak na kapatid." makahulugang pagpapaliwanag naman ni Lorraine. She's right hula lang yun. 50/50 chance of possibilities.

Nagpaalam na ko sa kanila after that. Nahimasmasan naman na ko. Feeling ko tuloy ang stupid ko sa paniniwala sa isang hula lang. Itutulog ko na lang to. Yeah, much better.

--

"Rish come here." tawag sa 'kin ng daddy ko na nasa living room ngayon kasama din ni mommy. Mukhang okay naman na sila ngayon.

"It's already August, what do you want on your birthday?" tanong pa nito sakin habang may kinukuha sa bag niya. 2 months na lang pala 18th birthday ko na. Time flies so fast. I am 2 months away sa legal age ko.

"Do you want to throw a party or just travel to another country?" tanong naman sakin ni mommy.

"Will you be there? On my 18th birthday?" pagtatanong ko rin sa kanila. Simula pagkabata ko kasi bilang na bilang lang kung ilang beses ko silang nakasama sa birthday ko. Lagi silang busy sa work o kaya naman nasa out of town.

"Ofcourse honey, we will be there." sagot naman ng dad ko matapos nilang magkatinginan ni mom.

"R-really?" natutuwa at naeexcite kong tanong sa kanila. Nakita ko namang tumango sila pareho at ngumiti. "I want to throw a party mom, dad." sabi ko pa sa kanila.

"Okay then. It will be a huge party for our only daughter. Ipapaayos ko na sa secretary ko lahat ng kakailanganin. Papapuntahin ko nalang din siya dito para makuha yung mga suggestions mo tsaka iba bang infos." nakingiting sagot ni mom kaya naman niyakap ko silang pareho ni dad ng mahigpit. For the first time in my life, nalaman kong mahal din naman pala nila ko kahit papaano. Dahil makakasama ko sila sa pinaka espesyal na araw sa buhay ko.

"And wait Rish, we have something for you." sabi pa ni dad kaya naman napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanila. Iniabot sakin ni dad ang isang susi. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko agad sila. "Mom, dad? What's this?"

"Your 2nd key. Your condo keys." nakangiti namang sagot ni mom. I was shocked. Omg! Eto yung promise nila sakin. When I turned 17, binigay nila yung car keys and of course the car and now that I'm turning 18, they gave me my own condo keys.

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko na ulit sila at tuloy tuloy na nagpasalamat sa kanila. 

But to be honest, ..these keys aren't what I really want.

--

Nakipagkita ako kay Zyre sa usual spot namin. At pagdating ko dun ay nandon naman na siya. Naka jersey siya ngayon ng kanilang bikers' team at shet b-bakat yung ano, bakat yung ano niya! Omg. Rish, no no no. Wag mo siyang pagnasaan huhu. 

Unti unti siyang lumapit siya sakin. Papalapit ng papalapit. Hanggang sa 1 inch nalang ang layo namin sa isa't isa. Napapikit nalang ako. Hanggang sa maramdaman kong lumapat ang malambot niyang labi sa mga labi ko. 

"Hoy Eleana!" nagulat ako nang biglang magsalita si Zyre kasabay ng pagpitik niya sa daliri niya. Huh? Bakit, bakit ang layo niya pa sakin? Shit Rish! Imagination ko lang pala yun huhu. Napahawak ako sa bibig ko. Hala nakanganga ko kanina? May tumulo pang laway? Nakakahiya ka naman self huhu.

"Ahh a-ano nga y-yun?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Kanina pa pala siya nagsasalita. Sana di niya mapansing hindi ako nakikinig huhu.

"Sabi ko, why did you called me? Anong meron?" tanong niya naman. Hays. Buti naman at hindi niya ko inasar pa.

"P-punta tayo dun." sagot ko naman habang tinuturo yung 2nd floor ng municipal hall.

"Anong gagawin natin dun?" tanong niya naman sakin habang tatawa tawa pa ng kaunti. Jusko naman, kung anu ano iniisip nito. 

May balcony kasi doon at wala namang ibang tao sa taas dahil nasa baba lang sila.

"Gusto ko lang makita yung mga stars." sabi ko sa kaniya at agad na siyang hinatak para hindi niya na ko kulitin pa.

Nang makarating kami dun ay tanaw na tanaw ko na ang bilyon bilyong mga bituin sa itaas. Grabe, what a beautiful scenery. Napaka ganda talaga ng artwork ni God.

Kaya ko siya niyaya dito ay para sagutin na siya ulit. Sagutin siya kapag may dumaang jet plane ngayong gabi. Alam ko imposible pero gusto kong malaman kung tama na ba yung desisyon kong bigyan siya ng second chance.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang mga kamay ko. Magkaharap kami ngayon kaya kitang kita ko ang mukha niya. Ang mga mata niyang mas makinang pa sa mga tala. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagdaan ng jet plane na kahit maliit lang sa paningin ko ay kitang kita ko ang mga ilaw nito. This time, alam kong tama na ang desisyon ko.

"Zyre, you deserve the second chance. Sinasagot na kita ulit." nakangiting sabi ko sa kaniya. Hawak hawak niya pa rin ang mga kamay ko pero agad siyang napabitaw at bigla akong binuhat.

"Eleana, my starlight. Thank you so muchh!" nakangiting sabi niya. Umikot siya ng dahan dahan habang buhat ako tapos ibinaba niya na rin ako. Nang tumapat ang mga mukha namin sa isa't isa ay hindi na siya nag alinlangan pa at hinalikan ako. Napapikit nalang ako at ginaya ang ginagawa niyang paghalik sakin. Inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya at mas lalong inilapit siya sakin.

This is my first kiss. 

My first kiss with my first love..under the light of a thousand stars.


ForbiddenWhere stories live. Discover now