Chapter 12

59 32 2
                                    

Unti unti nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang makita ko siyang papalapit na sa 'kin ay agad akong tumalikod at tumakbo papalayo.

Narinig ko pang tinawag niya ko pero hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy na sa pagtakbo. Hindi ko alam pero kusang humakbang papunta sa parking lot at ang mga paa ko. Mabuti na lang at nandito na ang driver kong si Gilbert at agad na pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay hindi parin matigil sa pag uunahan ang mga luha ko. Mabuti na lamang at walang pakialam si Gilbert kahit anong ginagawa ko.

--
Pagpasok ko pa lang sa mansiyon ay rinig na rinig ko na ang away nila mommy at daddy sa living room.

"Sino yung babaeng kasama mo Jayme!?" rinig kong pasigaw na tanong ni mommy.

"She's one of our new investors, Airish. Pwede bang wag mo nanamang gawan ng issue?" kalmado namang sagot ng daddy ko habang inaalis yung tuxedo niya.

"Seriously? Investor pero napakalagkit kung magkatinginan. Oh come on Jayme! Ang sabihin mo nambababae ka nanaman!" ayaw parin umawat ni mom sa pagsigaw niya habang si dad naman ay parang wala lang pakialam at kalmadong kalmado pa.

"Stop Airish, hindi na tayo mga teenagers para pag awayan yang mga ganyang bagay." bakit ganun? Mahinahon pa rin si dad kahit na galit na galit na si mom.

"Don't lie to me! Bumabalik ka nanaman sa dating ikaw! Nambababae ka nanaman!"

Hindi ko na kaya. Agad na kong lumabas ng bahay at nagdire diretso palabas ng gate. Muntik pa kong harangin ng guard sa main gate pero hindi ako nag paawat. Agad akong pumara ng taxi at agad na sinabi kung saan ako pupunta.

Una kong pinuntahan ang bahay nila Angela pero sa labas pa lang ay nakita ko ng may mga bisita sila kaya umalis na rin ako agad at muling sumakay sa taxi.

Sunod ko namang pinuntahan ang bahay nila Lorraine. Nakausap ko ang guard nila at sinabi nitong masama raw ang pakiramdam ni Lorraine kaya wala akong choice kundi umalis na lang ulit. Ayoko namang istorbohin siya sa pagpapahinga niya.

I had no other options. Kila Ryle ako pupunta. I'm sure kahit nandun pa buong angkan niya ay welcome parin ako.

Binayaran ko na yung driver at hindi ko na kinuha yung sukli. Nagsimula na agad akong maglakad papunta sa bahay nila. Medyo madilim na ngayon at mukhang uulan nanaman.

Nag aalinlangan pa kong kumatok nung una, pero dahil nandito na ko, wala na rin naman akong choice.

"Kuya. Kuya. Kuya." paulit ulit kong tawag habang kumakatok ako. Nakalipas lang naman ang ilang minuto ay pinagbuksan niya ko ng pinto.

Nagulat ako ng makita kong basang basa pa ang mga buhok nito at naka tapis lang siya ng tuwalya sa ibaba. 

Shet what a perfect body! Kitang kita yung magandang built ng katawan niya at ang 4 packs abs niya. Hell no Rish. Wag mo pagnasaan ang kuya mo, ang bestfriend mo.

Nang matauhan ako ay agad na kong nagsalita. Ang awkward shems. Baka nakita niya kung paano ako naamaze sa katawan niya huhu.

"Uhm k-kuya p-pwede dito m-muna ko?" nauutal kong tanong sa kaniya dahil naiilang na talaga ko.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Tsaka bakit namamaga yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" tuloy tuloy na tanong niya na siya namang nagpaalala sa 'kin ng mga nangyari kani kanina lang.

Pinapasok niya muna ko sa loob at inakay ako papunta sa salas nila. Napansin kong parang walang ibang tao kaya nagtanong ako agad sa kaniya.

"N-nasan sila Nay Nenita?" tanong ko sa kaniya habang bumababa siya sa hagdan. Nakabihis na rin siya ngayon.

"Umuwi silang lahat sa probinsya,  padespidida kasi ng tito ko na pupunta sa England. Ako lang ang naiwan dahil may pasok ako bukas." maikling paliwang nito. "Eh ikaw anong nangyari sayo?" singit na tanong niya pa.

"Alam mo kuya, mas gaganahan ako magkwento pag may iniinom tayo." pangungumbisi ko sa kaniya.

"Seriously Rish? Ayokong uminom, may pasok nga ko bukas." pagtanggi niya naman.

"Kuya please." pagpilit ko sa kaniya. Wala naman siyang ibang nagawa kundi kumuha na lang ng maiinom namin.

Luckily may iilang beer in cans naman sa ref nila. Kumuha na rin siya ng mga chips na pwede naming maging pulutan.

Nagsimula kaming uminom at nagsimula na rin akong magkwento sa kaniya. Kahit na medyo may tama na ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pag inom dahil gusto kong makalimot sa sakit kahit panandalian lang.

"So, nandito na pala ulit si Zyren?" pagtatanong niya sakin. Nabanggit ko rin kasi sa kaniya na nakita ko ito sa campus kanina.

"Hmm yeah. Nagpwaparamdam ulit yung *hik* matagal ng hindwi nagparamdam."

"Edi hindi mo na pala ko kakailanganin?" nagtaka naman ako sa tanong niya. Kahit naman may tama na ko ay naiintindihan ko kung anong nangyayari.

"Kuya *hik* you know naman na lagi kitang kailangan." sagot ko sa kaniya habang kumukuha ng chips sa bowl.

"No rish. Pag nandiyan si Zyren mo, nakakalimutan mo ng nag eexist ako. Pag nandyan siya, hindi mo na ko kilala. Bakit? Kasi siya ung mahal mo? At ako? Bestfriend mo lang naman ako diba?" sabi niya habang tumatawa ng pilit. Alam kong sa mga oras na yun ay nasasaktan siya dahil sa tono ng pananalita niya.

"Sorry." iyan na lang ang nasabi ko dahil alam ko sa sarili ko na totoo yung sinasabi niya. Nakakalimutan ko siya pag nandyan na si Zyre.

"Don't be sorry Eleana. I'm always willing to be your temporary happiness until you find the real and permanent one." sa mga puntong to ay nakita kong umiyak ang bestfriend ko. Nasaktan ako sa nakita ko, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan.

Ganun na ba ko ka selfish? Ganun na ba kasama yung ugali ko para makalimutan na lang siya pag nandyan na yung kasiyahan ko? If yes, tangina ang sama sama ko.

Siya yung laging nandiyan simula pa noon, pero siya yung madalas kong nagiging second option.

"Matulog ka na lang dun sa kwarto nila ate. Mauna na ko." sabi niya at tuluyan ng umakyat.  

ForbiddenWhere stories live. Discover now