Chapter 3

118 58 7
                                    

"Z-zyren" bulong ko habang unti unti na kong nawawalan ng malay.

--

Bigla akong napabangon at napatingin sa paligid ko. Nasa kwarto nako. Pero pano? Panaginip lang ba lahat ng iyon? Yung pagkahilo ko, yung pagkakita ko kay Zyren. Was it all just a dream?

"Rish, gising ka na pala. Anong nangyari sayo, iha?" napalingon ako sa gilid ng higaan ko. Si Nanay Lena, ang nag iisang tao dito sa bahay na may concern sakin. 

She's my yaya pero parang mas nanay ko pa siya. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng higaan ko.

"Nanay Lena, paano po ako nakarating dito sa bahay?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Wala talaga akong maalala sa nangyari dahil nawalan ako ng malay.

"May naghatid sayo dito nak. Binata. Ang gwapo niya ha, karelasyon mo ba iyon?" Huh? Ako may karelasyon? Tsaka teka nga, hinatid pa ko dito?

"P-po?" yan na lang ang naisagot ko kahit napakaraming tanong ang nasa isipan ko.

"Dumating kayo dito kagabi, kasama mo iyong binatang iyon. Nawalan ka daw ng malay kaya't hinatid ka na rito. Sakto naman ding dumating ang mommy at daddy mo. Kaya ayon nagkausap pa sila." paliwanag nito sakin.

Napatigil ako at inisip ang bawat sinabi ni Nay Lena. 

Nagkausap sila? Baka mapagalitan nanaman ako nila mom. Geez, ano ba nangyari?

"Sino daw po yung naghatid sakin tsaka ano pong pinag usapan nila? Galit po ba sila mom?" sunod-sunod kong tanong rito.

"Hindi ko na narinig pa yung ibang pinag-usapan nila iha, ako na kasi ang nagdala sayo dito sa kwarto mo at binihisan narin kita. Pero sa palagay ko'y di naman gaanong galit ang mommy at daddy mo. Baka nag alala lang sila sayo. Mukha naman kasing kakilala nila yung naghatid sayo dito." Sina mom mag aalala? Imposible.

"Tsaka nak ang narinig ko lang, iyon daw ay ang tsayldud prend mo ba yon?"

"C-childhood friend po ba?"

"Ay oo iyon nga nak, pasensya na alam mo namang hindi nakapag aral ang yaya mo eh." paghingi pa niya ng pasensiya sa akin. Teka, chilhood friend, binata, gwapo, kakilala nila mom?

Si Z-zyren? Tama, siya ang huling naaninag ko. Nasa di siya kalayuan non. Maaari ngang siya yun.

"Umuwi na po ba siya?" agad kong tanong kay Nay Lena.

"Oo umuwi rin siya kagabi pagtapos nila mag usap. Pero nandyan siya ngayon sa baba, binibisita ka."

"Nandyan siya ngayon sa baba"

"Nandyan siya ngayon sa baba"

"Nandyan siya ngayon sa baba"

Paulit ulit pumasok sa utak ko ang sinabi ni Nay Lena. Andito si Zyren? Binibisita niya ko. Bumalik siya, bumalik siya after a year. Kailangan ko siyang makausap.

"Nay, salamat po ah. Maliligo po muna ako tapos bababa na ko. Pasabi po sa kaniya antayin niya ko."

Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Nay Lena, agad akong naligo at nagbihis dahil kailangan maging presentable naman ako para kay Zyren, para sa muli naming pagkikita.

--

Pababa na ko ng hagdan at kitang kita kong may kausap si Nay Lena. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Pareho silang nakaharap sa family portrait namin at halatang ito ang pinag uusapan nila.

Habang papalapit nang papalapit ang mga paa ko sa pinaroroonan nila ay pabilis rin nang pabilis ang tibok ng puso ko. May kakaibang kaba akong nararamdaman. Kaya ko na bang makaharap siya? Kaya ko na bang makaharap ang lalaking sobra kong minahal at ang lalaking nang iwan rin sa akin? Kaya ko na ba?

"Oh andito na pala siya." rinig kong sabi ni Nay Lena kaya unti-unti naring napaharap ang lalaking kasama nito.

Parang unti-unting lumipad ang lahat ng iniisip ko nang sa wakas ay nakaharap ko na ang lalaking ito.

Nag niningning ang mga mata nitong kulay brown nang makita ako. Matangkad siya, moreno at tunay ngang kulay Pilipino, matangos ang kaniyang ilong at ang mga labi niya'y medyo manipis lang pero kissable talaga.

Pero hindi siya ang lalaking gusto kong makita.

Hindi siya si Zyren.

"K-kuya?" tanong ko rito kasabay ng pagpatak ng kaunting luha mula sa aking mga mata.

ForbiddenWhere stories live. Discover now