Chapter 25

25 3 0
                                    

"Goodmorning, my starlight!" napabalikwas na lamang ako nang marinig ko ang mga salitang iyon. Dito ako natulog sa condo ko ngayon at yes, kasama ko si Zyren. 

But nothing happened. Sa sofa kasi siya natulog eh sayang huhu. 

Just kiddin'!

"Goodmorning babe." nakangiting bati ko sa kaniya pabalik. I never thought na ganito pala kasarap gumising knowing na bubungad sayo ang taong pinakamamahal mo. Ito yung first time na nakasama ko siyang matulog sa iisang bahay. And kahit hindi kami magkatabi ay ramdam na ramdam ko naman ang presensya niya.

"I prepared breakfast for you, sana magustuhan mo." aww ang sweet naman ng boyfriend ko. Sana ganito na lang kami palagi. Sana pwede.

I went to the comfort room muna para makapagfreshen-up. Tapos agad naring dumiretso sa kusina kung saan naghanda ng almusal si Zyre. Isa isa kong tiningnan ang mga niluto niya. Fried rice with fried egg, bacon, and ham tapos nagtimpla din siya ng coffee for the both of us.

Pinagsandukan niya muna ko ng pagkain bago siya nagsimulang kumain din. To be honest, medyo sunog yung mga niluto niya. Pero since nag effort siya, of course appreciated ko iyon. Hindi ko pinaramdam sa kaniya na may mali sa luto niya at kumain pa ko ng marami kahit medyo mapait pait pa ang lasa. Luto ng mahal ko 'yon eh.

"Uhm baby, you don't need to eat that all. A-alam ko namang hindi masarap." nakayuko nitong sabi sa akin. Aww so cute naman.

"Hmm? Ang sarap kaya." okay, I'm not lying. For me, it tastes really good.

"Don't lie Eleana." seryoso nitong sabi sakin. Hayst, gusto lang nito ng lambing eh.

"I'm not lying babe. Kahit araw-araw mo pa kong paglutuan ng sunog, kakainin at uubusin ko pa rin yon." sabi ko sa kaniya sabay kuha ng bacon na medyo nadurog din sa pagkakaprito.

"Tsk. Di ako kinikilig." haha ang cute niya talaga. At nagpout pa siya niyan ha? Pag ako nanggigil, ikikiss ko yan. Hmp!

"Weh? Look at your face nga, namumula na eh." pang aasar ko sa kaniya sabay inom ng mapait na kapeng tinimpla niya. Okay, wala talaga siyang future sa pagluluto. Zyre always dreamed to be a pilot. Sabi niya sa 'kin, he want to tour me around the world. Gusto niya daw na siya ang magdadala sakin sa iba't ibang bansa na gusto kong puntahan. That's his promise ever since we we're young.

"Hey I'm not blushing. Bilisan mo na nga diyan, aalis tayo." sagot niya naman na halatang iniiwas ang topic. Itatanggi niya pa ba eh kitang kita ko sa singkit niyang mga mata na kinikilig siya.

"Where are we going?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Pareho kasi kaming walang pasok every Tuesday kaya ang lakas niya kung makapag-aya.

"Cebu." maikling sagot niya na nag-iwan sakin ng pagkagulat.

--

Hundreds or thousands of sunflowers lang ang nakikita ng dalawang mata ko ngayon. I can't believe na finally, nakarating na rin kami dito ni Zyre nang magkasama. Buti nalang he still remembered his promise na we will be visiting Cebu to see the Sunflower Garden.

"Baby, can I take pictures of you?" nag aalinlangang tanong sa 'kin ni Zyre. Ngumiti nalang ako sa kaniya at nagsimulang magpacute sa harap ng camera niya. He's a good photographer din kaya hindi maipagkakailang ang gaganda ng mga naging shots niya sakin.

Tumawag pa siya ng isang tao para lang picturan kami pareho. Para kaming kinukuhanan ng prenup shots dahil sa mga sweet photos namin. Napangiti ako nang ako mismo ang makakita ng mga ito. Bawat larawan ay nagpapakita ng pagmamahal namin sa isa't isa. I'm gonna treasure this memory until forever.

"Where do you want to eat? I'm sure you're already hungry now." tanong nito sakin habang patuloy kaming naglilibot sa garden. Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa bawat sunflower na nasa paligid. Very warm.. and calm.

"Uhmm kahit saan." sagot ko habang inililibot parin ang mga mata ko sa garden. Narinig ko siyang napahinga ng malalim, kaya naman napatingin agad ako sa kaniya.

"Seriously baby? Ayan nanaman isasagot mo? Kahit saan? Kahit ano? Tsk. Hindi ako manghuhula ha." 

Am I always like that? Okay okay, I admit it. Eh kasi naman eh, ang ganda ng tanawin. Sino ba namang gugustuhing magpapadistract. 

Habang inililibot ko ang mga mata ko ay may nakita naman akong hotel kalapit ng garden na ito. I'm sure may foods dun. Kaya para di na siya magalit ay ayun na lang ang itinuro ko.

"Hmm dun na lang babe?" tanong ko sa kaniya dahil di ko sure kung magugustuhan niya bang ayon ang itinuro ko.

"May alam akong malapit na mall, dun nalang tayo baby." Seriously? Tinanong niya ko kung san ko gusto tapos 'pag nagsuggest ako ayaw niya? Hays. Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya at doon na lang kami sa kalapit na mall pumunta.

After naming kumain ay naglibot-libot muna kami sa mall. Malawak dito sa loob kaya panigurado kung hindi ka taga-rito ay pwede kang maligaw. Nagpaalam si Zyre na pupunta muna daw siya sa comfort room, kaya nandito lang ako sa tapat at hinihintay siya.

Habang nililibot ko ang paningin ko ay may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Tama, siya nga. Agad akong lumapit rito at niyakap siya nang walang alinlangan.

"Omg, I missed you so muchhh!" sabi ko pa rito at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko namang hinahaplos haplos niya ang buhok ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at saka siya tinitigan. Ang pogi talaga nento.

"Eleana!" rinig kong sigaw ni Zyre na nakalabas na pala ng cr. B-bakit parang galit siya?

Nagulat ako nang lumapit ito sa lalaking kasama ko at agad na kinuwelyuhan ito. Bakit ba laging ginagawa to ni Zyren? Wala naman kaming ginagawang masama.

"Zyren, stop!" sigaw ko sa kaniya upang tumigil siya. Nakakahiya dahil andaming tao na ang nasa paligid at nakikiusyoso ngayon.

"Why are you hugging that guy Eleana? Damn baby, you are mine!" muling sigaw nito kaya naman nagulat ako. 

Okay, he's jealous.

"Babe, h-he's m-my cousin. D-don't you r-remember him? Si Kendrick." nauutal at mahina kong paliwanag sa kaniya. Kinakabahan kasi ako dahil baka mapahiya siya at iyon ang pinaka-ayaw niyang nangyayari.

Nakita ko namang nahimasmasan siya sa sinabi ko kaya agad niyang binitawan si Kendrick. Ako na lang humingi ng pasensya sa pinsan ko at agad ko nang hinila papalayo si Zyre.

Kendrick is my cousin sa side ni dad. Ngayon na lang kami ulit nagkita dahil sa Paris talaga sila nakatira ng family niya. Kaya naman ganoon na lamang kahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya kanina, na siya namang ikinaselos ng boyfriend ko. Hays, napakaseloso talaga.

ForbiddenWhere stories live. Discover now