CHAPTER ONE

6.6K 96 11
                                    


"THERE goes our gorgeous sub, Ciel," pabulong na wika ng gay classmate niyang si Alfie at inginuso ang lalaking umo-order ng pagkain sa counter ng canteen.

Sinundan niya ng tingin ang tinukoy nito, and her heart gave a funny leap. Isa iyon sa mga bagay sa sarili niya na hindi niya nauunawaan satuwing nakikita niya ang lalaki. Kahit noong munti pa lamang siyang bata ay naroroon na ang kakaibang pananabik niya sa tuwing nakikita ito.

Gael Llamas. Tall, dark, and a hottie. Ang tatang nito noong nabubuhay pa ay karaniwan nang tinataguriang "Kastilaloy" ng mga nakakakilala rito. Though she remembered Gael's father to be on the fair side, Gael was dark. Hindi niya kilala ang mother nito dahil ayon sa tiyahin niya ay namatay ang mamang ni Gael bata pa lang ito. But Cielo assumed that Gael must have inherited her mother's skin color.

Her eyes were still trained on him. Cielo knew he was twenty-four years old through his records in St. Vincent College. Na lihim niyang sinilip. Nasa ilalim ito ng scholarship ng tita niya, si Janet Saavedra, ang bunsong kapatid ng daddy niya at isa sa mga dean ng eksklusibong paaralang panlalaki, ang SVC.

Student teacher nila sa Music si Gael dahil sa SIC ito na-assign na mag-OJT. She'd known Gael all her life. Sila ng kapatid niyang si Stacie. And the irony of it, they were not even friends. Wala rin siyang natatandaang pagkakataong nagkausap sila nito o kinausap kaya siya nito gayong binatilyo pa lang ito'y nagpupunta na itosa mansiyon nila kasama ang tatang nito sa pagrarasyon ng isda. Gael wasn't even a nodding acquaintance.

May dalawa o tatlong pagkakataong nakita niyang kausap ito ni Stacie. Though it was always her sister who had initiated conversation. At sa paghihimagsik niya, Gael had always had this ready smile for her sister. Naghihinala siyang, tulad niya, ang kanyang kapatid ay may crush din dito subalit inililihim lang.

"Alam naming kursunada mo iyan, chika," untag ni Henny. "Mula nang maging sub natin iyan ay hindi lang minsan namin napunang nakatitig ka sa kanya lalo at hindi siya nakatingin. 'Di ba, bakla?" Siniko nito si Alfie.

"Ano fa? Pero kahit ako'y crush ko iyan. Ngitian lang ako at talagang mahihimatay ako. Kaso, suplado! Kundi pa poor." Umangat ang isang kilay nito at tumirik paitaas ang mga mata.

She was still staring at him. Hindi niya gustong aminin sa mga classmate na totoo ang sinasabi ng mga ito. She had a big crush on Gael. Hindi niya alam kung bakit, subalit ang mga kalokohan niya'y hindi umabot para sa mga tulad nito. Alin na lang sa tatlo ang dahilan: A—dahil tama si Alfie na sabihing mahirap lang ito?B—dahil mas matanda ito nang ilang taon sa kanya? C—dahil hindi ang uri ni Gael ang madaling lapitan? Ni hindi siya nito susulyapan kahit mabangga niya ito sa corridor.

Maybe all of the above.

Mula sa counter ay sinundan niya ng tingin ang pag-upo nito sa sulok na mesa sa kabilang bahagi ng canteen bitbit ang lunch tray. Ang tatlong kabataang estudyanteng nasa gitnang bahagi ng canteen ay nakasunod din dito ng tingin sa humahangang mga mata. Nagsisikuhan at naghahagikgikan.

Even as a lanky teenager, Gael intrigued her. It must be that perpetual scowl on his handsome face. Or perhaps because he hadn't given her a time of the day. And that made him more intriguing.

She couldn't explain why he excited and scared her at the same time. It wasn't as if Gael's some kind of a psycho killer. No. He wouldn't hurt her, physically, at least. Besides, her deliberate flirtations didn't go beyond boys.

And Gael's a man. Not a boy.

"Hindi mo kaya iyan," kantiyaw uli ni Alfie na nagpabalik ng atensiyon niya sa dalawang classmates. "Manhid sa beauty mo si Gael,chika."

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now