CHAPTER FIVE

3.5K 67 11
                                    


Eight years later... 


GAEL was driving at sixty to seventy kilometers per hour. Inabot na siya ng hapon sa pakikipag-usap sa kliyente niyang taga-Lemery. It was more than an hour drive to Trinidad. Madilim nang tiyak sa sandaling nasa bahaysiya. The whole highway was deserted. And he heard a siren wail from a distance.

Patuloy siya sa pagmamaneho. Ang sirenang narinig ay palakas at palapit. Sinulyapan niya ang rearview mirror. Isang humahagibis na sasakyan ang natanaw niyang paparating. Bahagya niyang kinabig sa dulong kanan ang pickup truck niya sa kabila ng deserted ang buong daan.

Nilampasan siya ng kulay-talong na four-wheel drive Isuzu D-max. At sa gulat niya, bago pa niya nakabig pabalik sa gitna ng lane ang truck niya ay kasunod na humahagibis ang dalawang highway patrol kasabay ng sirena ng mga ito.

Isa marahil importanteng tao ang ine-escort. Pero bakit tila naghahabulan? And why the siren? This part of the road had no traffic. Wala sila sa main highway. Ito ang mas madaling daan pauwi sa Trinidad.

He shrugged. Ibinalik ang isip sa bagong kliyente. Isang biyuda na nagmamay-ari ng isang pabrika ng pagawaan ng mga gamit pansanggol at ine-export sa ibang bansa. The widow made it obvious that it wasn't just his agency's services she wanted, kundi maging ang personal na serbisyo mula sa kanya.

It was the way she crossed and uncrossed her legs giving him a glimpse of her delectable legs. Hindi lang iyon, sinasadya nito ang pagyuko-yuko upang talagang ihantad sa kanya ang mayamang dibdib nito.

He grinned. He actually liked women with generous breasts. They reminded him of the paintings of old where women were depicted to have big bosoms and tummy.

Hindi niya matiyak kung paano siya nakawala mula sa mahigpit nitong imbitasyong mag-dinner sila. Again, he grinned tiredly. The forty-five-year-old widow was beautiful and sultry and looked ten years younger. Morena at may katawang pangmodelo sa kalendaryo ng mga inuming nakalalasing. Maliban sa mas matanda ito sa kanya—na hindi naman halata—the widow was exactly his type.

Nasa kanya na ang kontrata at pirmado nilang dalawa. Hindi masamang pagbigyan ang kliyente lalo at ilang buwan na rin niyang tinitikis ang sarili. Pero kasama sa batas na sinusunod niya'y huwag pagsamahin ang negosyo at babae. Bad business. And he wouldn't start breaking his own set of rules.

At hindi siya naniniwalang one-night fling lang ang gusto ng biyudang iyon. She would cling to him like a leech. At hindi siya naghahangad ng ganoong uri ng relasyon.

Marahan niyang inapakan ang preno nang matanaw sa unahan ang four-wheel drive na nag-over take sa kanya kanina. Nakahinto iyon sa may shoulder. Ang motorsiklo ng isang highway patrol ay nasa unahan ng pickup at ang ikalawa ay nasa gilid ng sasakyan. So, hindi escort ang mga patrol kundi hinahabol ng mga ito ang driver ng bagong-bagong pickup.

Ano ang offense? Overspeeding? Sa lugar na ito? He shook his head, that was unlikely.

It was none of his business. Ipinagpatuloy niya ang normal na pagmamaneho sa tersera-manong sasakyan niya at kinabig iyon sa gitnang kaliwa ng lane dahil okupado ng mga ito ang buong right lane. Nang hindi sinasadyang mapasulyap siya sa pickup at hustong itinataas ng driver ng four-wheel-drive ang shades nito sa ibabaw ng ulo.

His brows furrowed when he recognized the driver. Cielo Lang-Saavedra.

Ano ang dahilan at hinahabol ito ng mga highway patrol?

He shrugged. Wala siyang pakialam kung nahuli ito ng mga patrol dahil sa overspeeding mula pa sa bayan. The wench deserved it. Cielo Saavedra always drove her vehicle like a maniac. Kahit sa town proper ng Trinidad.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now