CHAPTER TWENTY

4.3K 79 11
                                    


NAPAANGAT ang ulo niya sa pamilyar na tinig. Nabigla. "Ano ang ginagawa mo rito, Gerald? Pambabae ang steam bath na ito!"

Tumawa ito. "Nasa parking lot ako nang dumating ka, Cielo. Kanina ko pa pinagmamasdan ang pag-aalangan mong pumasok sa building. Nauna ka lang nang ilangminuto sa akin. Nang hindi kita makita sa parlor ay naisip kong narito ka, so I requested for a steam bath also. Pagkaalis ng attendant ay tumawid ako rito."

"Get out of here, Gerald! Now!" she said furiously. Nalalanghap niya rito ang amoy ng alak. Umaasam siya na sana'y hindi siya nito naaninag sa makapal na usok. Sa ilalim ng tuwalya na nakapulupot sa katawan niya ay panties niya lang ang suot niya.

Subalit humakbang ito palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Gusto kong ituloy natin ang naudlot nating romansa nang abutan tayo ni Llamas, Cielo." Ang braso nito ay iniyakap sa kanya at dumako sa bandang likuran niya. Sa panghihilakbot ni Cielo, Gerald grasped her rump.

She jerked his hand forcefully. "Gerald, lasing ka. Wala kang karapatang pumasok dito! Ang mabuti pa'y lumabas ka na!"

"Still playing hard to get, Cielo? Nagiging boring na ang laro mong iyan."

"I don't know what you're talking about!" Dalawang hakbang palayo rito ang ginawa niya at nilingon ang dako ng pinto, nakahandang tumakbo patungo roon.

"No, Cielo. Hindi kita papayagang lumabas dito nang walang nangyayari sa atin."

"Babalik ang attendant!"

Umangat ang mga kilay nito. "Treinta minutos at saka pa lang babalik ang mga attendant natin, alam mo iyan. Mahabang sandali para makapaningil ako ng pautang..."

"Ano bang pautang ang pinagsasasabi mo?" Muli siyang umatras subalit nahagip ni Gerald ang braso niya at bumaon sa laman niya ang mga daliri nito nang hatakin siya nito palapit. Napangiwi siya sa sakit."

Mula noon hanggang ngayon ay tinutukso-tukso mo ako. Pinaasa-asa. Hindi lang iyon, binigyan mo ako at ang pamilya ko ng kahihiyan sa harap ng mga kaibigan at mga kakilala natin. Dahil sa iyo ay napilitan akong pakasalan si Linda. Pagkatapos ay sasabihin mo sa akin sa laot na hindi na tayo dapat na magkita pa?" Nagtagis ang mga ngipin nito. Then he poked his sex against her stomach and Cielo sucked in her breath in repulsion.

Then slowly fear crept in. Hindi kailanman gumawi nang ganito si Gerald sa kanya. O ang alinman sa mga lalaking naging panandaliang boyfriend niya. Lahat ay naghahangad namakatalik siya. Hindi itinatago ng mga ito ang ganoong paghahangad. Pero wala ni isa man ang nagpakita ng pamimilit sa kanya.

Kung may isang lalaki mang nagpakita ng kabastusan sa kanya nang harap-harapan ay si Juancho lang. Nang bigla'y matanto niya ang dahilan. Dayo lamang si Juancho sa Trinidad at hindi kilala ang pamilya niya.

Looking at Gerald now through the mist, nakikita niyang sa mga mata nito ang imbing paghahangad. The fear had turned into terror. Deep inside her, perhaps she had always known that Gerald wouldn't be content with a few polite friendly pecks. Higit kailanman, ngayon niya pinagsisisihan ang pagpapahintulot ditong maging magkaibigan silang muli.

Marahas niya itong itinulak subalit muli rin siyang hinatak nito payakap at napaungol siya sa sakit nang sa wari ay matatanggal sa ugpungan nito ang braso niya. Tumaas ang isang kamay nito at padahas na dinama ang dibdib niya kasabay na ang pagnanais na tanggalin iyon sa pagkakabuhol. Pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa tuwalya. At nang muli siyang magpumiglas ay pinilipit ni Gerald ang braso niya.

Pinigil niya ang pagdaing. She hadn't seen this side of Gerald. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang lumukob sa katauhan niya ang matinding takot.

"Ano man ang binabalak mong gawin ay huwag mo nang ituloy, Gerald! Titiyakin ko sa iyong malalaman ng Daddy ito at ipakukulong kita!"

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now