CHAPTER FOURTEEN

3.6K 84 5
                                    


SA LOOB ng tatlong oras nilang biyahe ay hindi minsan man nagtangkang mag-overtake si Gael. Bilisan man niya o bagalan ang takbo. Nasa likod niya lang ito at nakasunod, indulging her. And she was torn between amusement and irritation. Pagkalipas ng tatlong oras ay nasa San Ignacio na sila.

Ganoon na lang ang pasasalamat ni Cielo na wala ang mga magulang niya at si Stacie sa mansiyon. Alam niyang nasa opisina nito sa mill ang ama, ganoon din si Stacie. Ang mommy niya ay malamang na nasa massage parlor sa Trinidad.

Hindi niya kailangang harapin ang mga ito at sabihing kasal na sila ni Gael. Bagaman alam ni Stacie na magpapakasal sila ngayon ay iba pa rin kapag kaharap niya ito. Hindi niya gustong makita ang sama ng loob sa mukha nito ngayong kasal na sila ni Gael. Maaaring maitago nito iyon sa harap nila pero alam niyang nasasaktan ito.

And she really felt so guilty for admiring Gael so much. Kanina nang matanaw niya itong pumapasok sa lobby sa hotel ay kulang na lang na salubungin at yakapin niya kung hindi niya ipinako ang sarili sa kinatatayuan.

The man was obscenely gorgeous. Her heart had hammered on her chest as she gazed at him sauntering his way to her. Sa huling sandali ay gusto niyang mag-back out sa pasya niyang pakasal dito dahil kay Stacie. She didn't want to do this to her sister.

But she didn't want to be left with nothing at all.Siyempre, hindi siya pababayaan ni Janet Saavedra. Natitiyak niya iyon. But she hated Janet and she didn't want to do anything with her. Her anger must have rooted deeply, dahil kahit hindi siya pamanahan ng mga magulang, bagay na kinatatakutan niya, ay hindi siya aasa sa tiyahin. She would never take a cent from Janet Saavedra!

And there was her last resort—Gael Llamas. Tall, dark, and hunk Gael. Kung ang pag-uusapan ay ang pisikal na anyo ni Gael, para siyang pagong na inihagis sa tubig.

But her guilt of taking him away from her sister was outweighed by her fatal attraction to him. Atraksiyon na sinisikap niyang isiksik sa sulok na bahagi ng puso at isip niya magmula nang magbalik ito sa Trinidad alang-alang kay Stacie. At dahil na rin alam niya ang disgusto ni Gael sa kanya.

But then, Gael needed to marry her to get his measly inheritance back. And Cielo needed him to insure her huge inheritance.

Mr. Fate cracked his joke on them.

Ipinagkasya niya sa isang katamtamang laking maleta ang mga gamit niya at ipinababa sa katulong patungo sa sasakyan niya."Ano ang sasabihin ko sa daddy at mommy mo kapag hinanap ka nila, hija?" tanong ni Yaya Rosa.

"May asawa na ako, Yaya," aniya sa patudyong tono para sa sarili. "Kaya sa bahay na ni Gael ako uuwi."

"May asawa!"

Sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa sa anyo ng matandang babae. Sa halip ay hinagkan niya ito sa pisngi.

"Tulad ng gustong mangyari ni Daddy. Bye, Yaya." Tumalikod siya at naiwang nakatanga ang matandang babae.

Sa ibaba'y nalaman niyang ipinalagay ni Gael sa pickup nito ang mga bagahe niya.

"Ano ang gagamitin ko? Hindi mo inaasahang—" Ang protesta'y namatay sa bibig niya nang magsalita ito.

"Mag-asawa na tayo, Cielo. Hindi natin kailangang dumating sa bahay na tig-isa ng sasakyan. Some other time, maaari mong balikan ang sasakyan mo rito.

"Nasa tinig nito na hindi nito mababali ang sinabi lalo na nang hawakan siya nito sa braso at akayin patungo sa passenger seat ng lasug-lasug nitong truck na mukhang delivery truck ngmanure ng hayop.

"Kung may maipupuri ako sa truck na ito ay iyong hindi pa ako itinirik," ani Gael, grinning at her, baring a perfect set of large and white teeth.

For a moment she was starstruck. She hadn't seen him grin like that. Iyong talagang naaaliw. At sapat iyon upang sandaling mahawi ang tila laging nakaangil nitong anyo.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now