CHAPTER TWO

3.8K 76 4
                                    


ANG MOTORSIKLO niya ay tuloy-tuloy sa malapad na corridor ng isa sa mga high school building na may anim na silid-aralan sa magkabilang bahagi, distracting the ongoing classes.

Pero bale-wala iyon sa kanya kahit na nga ba nagtayuan ang ilang estudyante mula sa kani-kanilang classrooms at sinilip siya.

Ipinarada niya ang Honda 450 niya sa pinakadulo ng corridor, malapit sa Music room, ang huling klase nila ni Stacie. Itinaas niya ang stand ng bike at bumaba. Hindi rin niya pinapansin ang paglilis ng maiksing skirt uniform niya at mahantad ang mga hita niya sa mga mata ng ilang estudyanteng lalaki na nakasungaw sa mga pinto ng classrooms.

Narinig niya ang humahangang pito mula sa mga ito. She turned and gave the boys her practiced charming smile. At tulad ng inaasahan, the boys swooned. Nagsibalik lang sa upuan ang mga ito nang pagalit na tawagin ng mga teacher.

Natitiyak niyang walang lalabas na teachers mula sa classroom para sawayin siya. Kahit ang mga matatanda nang teacher sa paaralang iyon. Tuloy-tuloy si Cielo sa loob ng music class niya, hindi alintana kung naabala niya ang pagtuturo ng naroroong student teacher.

Kinindatan niya sina Henny at Alfie na parehong umikot ang mga mata at sinulyapan si Stacie na nagkunwang siya. At siya, bilang si Stacie. Siyempre, hindi niya napaglalangan ang mga kaibigan.

Ang mga classmate niyang lalaki, tulad din ngmga nagsisungaw kanina sa ibang classrooms, ay humahangang sinusundan siya ng tingin. Ang mga babae'y hati ang nararamdaman para sa kanya. Some were awed, umaasang kaya nilang gawin ang mga ginagawa niya.

Ang iba nama'y pagkainggit at pagkainis ang makikita sa mga mata. Para sa mga ito'y isa siyang abusada, spoiled bitch, na walang ipinagmamalaki kundi ang yaman ng mga magulang. That she was so different from her twin Stacie. Na kaya lang siya nakakapasa ay dahil isa ang mga Lang-Saavedra sa nagmamay-ari ng SIC.

Wala siyang pakialam kahit katiting kung ano man ang impresyon ng mga ito sa kanya dahil siya ay nakatitiyak sa sarili niyang walang katotohanan ang karamihan doon. Hindi siya minsan man naalis sa top fifteen mula pa noong magsimula siyang tumuntong ng paaralan. Though her sister Stacie always made it to the top.

Kaya rin naman niyang gawin iyon pero bakit siya mag-aaksaya ng panahong kamtin ang pinakamataas na karangalan sa sekondarya? Para saan? Their parents were rich. Hindi niya kailangang may mapatunayan sa sarili o kahit nasa kanino mang tao.

"'Morning, Mr. Llamas," bati niya sa student teacher sa mababang tinig na tulad niyong kay Stacie at sinabayan pa ng yuko ng ulo.

"You are twenty-five minutes late, Miss Cielo," ani Gael Llamas sa malamig na tinig.

Ang pagkatigil niya sa pagtukoy nito sa kanya ay sandali lang. She shrugged her shoulders, at ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa huling row ng mga upuan at naupo sa tabi ni Stacie.

"So." Idinikit niya ang bibig sa tainga ng kapatid. "Totoong ako na ito sa subject na ito? Kaya ba ako nakilala ni Gael?"

They had a switch which was not unusual. Malimit nilang gawin iyon lalo at may mga nadadaya sila. May ilang pagkakataong nabubuko sila, tulad ngayon, ni Gael. Subalit mas marami silang napapaniwala lalo at pinag-aayos niya ang kapatid na tulad ng ayos at gayak niya, kahit ang ikli ng palda niya ay napilit niyang maipasuot kay Stacie.

Kambal sila at bagaman malayo sa pagiging identical, malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Ang tanging obvious na kaagad mapagkikilanlan sa kanila ay ang pagiging chinky-eyed niya na minana niya sa mommyniya. Which she thought was too ironic and definitely a big joke, considering the circumstances of her birth.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now