CHAPTER TEN

3.3K 83 5
                                    


"KAILANGAN na nating umuwi, Gerald," ani Cielo nang umahon papanhik sa lantsa si Gerald.

"Bakit ka nagmamadali? Maaga pa naman..."

"Humahapon na at ayokong abutin tayo ng dilim dito sa dagat. Mag-aalala sina Daddy at Mommy."

Umangat ang mga kilay ni Gerald. Isang mahinang tawa ang pinakawalan.

"Mukhang bago yata iyan. Akala ko ba'y hindi ka nag-aalalang abutin tayo nang ilang oras na magkasama?" wika nito, dinampot ang sigarilyo sa sahig at nagsindi habang tumutulo ang tubig mula sa katawan.

Cielo stared at her ex-fiancé. Gerald was really a very good-looking man. He was a good company, too. At malakas ang sense of humor.

Since they started dating a month ago, tatlong buwan mula nang mabalita ang hiwalayan nito at ng wala pang isang taong asawa, ay hindi rin miminsan niyang inisip kung ano sana ang kinahinatnan kung hindi niya pinutol ang engagement nilang dalawa at napakasal siya rito.

Hindi alam ng mga magulang niya at ni Gerald ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya rito. Not even Stacie. Hindi niya kayang tanggapin na malaman ng lahat na sa kauna-unahang desisyon niya para mapabuti ang buhay niya ay nagkamali siya. Mas mabuti na iyong isipin nilang isa na naman iyon sa mga whims and caprices niya.

Nahuli niya ito sa opisina ng ama nito sa St. Vincent College na may katalik na isang batang guro sa mahabang sofa. Hindi marahil nitoinaasahan na darating siya roon.

Ang totoo'y sapilitan lang ang pagtungo niya sa SVC bilang representative ng ama sa board meeting nang hapong iyon. Pinilit siya ng daddy niya na daluhan iyon dahil may importante itong kliyente na darating sa textile mills at ang mommy naman niya'y masama ang katawan nang araw na iyon.

She had watched them with shock and amusement habang hindi malaman ng dalawa kung paano hahagilapin ang mga underthings. Lalo na ang batang teacher na kulang na lang ay maglaho sa kahihiyan.

Pagkatapos ay marahan niyang isinara ang pinto at hindi ginawang malaking issue ang natuklasan.

Nang magtangkang magpaliwanag si Gerald pagkatapos ng meeting ay iwinasiwas niya ang kamay at sinabing walang dahilan para magpaliwanag.

Gerald smiled at her and thought she was a stupid, indulgent woman. Two months later, sa anibersaryo ng kasal ng mga magulang nito niya sadyang itinaon ang pagdidispatsa rito.

Ganoon na lang ang gulat nito nang ianunsiyo niya na hindi na matutuloy ang kanilang kasal.

Muntik na siyang matawa sa naging anyo nito. Ni hindi inisip ni Gerald na ang pagkahuli niya rito ang siyang dahilan ng ginawa niya.

At makalipas ang isang buwan pagkatapos ng pangyayaring iyon ay pinakasalan ni Gerald ang guro at hiniwalayan din makalipas lamang ang wala pang isang taong pagsasama at wala pang isang buwan matapos itong manganak.

"I married Linda because I thought I got her pregnant, Cielo," paliwanag ni Gerald nang una silang mag-date pagkatapos nitong makipaghiwalay sa asawa. "Iyon pala'y ipinaako lang niya sa akin ang batang nasa tiyan niya."

"So, naisahan ka, sa maikling salita." She laughed, dahil ang balita niya'y humihingi ng malaking alimony si Linda bago nito pirmahan ang annulment papers.

Nakita niya ang pigil na galit sa mga mata ni Gerald. Kung para kay Linda o para sa ginawa niyang pagtawa rito ay hindi niya matiyak. It could be both.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Cielo! I wouldn't have married Linda had you not broken our engagement and made a laughingstock out of me. Pinaniwala mo akong bale-wala sa iyo ang nakita mo sa amin. Iyon pala'y naghanap ka lang ng tamang pagkakataong makaganti!" Gerald had said with dismay.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now