CHAPTER TWELVE

3.3K 80 2
                                    


NASA loob na ng bakuran nila ay si Gael pa rin ang laman ng isip niya at ang mga sinabi nito. Gael had always been brutally frank. Had always been different. Hindi ito katulad ng mga lalaking nakatagpo na niya mula noon hanggang ngayon. Bawat isa'y lagi nang nais paluguran siya. They said things to please her... para kuninang pagsang-ayon niya... para tanggapin niya ang alinman sa mga ito.

Bilang anak ng pinakamasalaping tao sa bahaging iyon ng katimugan ay sapat upang naisin ng sino mang lalaki na mapangasawa niya.

But not Gael. Desperation made him accept his father's offer. Kahit pa mangahulugang magkakahiwalay ito at si Stacie. Bagaman hindi inaamin ni Stacie na may relasyon ito at si Gael. Walang ibang lalaking pinag-ukulan ang kapatid ng panahon maliban dito.

She didn't want to do this to Stacie. She didn't want to hurt her sister. Pero tulad ni Gael, wala rin siyang magagawa. Wala siyang balak maalisan ng mana. At natitiyak niya sa sarili niyang kayang gawin ng ama iyon kung ang pagbabatayan ay ang katotohanang natuklasan niya dalagita pa lang siya.

Minadali niya ang mga hakbang papasok sa mansiyon. Sa likod siya nagdaan at umaasang wala ang ama. Linggo ngayon at sana'y nagtungo ito sa golf course.

But no such luck. Papanhik na siya ng hagdan nang marinig ang tinig nito.

"Saan ka galing, Consuelo?"

Huminto siya sa pagpanhik. "Sa... sa dagat, Dad."

"I presume with Gerald?"

She took a deep breath. Gusto niyang sabihing si Gael ang naghatid sa kanya sa private pier nila pero totoo rin namang si Gerald ang kasama niyang nagtungo sa laot. Besides, gusto niyang magmatigas at iparating dito na hindi siya naniniwalang tototohanin nito ang banta.

"Kanya rin ba iyang kamisetang suot mo?" Vince asked angrily before she had the chance to make up her mind and tell her father the truth. Narinig niya ang marahas nitong paghinga. Nag-aalalang nilingon niya ito at talagang sasabihing kasama niyang umuwi si Gael subalit muli ay naunahan siya nito.

"Kinansela mo ang sana'y imbitasyon ko kay Gael mamayang hapunan para lang sa isang may asawa? Anong klaseng babae ka, Consuelo? Hindi ka namin pinalaking walang moral!"

That angered her. "You are being judgmental, Daddy!"

"Am I?" Vince countered furiously. "At fourteen, you started acting like a cheap... a cheap..." Umiling ito, hindi kayang sabihin ang salita para sa kanya.

That pained her even more though in more ways than one it was her fault that people thought the worst of her, even her own parents.

"And since then you've been doing once mischief after another. One scandal after scandal. My god, Cielo, why can't you be a little bit like your sister?" This time, Vince's voice was filled with weariness.

"Magkaiba kami ng personalidad, Daddy," she said bitingly. "Tama na ang isang masunurin at mapagpakumbaba sa pamilyang ito."

Muling naningkit ang mga mata ni Vince. "Inuutusan kitang huwag nang makipagkita kay Gerald, Cielo!"

Iyon naman talaga ang nasa isip niya, pero wala siyang balak sabihin sa ama iyon. "Dad, kasalukuyang pina-process ni Gerald ang annulment nila ng ex-wife niya. Kung hindi ka naniniwala ay tanungin mo ang mga magulang niya."

"Naniniwala akong inaayos ni Gerald ang annulment niya! Pero hindi si Gerald ang gusto kong mapangasawa mo. Hindi ko kayang isipin ang magiging buhay ninyong dalawa kung kayo ang magkakatuluyan. Pareho kayong walang direksiyon sa buhay at walang mahalaga kundiang magsayang ng salapi! Huwag nang sabihin pang babaero at sugarol si Gerald!"

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now