CHAPTER TWENTY-NINE - Last Part

8.3K 152 30
                                    


"NASA kabilang silid," Gael said. "Noon mismong sandaling tumakbo ka palabas ng opisina ay hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kitang habulin at paliwanagan. Stacie wanted me to. But I cannot leave her. I had to take her to the hospital and thought of explaining everything to you later."

"Oh, god." Sinikap niyang bumangon subalit muli siyang inihiga ng asawa. "Please, I need to see her."

"She's all right, Cielo," paniniyak ni Janet. "Huwag mo siyang alalahanin. Hindi naman malubha ang atake ng kapatid mo. Katunayan, gusto ka niyang silipin kanina pero inawat namin dahil baka mas makasama sa iyo kung makikita mo siya kaagad." Tumayo na ito, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok sina Vince, Moana, at Stacie.

"Ang tagal ninyong mag-usap..." Vince growled at his sister. Then he stared at his daughter. "How are you doing, sweetheart?"

She smiled at her father. "I am sorry, Dad... Mom..." Her eyes went to her sister and whispered hoarsely. "Hi."

Humakbang palapit si Stacie at nagyakap silang magkapatid. "I am so sorry. Please forgive me," pahikbing usal niya.

"Sshh. What is there to forgive? Get well fast. And I believe there's a forthcoming addition to the family."

She laughed between her tears. "I'll name her Anastasia, a variation of yours. Promise."

Everybody laughed. "Paano kung lalaki?" tanong ni Moana.

It was Gael who answered for her. "We'll try to pick letters from Daddy's and Tatang's name."

Stacie rolled her eyes. Pagkatapos ay muli siyang tinitigan. "Well, sis, may narinig akong may malaki kang pinagkakaabalahang nagsisimulang kumita nang maganda."

She blushed. Tumingala sa asawa. "It's... it's really a small business—"

"Lahat ng negosyo ay nagsisimula sa maliit, honey," wika ni Vince na ang mga mata'y puno ng pagmamalaki.

"Sa pagkakatanda ko'y ikaw, Ciel, ang malimit makialam sa mga tanim ko sa hardin natin sa bahay," wika naman ni Moana na lumapad ang ngiti. "Invite us, darling, one of these days. Gusto kong makita ang ipinagmamayabang niyang asawa mo sa amin habang hinihintay naming magkamalay ka."

"Of course, Mom," she said eagerly.

"So," ani Stacie na tumayo. "Let's leave this lovebirds alone." Nagpaunang humakbang patungo sa pinto. "Tiyak na gustong magkasarilinan ng mga iyan."

Sumunod ang lahat. Si Vince na huling tinungoang pinto ay nilingon siya. "You could have caused your husband a coronary, Cielo," tukso nito.

"Dad..."

Nahinto sa muling paghakbang si Vince.

"Dad, gusto kitang pasalamatan sa ginawa mong pagpapakasal sa aming dalawa ni Gael." Sandali niyang tiningala ang asawa bago ibinalik sa ama ang mga mata. "But you still haven't told us the reason behind it."

Vince smiled. Pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Walang malaking sekreto, hija, na katulad niyaong pagkatao nina Stacie at Gael. Totoo ang sinabi kong naisip kong bigla ang usapan namin ni Elpidio noong mga binata pa kami.

"Oh, well, maaaring ang isa pang dahilan ay talagang nag-alala akong baka may damdamin sa isa't isa sina Gael at Stacie nang malaman kong nagkikita ang dalawa. Hindi ko alam na naipagtapat na sa kanya ni Janet kung sino ang tunay niyang ama. Janet never bothered to inform me.

"Maybe because Stacie didn't make a big deal out of it since Janet had been so busy with her seminars and trips abroad. At si Stacie naman ayhindi nakatitiyak kung alam ko kung sino ang tunay niyang ama. Dahil nga hindi naman sila gaanong nakapag-usap ni Janet tungkol sa bagay na iyan. I believe Stacie was protecting Janet from me. Na baka pinanatiling lihim ni Janet ang identity ng ama ni Stacie.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now