CHAPTER TWENTY-SIX

5.1K 87 13
                                    

NAPAHINTO sa paghakbang si Gael sa nakita. Nahawan ang naggugubat nilang solar sa likod. At humigit-kumulang sa sampung metro mula sa mismong likod-bahay niya ay nakatayo ang isang magandang gazebo sa gitna ng mga halamanan, green and flowering plants. Iba't ibang kulay at dinisenyo sa paligid ng gazebo.

Ang patungo roon ay cobbledstone na nagtuloy-tuloy patungo sa isang greenhouse. Hindi niya alam ang tungkol doon. Hindi binanggit sa kanya ng asawa na maliban sa gazebo ay nagpagawa pa ito ng greenhouse.

At hindi lang iyon ang nakabigla sa kanya kundi ang landscaping sa paligid. He stood there gaping like an idiot.

"Say something," Cielo prodded.

"It's... it's fabulous!"

"You think so?" She sounded uncertain.

"I just don't think it. It is fabulous. And who are those people?" tanong niya nang mapansin ang ilang tao sa paligid. Si Tiyang Carmen ay naroon at sa wari ay inasistihan ang mga ito. Noon lang niya nakitang ang buong solar mula sa likod-bahay ay nababakuran na ng matataas na wrought-iron at napipinturahan ng berde at dilaw.

May malaking gate na nakabukas at nagtutuloy patungo sa beach.

"They're buyers."

"Buyers? Of what?"

Alanganin itong ngumiti. "Flowers... plants... orchids... bonsai... and some pots and stones.

"Yes, of course. There were flowers and plants everywhere, he thought, at muling nilinga ang mga taong naroroon.

Nahihiyang inilahad ni Cielo ang mga kamay. "Hindi pa talaga nakakatubo nang maayos ang mga halaman. Some of them are only a week old. Iyong iba naman ay tatlong linggo na. Well, I hope to be able to sell more when the graftings are transferred."

Pagkatapos ay nawala na ang atensiyon nito sa kanya nang tawagin ito ni Tiyang Carmen dahil nagbabayad na ang ilang buyers. Speechless, Gael walked toward the gazebo. Doon man ay may mga hanging plants. Ang ilan ay nakilala niyang mula sa mga halamanan nilang nagkalat sa paligid ng bahay subalit naayos na nang maganda sa mga hanging pot.

Then he saw the pond nearby. Hindi lang basta pond. It was a miniature of a lake at may umaagos na tubig na tila munting waterfall mula sa itaas ng pader na dinesyong bundok complete with exotic ferns and grass. Humakbang siya palapit at niyuko ang pond. May mga isda nang naroroon. Iba't ibang kulay. Iba't ibang klase.

Speechless, lumakad siya papasok sa loob ng greenhouse, nilagpasan ang asawa at ang dalawang kausap nito. Sa loob ng greenhouse ayiba't ibang tanim. Ang iba'y tumutubo pa lang at sama-sama sa iisang lagayan. Ang ilan naman ay malalago na. May ilang bulaklak na hindi niya kilala, iba't ibang kulay, iba't ibang laki. Halos lahat ng mga halaman ay may mga naka-label na pangalan.

Then on the stone floor he saw miniature ponds, and exotic stones. Iba't ibang klase at kulay, ginagamit sa malalaking private ponds. May natuunan ang mga mata niya sa kabila ng net ng greenhouse. He frowned. Muli siyang lumabas upang tingnan iyon, para lamang magulat dahil nakakandado iyon at nasisilip niya ang iba't ibang uri, kulay, at hugis na mga paruparong nagliliparan sa paligid.

He was incredulous. His wife had accomplished and collected all these things for the last weeks and he wasn't even aware of it! Kahit ang sarili niyang tiyahin ay inilihim ang lahat ng iyon sa kanya.

When he turned to look around, napuna niyang isa-isa nang nagsialisan ang ilang tao. May isa na lang natitira at kausap ni Tiyang Carmen at ni Cielo. Gael recognized the middle-aged woman as the mayor's wife in Trinidad.

Speechless, lumakad siya patungo sa gatepalabas sa baybayin na malayo-layo rin ang pagitan. Hapon na at nagsisimula nang lumubog ang araw. Mula sa dagat ay lumingon siya at tinanaw niya ang naka-elevate nilang lugar. Hindi siya makapaniwala sa naging pagbabago ng dating magubat na bahaging iyon ng lupain nila.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now