CHAPTER TWENTY-EIGHT

5.2K 77 8
                                    


"HINDI kayo kambal ni Stacie, Cielo," ani Janet.

"M-matagal ko nang alam iyon..." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang tinig.

"Marahil. Pero hindi dahil sa dahilang taglay mo sa isip mo. Si Stacie ang ampon ng mga magulang mo. She is even older than you bymore than a year. Perhaps a trick of gene made you look alike when you were both young. Kaya hindi mahirap palabasing kambal kayo ni Stacie lalo at hindi agad ito nag-aral dahil sa malimit na pagkakasakit noong araw."

"S-sino ang... ang mga magulang ni Stacie?" Her fingers curled around Gael's tightly.

"Anak ko si Stacie sa tatang ni Gael, Cielo," pahayag ni Janet. "Kaya hindi kataka-takang noong mga bata pa kayo'y halos hawig kayong dalawa. Pamangkin ni Vince si Stacie."

"But... but..." She couldn't find the right words. Her eyes flew to Gael who hadn't given her a clue of his emotions for this revelation except that he had been worried about her because of the accident.

Janet smiled without humor. "Dahil sa mali mong akalang ampon ka, natitiyak ko na ngayong inisip mong ako ang iyong ina... Iyon ang dahilan kung bakit nararamdaman ko parating mas na sa akin mo gustong iparating ang pagrerebelde mo."

Tumango si Cielo nang wala sa loob. Tila gustong umikot ng isip niya sa kalituhan.

Janet sighed her understanding. "Una kaming magkasintahan ni Eli... Elpidio. At dahilmagkaibigan kaming matalik ni Marisol ay lagi kaming magkasamang tatlo. Little did I know that my best friend had fallen in love with my boyfriend..."

Her eyes went up to Gael. Ikinulong nito ang kamay niya sa mga kamay nito. Ano man ang paliwanag na maririnig niya mula sa tiyahin ay hindi na mahalaga. Walang relasyon sina Gael at Stacie maliban sa pagiging magkapatid! Parang tubig na bumuhos sa dibdib niya ang sinabi ng tiyahin at pinalis lahat ang sama ng loob niya sa asawa't kapatid. At kung aaminin niya, nahihiya siya sa sarili sa maling akusasyon.

"May sakit si Marisol," patuloy ni Janet. "Sakit na walang nakatitiyak kung hanggang saan niya kakayanin. It was on her blood and she was very poor. Kung naagapan ng gamot ay baka naligtasan niya. Nagmakaawa siyang ipaubaya ko sa kanya si Eli..." Janet bit her lip.

"Mahal ko siya, Jan... mahal na mahal. Alam kong mali dahil magkasintahan kayo. Ipaubaya mo siya sa akin, parang awa mo na..."

Manghang napatitig sa humihikbing kaibigan si Janet. "Paano ko gagawin iyon, Marisol? Nagmamahalan kami ni Eli."

"Gumawa ka ng paraan, please. Bago man langako mamatay ay gusto kong maranasang mahalin... Oh, alam kong mahal mo ako pero kailangan ko si Eli... iniibig ko siya, Jan."

"Paano ka niya mamahalin gayong ako ang mahal niya? Kami ang magkasintahan? Paano mong nahihiling sa akin ang bagay na iyan?" Umiiyak na rin siya. She was torn between pity, and love for Marisol who had been like a sister to her. At ang sakit na nararamdaman isipin pa lang na ipauubaya niya ang kasintahan dito.

Pero totoo ang sinabi nito. Nag-iisa na lang ito at ang ikinabubuhay at ipinag-aaral ay ang pamamakyaw ng isda sa aplaya. And as a friend, Marisol had never been selfish. All their lives, she was always there for Janet. Nang mamatay ang mga magulang nila at nang umalis ang Kuya Vince niya. At may mga bagay na handang isakripisyo si Marisol kung para lang sa kanya.

"Mahal din ako ni Eli, Jan, tulad ng pagma-mahal mo sa akin. Mula roon ay hindi na mahirap tawirin ang isa pang klase ng pagmamahal. Susugal ako... please..."

"At paano ako?" she sobbed.

Marisol took a deep breath. Pinahid ng mga kamay ang mga luha. Nagyuko ng ulo at mulinghumikbi. "Mapapasaiyo siyang muli sa... sa sandaling... wala na ako."

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now