CHAPTER TWENTY-FIVE

4.8K 80 20
                                    


ILANG oras lang ang pahingang ginawa ni Gael. Nagising siya sa gitna ng gabing hinahagkan nito. Ang sumunod na mga sandali ay nag-aalab. Again, Gael allowed her to go back to sleep when the dawn was breaking.

Nagising siya kinabukasan na wala na ang asawa. There was a note on his pillow. Sa tabiniyon ay puting bulaklak ng calachuchi na muntik na niyang ikinabunghalit ng tawa. She inhaled its sweet scent. Sinasabi ng note ni Gael na nasa opisina na ito.

Kalalabas lang niya ng banyo nang maulinigan ang pagdating ng isang sasakyan. Mabilis siyang nanungaw. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang isang pamilyar na sasakyang pumaparada.

Minadali niya ang pagbibihis at mayamaya lang ay nasa ibaba na siya, Janet Saavedra was hugging and air-kissing Gael's aunt. Mula sa hagdan ay tinitigan ni Cielo ang dalawang babae. Bata lang nang kaunti si Janet Saavedra kay Tiyang Carmen. Parehong maganda sa magkakaibang paraan. But Tiyang Carmen's Spanish ancestry was too obvious not to notice. Tulad din ni Gael. Gayunman, higit na batang tingnan ang tiyahin niya. Dahil na rin marahil sa uri ng trabaho nito.

"Kumusta ka na, Carmen?" ani Janet dito, nakangiti. "Hindi ako makapaniwalang magiging isang pamilya tayo sa bandang huli."

Natawa si Tiyang Carmen. "Ganyan ang buhay, Janet. Unpredictable. Maupo ka." Nilingon siya nito na nakatayo sa gitna ng hagdan. "Heto na si Cielo."

"Salamat, Carmen."

"Hi," pormal na salubong niya sa tiyahin. Nilapitan ito at niyakap. "How's your trip?" Her tone was obligatory.

"Successful. May mga bagong sistema ng edukasyon akong ipatutupad sa SVU." Hinagod siya nito ng tingin. "You are looking good, hija."

Bahagya na siyang nangiti. Itinuro ang mahabang sofa at naupo ito. Naupo siya sa kabilang bahagi. "Kailan kayo dumating?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Noong isang araw. My plane touched down at seven in the evening. Hindi ba sinabi sa iyo ni Gael?"

She stiffened. "N-nagkita na kayo ni Gael?"

"Ang asawa mo ang sumundo sa akin sa airport, sila ni Stacie." Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "Nang makausap ko si Kuya isang linggong mahigit na ang nakalipas para ipaalam na uuwi na ako'y naibalita niyang nag-asawa ka na."

"Sinabi rin ba sa iyo ni Daddy na kagagawan niya ang pagpapakasal naming dalawa?" A hint of anger in her voice. Mas sa kadahilanang ang tiyahin niya ang dahilan kung bakit lumuwas sa Maynila si Gael—kasama si Stacie! At hindiipinaalam sa kanya.

Lumapad ang ngiti ni Janet. Hinawakan siya sa braso. "It doesn't matter how you married Gael, hija. I have always wanted you to settle down, Cielo. Tulad din ni Stacie. And like your father, wala akong masasabing hindi magandang salita para kay Gael."

Ang ngiti sa mga labi nito'y nahalinhan ng lambong. Tumingin ito sa loob ng kabahayan, tumayo at lumakad patungo sa bureau, as if she was sleepwalking. Dinampot nito ang pampamilyang larawan ng mga Llamas.

"I missed this house. I used to come here often in the past..." wika nito sa kakaibang tinig na halos hindi niya marinig. Kung wariin ni Cielo ang anyo ng tiyahin ay tila wala ito sa kasalukuyan.

Pagkatapos titigan nang matagal ang larawan ay maingat nitong ibinalik ang picture frame ng mag-anak na Llamas sa ibabaw ng bureau. Sandali nitong sinulyapan ang kuwadro kung saan ito at ang mamang ni Gael ang nakalarawan. Intense sadness was in her aunt's eyes. Pagkuwa'y dinala ni Janet ang kamay sa dibdib na sa isang sandali ay naisip ni Cielo na baka hindi ito makahinga.

Pero iglap lang iyon. Muling itinuwid ni Janet ang katawan. Muli itong lumakad pabalik sa sofa at muli ring naupo. "Marisol and I were more than friends... para na kaming magkapatid," she said unnecessarily. Umangat ang mga mata nito sa kanya, masuyong humagod. "Kahit sa panaginip ko'y hindi ko naisip na mapapangasawa mo si Gael. He is out of your league. Oh, yes... there was that one incident during your high school days. Pero bahagi ng kabataan mo iyon."

Sweetheart 16: My Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon