CHAPTER SIXTEEN

3.8K 90 12
                                    


SHE BELIEVED Gael had just insulted her. Tears stung her eyes as she breathed in and out to calm her nerves. Wala pang lalaking gumawa at nagsalita nang ganoon sa kanya noon man o ngayon. It was always him.

Tinitigan niya ang kama sa pagitan ng mga luhang hindi niya gustong bumagsak. Tiredly,lumakad siya patungo roon at naupo sa gilid niyon.

Wala siyang tulog nang sinundang gabi sa kakaisip sa ginawa ng ama at ang bigla niyang pagpapasyang magpakasal kay Gael. Pagkatapos ay ang mahabang biyahe mula Maynila pauwi sa San Ignacio at pabalik uli sa Trinidad.

Natitiyak niyang hindi niya kakayaning gamitin ang banyo sa labas. Pero hindi naman siya maaaring matulog suot ang jeans niya na kahapon pa niya gamit. Kumuha siya ng tuwalya mula sa maleta at pagkatapos ay lumabas ng silid at tinungo ang banyo.

Ang itaas ng bahay ay may malaking landing bago ang dalawang silid. Sa pagitan ng mga silid ay ang banyo. Hinawakan niya ang doorknob at malakas na itinulak pabukas iyon. Ang paghuhubad ni Gael ng huling saplot ang inabutan niya. Nabitin sa kamay nito ang puting briefs na akmang ihahagis sa laundry basket. 


"OH, MY God!" Cielo almost shrieked.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" angil nito, looking like the Oblation. Maliban sa higit na kagila-gilalas ang pagkakaukit ng katawan ni Gael kung ang pagbabatayan ang bagay sapagitan ng mga matipunong binti nito.

"H-hindi... ka rin ba... marunong mag-lock?" she countered back but her eyes, to her horror, were glued on his sex.

Inilahad ni Gael ang kamay na nagpangyari upang mas maihantad ang sarili. "Well... well...well. You like what you see, sweetheart? Why, you can compare sizes and I won't mind at all. Performances? That you have to find out."

Bigla ang pag-angat niya ng namumulang mukha rito. "Bastos ka, 'no?"

Tumaas ang mga kilay nito. His arms akimbo. "Sino ba ang bastos sa ating dalawa, eh, ikaw itong bigla na lang pumasok at walang pakundangan kung titigan ang nasa harapan ko, aber?"

"Bakit hindi mo sinabing gagamitin mo ang banyo? At bakit hindi mo tinakpan iyang katawan mo nang sumungaw ako?"

"Ah, okay, next time I use the bathroom, I'll holler. Nakalimutan kong may kasosyo na nga pala ako rito. At bakit ko tatakpan ang katawan ko, eh, may maipagmamalaki naman ako?" He grinned irritatingly as he bent and looked at his sex.

At muli, sa panghihilakbot niya'y sinundan niyang tingin ang niyuko nito. She heard his soft laugh. Nagpupuyos ang loob na muli niyang hinawakan ang doorknob at hinila pasara. Sadya niyang nilakasan ang paghila. Mula sa labas ay naririnig niya ang nakakalokong tawa ni Gael.

Nagmamadali siyang bumalik sa loob ng silid. Nanginginig ang mga tuhod niya na naupo sa gilid ng kama. Hindi niya kaagad mabura sa isip ang nakita at sapat iyon upang sa pakiramdam niya'y lalagnatin siya. The man was big and huge and he wasn't even aroused yet.

She tried to calm her breathing. Sinikap niyang alisin sa isip ang nakita. Pagkatapos ng mahabang sandali ay tumayo siya. She was pacing the room agitatedly. Nasa ganoon siyang ginagawa nang marinig ang tunog ng makina ng pickup nito. Mabilis niyang tinakbo ang bintana at nanungaw. Hulihan na lang ng truck ang natanaw niya at alikabok.

Saan ito patungo gayong halos pagabi na? 


MAY MGA kamay na yumuyugyog sa mga balikat ni Cielo.

"Go away," she said groaning. Itinakip ang isang unan sa ulo niya.

"Time to wake up, sweetheart."

She was startled awake at the unexpected male voice. Nagmulat siyang bigla ng mga mata. Nang mamulatan niya si Gael at agad na maisip kung nasaan siya ay umungol siya at muling ibinalik ang mukha sa unan.

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now