CHAPTER NINE

3.3K 71 2
                                    


"YOU'RE joking, right?" ani Cielo sa ama, ngumiti at nilagyan ng pagkain ang pinggan. Pagkatapos ay sinulyapan ang ina at kapatid na pawang hindi gustong salubungin ang mga mata niya.

"Mukha ba akong nagbibiro, Cielo?" sagot ni Vince sa seryosong tono. "Isinasaayos ko angpagpapakasal mo sa lalaking napili ko para sa iyo sa lalong madaling panahon."

Pinagtawanan niya ang kaseryosuhan ng tinig ng ama. Tinusok niya ng tinidor ang isang hiwa ng fish fillet at nilingon ang ina.

"Any joke you can add to that, Mom?" Isinubo niya ang pagkain.

Moana's look was full of sympathy as she gazed at her. "Your father has decided to marry you off, hija. Ang katwiran ng ama mo'y iyon lang ang paraan para matigil ka sa mga ginagawa mo...."

She chewed her food first. Then, "Have we traveled back to the fifteenth century? Okay, I'll indulge this foolishness, Daddy... Mommy. So. Kanino n'yo naman naisip na ipakasal ako?"

"Kay Gael Llamas."

"Who's Gael Lla—Oh, my god!" Her eyes went wide. "Now, I believe this is really a joke." She laughed merrily. A few seconds later, she looked at her twin with amusement. "Are you in on this, Stace?"

Hindi kumibo si Stacie, tumiim ang mga bagang.

Umiling si Cielo. "No. Natitiyak kong wala kang alam dito. I know you've been seeing Gael for quite sometime now. Natitiyak kong hindi mogugustuhing ang kaisa-isang lalaking pinagtuunan mo ng pansin kahit noong mga bata pa tayo ay gamitin sa kalokohang ito!"

"Magkaibigan lamang kami ni Gael, Cielo!" Stacie said defensively. Her eyes went to her parents whose faces were like masks.

"Whatever!" She rolled her eyes. "Ano ba naman ang dahilan at kailangan mong itago ang relasyon ninyong dalawa? May tumututol ba?" Bago pa may makasagot ay dinugtungan na niya ang sinabi kasabay ng nanunuyang ngiti. "Hindi naman matapobre sina Daddy at Mommy, ah."

"Intensiyon kong imbitahing maghapunan si Gael dito sa atin sa Linggo, Cielo. To renew acquaintances. Get to know him. Iyon din ang payo ko sa kanya para sa iyo."

Ang muli niyang pagsubo ng pagkain ay nabitin sa ere. Ang ngiti sa mga labi niya'y unti-unting nahalinhan ng pagsasalubong ng mga kilay.

"This has gone too far, Daddy! Hindi na ito nakakatawa!"

"Kung iniisip mong nagbibiro ako'y mag-isip kang muli, Consuelo," ani Vince sa seryosong tinig, gayunman, tuloy ito sa pagkain. "It is you who has gone far this time."

Nilingon niya ang ina. "Mommy?" Moanarefused to meet her eyes. Desperately, she turned to Stacie. "For Pete's sake, why didn't you talk our father out of this foolishness?"

"Kung iniiisip mong tinanggap ko ang planong ito ni Daddy nang nakaupo ay nagkakamali ka." Humugot ito ng malalim na hininga at matalim ang mga matang sinulyapan ang ama. "Gael had been through a lot of things, Daddy. The last thing he needs is having Cielo as his wife."

Cielo believed her sister had just insulted her. But to counterattack was pointless. Higit kanino man, si Stacie at si Gael ang naapektuhan sa gustong mangyari ng ama nila. At normal na masaktan ito.

"Wala kayong sasabihing makapagbabago sa pasya ko!" mariing sabi ni Vince.

Cielo opened her mouth then closed it again. She was rendered speechless for a full minute. Ang gahiblang pag-asang nagbibiro ang ama ay tuluyang naglaho. Ipakakasal siya nito!

At kay Gael Llamas.

Bakit? Dahil ba hindi gusto ng mga magulang si Gael para kay Stacie? At para mailayo ang kapatid kay Gael ay siya ang ipakakasal dito?

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now