CHAPTER FOUR

3.2K 70 2
                                    


"WHAT happened, Cielo?" tanong ni Stacie nang nasa parking lot na sila ng kolehiyo. "Hindi ako naniniwala sa gusto mong palabasin sa dinatnan namin!"

"Be quiet, Stacie," saway ni Janet kay Stacie at muling ibinaling ang atensiyon sa kanya. "Binastos ka ba ng lalaking iyon?" her auntasked. Hindi hadlang ang makapal na grado ng salamin nito para hindi mabanaag ang galit sa mga mata nito.

Nang manatili siyang hindi sumasagot ay napaungol ang tiyahin. "Sa akala mo ba'y hindi nakakarating sa akin ang balita tungkol sa reputasyon mo sa mga lalaki, Consuelo?"

She gasped.

"Nagpakita ka marahil ng motibo kay Gael! Gayunma'y hindi dahilan iyon upang bastusin ka ng lalaking iyon! Kahit man lang bilang paggalang sa akin!" patuloy nito. "Ipapa-expel ko siya bukas din at hindi bibigyan ng diploma!"

Her eyes flew to her aunt.

"Tita Janet!" bulalas ni Stacie.

"And why not? My god, sa pamamagitan ko'y tinanggap ni Gael ang scholarship pero ito pa ba ang igaganti niya?" Sa kabila ng galit ay naroroon ang pagdaramdam sa tinig ni Janet Saavedra.

"Y-you can't do that?" Cielo protested in a horrifying voice.

"That man sexually harassed you, Cielo! Totoong anak si Gael ng matalik kong kaibigan, pero pamangkin kita at hindi ko mapapayagang gawin niya ito!"

"Cielo, what really happened?" pasinghal na sabi ni Stacie, hinawakan siya sa magkabilang balikat at niyugyog. "Hindi ako naniniwalang binastos ka ni Gael. For heaven's sake, tell us the truth—"

Bahagya nang nilingon ni Janet si Stacie na marahil ay nagtataka sa naging reaksiyon nito. Nilinga nito ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. Mga estudyanteng sinundan sila sa paglabas.

"Go back to your rooms!" puno ng awtoridad ang tinig nito at nagpulasan papasok sa loob ng building ang mga estudyante. Pagkatapos ay binalingan si Cielo.

"W-walang ginawa si Gael, Tita Janet," she said in a small voice, her head down guiltily.

Kahit paano'y hindi niya magagawang may mapahamak na tao dahil sa kanya. Nanlulumong napasandal siya sa sasakyan ng tiyahin na ang mga matang itinuon sa kanya ay nagbabadya ng third degree.

"Ano ang ibig mong sabihin?" her aunt demanded.

Hindi niya makuhang salubungin ang mga mata nito. "I-I actually... tried to..." Her voice trailed off. Hindi niya malaman kung kaya niyangipagkanulo ang sarili.

"Magpaliwanag ka, Consuelo!"

"For heaven's sake, kung walang kasalanan si Gael ay sabihin mo, Ciel! Ipapahamak mo iyong tao!" segunda ni Stacie na ipinahihiwatig ng tinig ang pagtatanggol kay Gael at galit sa kanya.

"I-it was actually my fault..."

May pakiramdam siyang nagbabara ang lalamunan niya at hindi niya gustong magsalita at ipahiya ang sarili. Pero hindi nagbibiro ang tiyahin niya nang sabihing ipapa-expel nito si Gael. At hindi niya gustong mapahamak ang lalaki dahil sa ginawa niya.

Sa napakahinang tinig ay paputol-putol niyang sinabi ang pangyayari sa likod ng dinatnang eksena ng tiyahin at kapatid.

"I should have known!" Stacie said angrily. "Duda na nga ba ako kanina nang magpaiwan ka. I knew you'd do something foolish, Cielo!"

Kung nakamamatay ang tinging sabay na ipinukol ng tiyahin at kapatid sa kanya ay bumulagta na siya sa lupa. Her aunt pulled her arm roughly and shoved her inside her car.

"Kunin mo at i-drive ang bike niyang nasa corridor, Stacie!" utos nito sa kapatid niya atagad namang lumakad si Stacie patungo sa building. Janet shook her head in anger and faced her again. "Hindi ko alam kung saan mo kinuha ang pag-uugali mong iyan! Kung hindi ako napadaan dito ay malamang na nagawan mo ng pinsala si Gael! At tingnan mo lang ang kahihiyang idinulot mo ngayon sa kanya!"

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now