CHAPTER EIGHTEEN

4K 82 15
                                    


PALUBOG na ang araw nang makauwi si Gael. Pababa pa lang siya ng truck niya'y narinig na niya ang malakas na ingay ng pamilyar na awitin nanggaling sa loob ng bahay niya. He frowned. Maliban sa radio cassette player sa silid ni Tiyang Carmen ay wala nang maaaring pagmulan ng musika. At hindi tutunog nangganoon kaganda at kalakas ang radio cassette ng tiyahin niya.

Gael sighed. Alin na lang sa bumili ng bagong component si Cielo o dinala nito mula sa mansiyon ang personal nitong component. Mas o menos, ang huli ang ginawa nito. Sandali niyang tinungo ang bintana sa gilid kung saan nakatanim ang clinging rose. Sa pamamagitan ng Swiss knife na nasa key-chain niya ay pumutol siya ng isang maiksing tangkay bago nagpatuloy sa paglakad patungo sa bahay.

At habang palapit siya nang palapit ay lalong lumalakas ang tunog ng country rock music na malamang na halos naka-full volume. It was Trace Adkins' "I Left Something Turned On At Home." He smiled. The song was one of his favorite country rocks. The CD was a collection of country rock and blues.

Huminto siya sa may entrada ng bahay. At sa pagkagulat niya'y nakita niyang isinasayaw ng dalawang babae ang rock song ng boogie. Si Tiya Carmen na sa wari ay tinuturuan si Cielo. Cielo who was wearing a retro blue cotton capri jeans at puting polo shirt na ang magkabilang dulo ay nakatali sa may tiyan, was dancing with lively enthusiasm.

...my baby just called me on the phone and from the sound of her voice, I simplyhad no choice. I left something turned on at home...

It ain't the stove, it ain't the heater

She's hotter and a whole lot sweeter...

Dumako ang mga mata niya sa isang maliit at mamahaling stereo component na nakapatong sa ibabaw ng coffee table. Natitiyak niyang kasama iyong dinala ni Cielo kanina nang manggaling ito sa mansiyon.

Sumandal siya sa hamba ng pinto at amused na pinanood ang dalawang babae. Wala siyang natatandaang pagkakataong nakita niyang sumasayaw nang ganito ang tiyahin maliban noong bata pa siya. His aunt used to sing and dance alone while doing household chores. She could dance the cha-cha, the tango, the rumba, name any classic dance and his aunt knew all the steps.

With a smile of admiration on his lips, he turned his gaze to his wife who was obviously trying to learn the steps of the dance. She was a quick learner. Nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ng tiyahin sa pagtuturo ng mga indak at hakbang sa asawa niya.

Cielo was rocking and boogieing as if she had been dancing the boogie all her life. Nakita si Gael ng tiyahin na nakasandal sa hamba ng pinto at ngumiti ito. Cielo twirled quickly and saw him, she flashed him a radiant smile with no trace of her former animosity.

It made his face split into a wide grin. Mula sa likuran niya'y itinaas niya ang maikling tangkay ng baby pink rose bilang peace offering sa sagutan nila kanina sa opisina. Her eyes sparkled and rocked her way to him.

"Your cheap, Mr. Llamas," she said smiling,

tumaas-bumaba ang dibdib sa paghingal. Kinuha nito mula sa kanya ang bulaklak.

"Pasensiya na, Mrs. Llamas," he said huskily, banayad na pinahid ng likod ng kamao ang mumunting pawis sa gilid ng noo nito, "nagtitipid tayo." His smile was soft as he stared into his wife's eyes. "I'm sorry."

She wrinkled her nose.

"Ikaw na ang magpatuloy, Gael," nakangiting sabi ni Tiyang Carmen na hininaan ang volume ng component, puno na rin ng pawis ang paligid ng mukha nito. "Mukhang tumatanda na ako at nahahapo na. Madaling turuan itong asawa mo,mahusay na kaagad."

Hindi niya kailangan ng ikalawang anyaya. Inilagay niya sa likod ng tainga nito ang rose. Then his arm snaked around Cielo's waist, hinawakan sa kamay at inikot.

Sweetheart 16: My Wayward WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon