CHAPTER SEVEN

4K 93 4
                                    


NASA main road na siya at paliko na pakanan patungong bayan nang mapuna niya ang isang Ford Expedition na nakahimpil sa gilid ng daan at nakabukas ang unahang hood.

Wala siyang balak na huminto subalit nang makita niya kung sino ang nakatayo sa harap ng nakabukas na hood ay napilitan siyang magmenor.

"May problema ho ba, Mr. Saavedra?"

He heard Vince mutter under his breath. Pagkuwa'y nilingon siya at sandaling inaninag sa loob ng pickup bago, "Ikaw pala, Gael. Nasira ang fan belt. Can you give me a lift?"

"Kung okay lang sa inyo ang sumakay sa truck ko," he said with a grin. "Hindi ho gumagana ang air-conditioner nito, eh."

The older man smiled indulgently as he surveyed his fifteen-year-old battered Toyota Hi-Lux. Bukod sa salaping ipinuhunan niya sa agency ay ang tersera manong sasakyang iyon ang binili niya nang magbalik siya sa Pilipinas. Ni hindi makilala ang pulang pintura sa alikabok na nakakulapol sa sasakyan dahil rough road ang daan pauwi sa kanila.

"I don't mind, Gael. I don't mind at all."

Isinara ni Vince Saavedra ang hood ng sasakyan nito at ikinandado ang mga pinto sa pamamagitan ng remote control at pagkatapos ay sumakay na sa passenger side ng pickup niya.

"Sa bangko ho ba sa bayan ang tungo ninyo?" tanong niya nang umaandar na sila.

Tumango ang nakatatandang lalaki at nanatiling nakatitig sa daan. Then out of the blue hemuttered, "Mabuti na lang at iisang anak ko lang ang nagdudulot sa akin ng mga alalahanin. Still, kapag nagkakaedad kang ganito ay ganoon na lang ang pagnanais mong malagay sa maayos ang buhay ng anak na ito."

Hindi kailangang itanong kung sino sa tatlong mga anak nito ang tinutukoy. Jason was a couple of years older than he was. At sa pagkakaalam niya ay nasa Hong Kong ito at doon na namimirmihan kasama ang bagong asawa dahil ito ang namamahala ng textile mills doon.

Stacie and Cielo though twins were like night and day. He hadn't been home long, subalit nakarating kaagad sa kanya ang iskandalong ginawa nito sa wedding anniversary party ng mga magulang ng kasintahan nito may ilang buwan na ang nakalipas mula nang magbalik siya sa Trinidad.

Iyon dapat ang gabi kung saan iaanunsiyo ng dalawang pamilya ang petsa ng kasal nina Cielo at ang kasintahan nitong si Gerald Vicente. Sa pagkamangha ng lahat, lalo na ni Gerald, na sa wari ay walang kamalay-malay sa anunsiyong gagawin ni Cielo, inihayag ng dalaga sa lahat nang gabing iyon na tinatapos niya ang relasyon nila ng kasintahan at walang kasalang magaganap.

Walang dahilang ibinigay. Just that she wanted to end their engagement. Period. Then she had left the party alone, leaving her parents and twin to deal with the embarrassment.

Nakikini-kinita na ni Gael ang kahihiyang inabot ng mga Lang-Saavedras. Ang mga Vicente ay kaibigan ng mga ito at dahil sa nangyari ay parang nagkalamigan ang dalawang pamilya. Pag-aari ng mga Vicente ang thirty percent share of stocks sa St. Vincent College. At ang fifty percent ay sa mga Lang-Saavedra. Ang beinte porsiyento ay sa ibang miyembro ng board.

"What has Cielo done this time?" he asked after a full minute had passed, naalala ang insidente sa tabi ng highway wala pang isang linggo ang nakararaan nang abutan ito ng dalawang highway patrol.

"What made you think it was Cielo?"

He twitched his mouth. "Isn't she?"

Vince sighed and nodded. "Bumili ng Hummer sa ibang bansa at dinala rito. Nasa Custom ngayon sa Maynila at kailangang bayaran ko ang abot-langit na halaga ng tax para mailabas ang maluhong sasakyan! Aba'y tax lang ng Hummer ay kayamanan nang maituturing, ah!

Sweetheart 16: My Wayward WifeWhere stories live. Discover now