Chapter 19: Unconsciously

815K 25.3K 7.4K
                                    

Keila's point of view.

May kung sino ang pumalo sakin ng unan habang masarap akong natutulog sa kama ko. Nagising ako at napaupo ako. Nakatayo si Cloud sa harap ko at nakatingin siya sakin gamit yong masungit niyang mukha.

"Bakit?" tanong ko.

"Naghihintay na si Kean sayo sa baba." nanlaki ang mata ko.

Bumaba agad ako ng kama at pumunta ako sa banyo ko. "Paki sabi maliligo lang ako!"

"Okay." matipid na sagot ni Cloud.

Habang nagsasabon ako ng katawan ko, bigla na lang akong natigilan. Tama ba lahat ng narinig at nakita ko? Ginising ako ni
Cloud dahil naghihintay na sakin sa baba si Kean? What? "Panaginip ba 'to?" sinampal ko ang sarili ko pero nasaktan lang din ako. "Shocks, totoo nga. Hindi siya nagalit? May sakit ba siya?" hindi pa din ako makapaniwala.

Binilisan ko ang pagligo at pagbibihis ko. Bumaba agad ako at hinanap ko si Cloud pero sabi ni Mama, umalis na daw siya. Psh.
Kung kailan gusto ko siyang kausapin tska siya wala. Alam ba niyang tatanungin ko siya tungkol kay Kean kaya umalis na lang siya bigla?

"Kumain ka muna anak." sambit ni Mama.

"Ma, sa school na po ako kakain. Sorry po, kailangan ko ng umalis nag hihintay na sakin sa labas si Kean eh."

"Okay sige. Oo nga pala may gusto sana akong sabihin. Kasi mamaya--" naputol ang sasabihin ni Mama kasi biglang may tumawag sakanya. "Hello? Oh, bakit?"

"Mama, mamaya na lang ha? Nagmamadali na ako eh. Bye! I love you!"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mukhang importante yong tawag na yon. Paglabas ko ng gate, nakangiti na agad sakin si Kean habang nakasandal siya sa motor niya. "Good Morning babe." bati niya.

"Good morning, Alien." pang-aasar ko. "Ang aga mo ha?"

"Late ka lang talagang gumising, babe. Napuyat ka na naman noh? Palagi ka ba naman kasing tumatakbo sa isip ko kahit tulog na ako eh." Sambit niya sabat tawa. I just rolled my eyes on him. Ayan na naman siya sa mga banat niya pero I consciously smiled for that.

What is he actually doing to me?

May alien ba si Ben Ten na marunong mang hypnotized? Wala naman 'di ba?

"Whatever, Alien."

Usual routine. Inalalayan niya akong sumakay sa motor niya habang ako nakakapit sakanya. Habang papunta kami sa school, kanta ng kanta si Kean ng mga
kanta ng callaliy. Kahit nag di-drive siya, ang ganda pa din ng boses niya. Wala atang babae ang hindi mai-in love sa boses niya.

"Okay na ba yong boses ko?" tanong niya.

Nagpapatawa ba siya? Okay na okay naman yong boses niya kahit hindi na siya magtanong.

"Medyo sumasakit kasi yong lalamunan ko eh."

"Okay naman hindi halatang may problema ka sa throat, bakit tutugtog ba kayo mamaya sa may Padis?" tanong ko.

"May audition kami mamaya para sa Music Laban. Kinakabahan nga ako eh baka hindi kami matanggap mamaya sa audition." ramdam ko nga sa boses niya ang kaba.

Feeling ko mahalaga sakanya tong battle of the bands na 'to. "Punta ka ha? para may pagkukuhanan ako ng lakad mamaya. Nawawala kasi lahat ng kaba ko kapag nandyan ka eh."

"Saan ba gaganapin?" tanong ko.

"Sa bar sa may malate. Alam ko kasali din don sila Cloud kaya kung gusto mo sumabay ka na sakanya. May practice kasi kami
mamaya eh kaya hindi kita masusundo."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon