Chapter 37: Semi Finals

728K 22.3K 7.6K
                                    

Keila's point of view

(Now Playing: Sofa - Jungkook)

Mas pinaaga 'yong call time namin para sa semi finals kaya hindi na ako nakadalaw sa hospital para kamustahin si Hailey. Sabi naman ni Kean, lalabas na din daw si Hailey maya maya. Medyo gumaan na 'yong loob ko ng malaman kong maayos na siya. Hindi ko alam pero gusto kong makita si Kean mamaya habang sumasayaw kami pero alam kong mas kailangan niyang unahin si Hailey. Kapag nandyan kasi siya, lumalakas 'yong loob ko. Siguro kaya niya din gusto na nasa paligid lang ako kapag tumututog sila dahil pareho kami ng nararamdaman.

"Keila," Biglang sabi ni Dwayne habang nakaupo kami sa likod ng stage. "Kung ano mang distractions meron ka ngayon, alisin mo muna yan. Ayokong matalo ang team dahil lang sa distracted ka, you're better than that." Seryoso niyang sabi. Tumayo siya at umalis. Naiwan naman akong tulala sa kinakatayuan ko.

Ayokong matalo ang team dahil sakin. Tama si Dwayne, dapat siguro hindi ko muna isipin si Kean baka mas lalo lang akong hindi makapag focus. Graduating na kami kaya last chance na namin 'to para manalo sa championship. Hindi ko pwedeng biguin 'yong mga ka grupo ko.

Nilagay ko sa tainga ko 'yong earphones ko tapos pinakinggan ko 'yong mga kanta na sasayawin namin habang iniisip ko 'yong bawat steps. Hindi ko din natapos 'yong mga kanta dahil naisip ko na naman si Kean. Nakauwi na kaya sila sa bahay nila? Gusto ko siyang tawagan pero bigla na lang bumalik si Dwayne kasama si Trevor.

Bago mag start 'yong program, isa isa kaming mag pa-practice sa mismong stage habang nanunuod 'yong ibang teams. Sa labing tatlong grupo, last kami na sasalang. Habang pinapanuod namun 'yong mga unang team, bigla akong kinabahan. Ang gagaling nilang lahat at lima lang ang makukuha para lumaban sa finals. Inisip ko na lang 'yong mga paghihirap namin para makapunta dito para hindi ako panghinaan ng loob.

"You look very nervous." Bulong ni Trevor sakin. "Relax bud, we're better than them. I know we can do it." Ngumiti siya sakin pagkatapos hinawakan niya ang balikat ko. Kahit papaano mas lumakas ang loob ko.

"Okay team, we're next. Isipin niyo lang lahat ng paghihirap natin para lang makarating dito. Just do your best!" Paalala ni Dwayne.

Kami na 'yong sumalang. Pumwesto kami sa stage at ng makita ko 'yong mga teams na kalaban namin na nanunuod samin, bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Sana nandito si Kean para kahit papaano, mawala 'yong kaba ko.

Nag play na 'yong music.

Kahit na kinakabahan ako, maayos namin naitawid 'yong dance practice. Mag bi-break lang ng isang oras pagkatapos mag start na 'yong semi finals.

"Good job team," sambit ni Dwayne. "Keila, good job." Ngumiti siya sakin at ngumiti na lang din ako sakanya. Naging okay na naman kami kagabi, humingi ulit siya sakin nang sorry pagkatapos hinatid niya kami ni Trevor pauwi.

Kumain kami ni Trevor sa isang resto malapit sa University habang break. Nagulat kami kasi sumunod pala samin si Dwayne.

"Hindi man lang ba kayo mag aaya?" Masigla niyang sabi. Nagkatinginan na lang kami ni Trevor. Ang bilis talaga magpalit ng mood ni Dwayne. Kanina, masungit, naging seryoso tapos ngayon mukhang masaya siya. Alam ko hindi naman ganyan si Jenelle, saan kaya siya nag mana? "Nagugutom na din ako kaya kakain na din ako." Tumingin bigla si Dwayne kay Trevor.

"Bro, just tell me if you still want me here or you me to leave the both of you." Sambit ni Trev, tinignan ko siya pero nakangiti lang siya. "I'm just kidding, I won't leave. I'm hungry too." Sambit niy na para siyang bata.

Tumingin ako sandali sa cellphone ko at nakita ko 'yong text ni Kean.

From: Alien Babe
Good luck babe. Sana nandyan ako para i cheer ka pero kailangan ako ni Hailey. Sana maintindihan mo ako. I love you, Keila Jin.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon