Chapter 43: Why?

665K 20.4K 6.6K
                                    


Keila's point of view.

Maaga akong nagising ngayon. Mag jo-jogging kami ngayon ni Mama. Matagal na din kaming hindi nakakapag bonding na dalawa. Busy siya sa business namin at ako naman naging pre-occupied kay Kean. Ever since si Mama na 'yong naging kasangga ko sa lahat, siya at si Cloud pero syempre mas malapit pa din ako kay Mama. Alam niya lahat tungkol sakin dahil never ako naglihim sakanya. Siya ang pinaka pinagkakatiwalaan kong tao dahil alam ko kung may taong hindi ako kayang saktan, siya 'yon. Kahit kailan nga daw, hindi kayang tiisin ng magulang ang anak nila.

"Upo muna tayo, nak." Pag aaya ni Mama. Umupo kami sa bench sa park. "Nakakapagod, ang tagal ko na kasing walang exercise." Punong puno na nga ng pawis ang katawan ni Mama. Inabutan ko siya ng towel.

"Ma, tungkol sa contract na inalok ni Kean," panimula ko. Paulit ulit siyang tumatakbo sa isip ko at alam kong si Mama ang higit na makakatulog sakin. "Tingin mo ba, dapat niyang tanggapin 'yon?"

"Sa totoo lang anak, malaking opportunity na 'yon para kay Kean. Kaya nga lang may kapalit at ang mahirap don, ikaw ang kapalit ng contract na 'yon," hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Alam ko kung gaano ka kamahal ni Kean, nakikita ko 'yon. Alam ko din na hindi siya papayag na iwan ka dahil sa contract, hahanap at hahanap siya ng paraan para lang hindi ka niya i-give up. Ngayon pa lang anak, pinaglalaban ka na ni Kean dahil kung tutuusin, pwedeng pwede naman niya pirmahan 'yong contract at tapos lahat ng problema niya pero hindi niya ginagawa dahil mahal ka niya at ayaw niyang maghiwalay kayo."

"Alam ko po 'yon Mama pero nasasaktan kasi ako tuwing nakikita ko si Kean na nahihirapan at ang mas masakit don wala man lang akong magawa." Tumulo na lang bigla ang mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak sa harap ni Mama dahil ayoko siyang mag alala sakin pero hindi ko na napigilan. "Naguguluhan talaga ako Mama."

"Anak, kung kaya mong ipaglaban si Kean, ipaglaban mo siya dahil ayokong magsisi ka sa huli katulad ng nangyari sa akin, hindi ko pinaglaban ang Papa mo at nagsisi ako ng sobra dahil don. Ayokong mangyari 'yon sayo. He's fighting for you so you should do the same thing." Niyakap ako ni Mama.

Masaya ako na close kami ni Mama. Masaya ako kasi siya 'yong naging Mama ko.

Pagkauwi namin sa bahay, naligo ka agad ako at kumain. Maagang umalis si Cloud. Todo practice na sila para sa music laban, naisip ko tuloy si Kean. Paano sila makakapag practice kung nag wo-work at nag aaral siya.

"Keila, nasa labas si Kean. Pinapapasok ko siya pero ayaw niya. Hihintayin ka na lang daw niya sa labas." Napatayo ako sa kinakaupuan ko dahil sa sinabi ni Mama. "Sige na anak, pumasok ka na."

"See you later Ma! I love you!" Sigaw ko.

Lumabas agad ako ng gate at nakita ko si Kean na nakasandal sa motor niya. Ang alam ko may shift pa siya ngayon at maya maya pa siya matatapos kaya nga hindi ko inaasahan na nandito siya.

"Hi babe, good morning." Bati niya.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko.

Nag pout si Kean. "Ayaw mo ba akong makita? Hindi mo man lang ba ako na-miss, babe?" Para siyang bata. Lumapit ako sakanya pagkatapos kinurot ko 'yong pisngi niya. "Mashaket babe."

"Ang cute mo kasi babe para kang bata," natatawa kong sabi. "Akala ko kasi nasa work ka pa kaya nagulat ako na nandito ka."

"Malapit na kasi 'yong finals ng music laban kaya nag part time na lang ako sa coffee shop, four hours na lang ako mag wo-work don para makapag pratice kami ng bandmates ko." Napangiti ako sa sinabi ni Kean. Masaya ako na hindi niya inaabuso 'yong sarili niya. "Tara na?"

Dumiretso na agad kami sa school. Pagdating namin don, sinalubong kami ni Jenelle. Mukhang malungkot siya. Bakit kaya?

"Hi Kean, hi Besty!" Bati niya pero hindi pa din matago sa mukha niya 'yong lungkot. Alam na kaya niya 'yong tungkol sa panliligaw ni Cloud kay Julianne? "Sabi ni Kuya pupunta daw kayo mamaya sa bahay?"

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon