Chapter 45: Ultimatum

601K 18.7K 6.4K
                                    


Keila's point of view.

"Okay let's take a break!" Sigaw ni Dwayne. Humarap siya samin ni Trevor. "Keila, can I talk to you?" Nagkatinginan kami ni Trevor at tumango lang siya sakin bago siya umalis.

"Anong problema?" Tanong ko. Sa totoo lang may ideya na ako kung bakit niya ako kakausapin. "Dwayne, kung tungkol 'to sa performance ko, aminado ako na hindi ito 'yong best ko. Sorry, hindi ko lang maalis sa isip ko 'yong problema ko ngayon."

"Keila, bukas na 'yong finals. Kung ganyan ka pa din bukas, panigurado na matatalo tayo. Ikaw 'yong palaging nasa harap at ikaw 'yong sinusundan nila. Hindi lang naman 'to tungkol sating dalawa, tungkol din 'to sa buong group," hinawakan ni Dwayne ang balikat ko kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. Ilang linggo na siyang cold sakin tapos bigla siyang magiging ganito. "Kung ano man 'yong problema mo, ayusin mo na. Kung may maitutulong ako sabihin mo lang."

"Thank you pero kaya ko na 'to. Wag kang mag alala, bukas okay na ako." Ngumiti siya at inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Sige magpapahinga lang ako."

Hindi ko na hinintay 'yong isasagot niya. Naglakad ako papunta sa bleachers. Tinabihan ko si Trevor.

"What did he say?" Tanong niya.

"It's about my performance today and about the finals tomorrow," nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Frustrated ako sa mga nangyayari. Kung kailan finals tska pa ako nagkaganito. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag natalo tayo dahil sakin."

Pinatong ni Trevor 'yong kamay niya sa balikat ko. "Don't be so hard on yourself. What you need to do is to get rid of what's bothering you. You could share it me, maybe I could help?"

"Si Dana kasi.. mahal pa pala niya si Kean. All along akala ko hindi na, akala ko okay na lahat sakanya pero hindi pa pala. Nasasaktan pa din pala siya til now at ako naman nagpapakasaya. Ang sama sama ko eh pero mahal ko si Kean. Hindi ko na talaga alam 'yong gagawin ko."

Pareho kaming natahimik ni Trevor. Siguro pati siya naguguluhan na din. Napaka komplikado kasi ng sitwasyon ko. "I think you should talk to her. That's the only thing you can do." Sagot ni Trev.

Bumalik kami sa practice. Medyo okay na naman ako pero naiisip ko pa din si Dana. Buti na nga lang hindi na nagalit sakin si Dwayne. Kailangan ko na nga talagang kausapin si Dana kaya after ng practice tinawagan ko agad siya para ayain na lumabas.

"Keila?" Umupo siya sa harap ko. "What's up? Bakit urgent naman 'yong pag tawag mo? May problema ba?" Nakangiti siya sa akin at parang hindi siya nasasaktan.

"Dana.. hindi ko sinasadya pero narinig ko 'yong usapan niyo ni Krystal nung isang linggo. Narinig ko na mahal mo pa pala si Kean," nakatingin lang ako sakanya at agad nawala 'yong ngiti sa mukha niya. "Bakit hindi mo sinabi sakin? Akala ko ba okay na ang lahat?"

"Keila, ayoko lang na makagulo pa ako sa inyo ni Kean. Isa pa tanggap ko na naman na ikaw ang mahal niya at hindi ako. Mahirap lang talaga kalimutan 'yong feelings ko sakanya ng ganon ganon na lang. Sorry pero wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga masaya ka." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Paano ka? Ayokong nasasaktan ka. Dana pareho kayong mahalaga sakin ni Kean."

"Keila, mawawala din 'tong feelings ko kay Kean. Wag mo na akong isipin," ngumit siya pero hindi ko alam kung totoo 'yon o pilit lang. "Hindi muna ako magpapakita sa inyo ni Kean para na din makalimutan ko na lahat ng feelings ko sakanya at para hindi mo na din ako intindihin, okay?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Keila, mas importante ka na sakin kaysa kay Kean kaya mas papahalagahan ko ang pagiging magkapatid natin. Sa totoo lang kakausapin din talaga kita ngayon. Matagal ko na 'tong napag isipan. Pupunta muna ako ng US. Babalik ako kapag okay na ang lahat."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon