Chapter 12: Finally

920K 28.7K 6.7K
                                    


Keila.

"Nandito na yong sundo mo." Sambit ni Mama. "Bilisan mo na dyan anak, kanina pa siya nandyan eh."

Napatingin agad ako kay Cloud at nakatingin din siya sakin. Ang sama nga ng tingin niya eh kasi alam ko na alam niyang si Kean yong tinutukoy ni Mama. Hanggang ngayon natatakot pa din ako sa magiging reaksyon ni Cloud tungkol sa pakikipag kaibigan ko kay Kean pero ngayon bigla na lang nawala yong masama niyang tingin at naging blanko ang mukha niya.

"Alis na po ako." Paalam ko. Kinuha ko agad ang bag ko at umalis. Kilala ko si Cloud at kapag ganyan siya, hindi mo siya mapipilit na kausapin ka. Mabuti pa palipasin ko na lang muna yong init ng ulo niya. "Bakit kasi ang komplikado ng lahat eh." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong komplikado?"

"Ay alien!" Sigaw ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. "Nakakainis ka Kean, ginulat mo ako." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pati ba yang natutulog mong puso, nagising ko?" Nakangisi niyang tanong. Nilagay ko sa bewang ko yong kamay ko pagkatapos tinaasan ko siya ng kilay. Puro siya kalokohan. "Babe naman, pinapangiti lang kita eh. Ang aga aga kasi nakasimangot ka."

"Si Cloud kasi ang cold sakin." Paliwanag ko.

"Sorry dahil sakin nag away kayo." Seryoso niyang sabi. "Hindi ko nga alam kung paano ako mapapatawad ni Cloud eh." Habang tumatagal mas lalong lumulungkot yong mukha ni Kean at kahit sino ata hindi maiiwasan na maawa sakanya.

"Ganyan lang yon. Hindi din niya ako matiiis. Tara na?" Pag aaya ko sakanya.

Lumapit agad siya sakin at sinuot niya ang extra niyang helmet. As usual, inalalayan niya ako sumakay sa motor niya. Nasasanay na ako sa pagiging gentleman ni Kean.

"May ibibigay pala ako sayo mamaya." Sambit niya habang papunta kami sa school. "Hintayin mo ako sa uwian ha?"

"Oo na." Sagot ko.

Pag park namin ng motor niya, kinuha agad ni Kean yong gamit ko. Nung una ayaw ko pang ibigay sakanya pero ang kulit niya kaya binigay ko na din sakanya.

Habang naglalakad kami sa corridor halos lahat sila pinagtitinginan kami ni Kean. Karamihan sakanila mga babae at panigurado ako na fan girls sila ni Kean.

"Ang hirap pala talaga kapag may kasama kang celebrity." Sambit ko. "All eyes on you."

"Nagpapatawa ka ba babe? Hindi ako celebrity at isa pa mas mukha ka pang artista sakin." Natatawa niyang sabi. "Nakatingin sila satin kasi nagagandahan sila sayo." Pagkasabi niya non bigla na lang namula yong pisngi ko. Alam ko namang binobola niya ako pero hindi ko pa din maiwasan na mapangiti.

"Whatever, Kean."

Pagdating namin sa classroom, natahimik na naman silang lahat at lahat din sila nakatingin sakin kasama na don si Dwayne at Krystal. Bigla akong inakbayan ni Kean. "Don't mind them, I'm here." Bulong niya.

Naglakad kami papunta sa upuan namin sa likod pero hindi ko pa din maiwasan na marinig ang mga bulungan ng classmates ko.

"Sila na pala ni Kean?"

"Ang landi niya. Dati si Dwayne tapos ngayon naman si Kean."

"Fame whore, palibhasa hindi siya ganon kasikat."

Gusto ko sana silang harapin at pagsasampalin pero nakahawak ng mahigpit si Kean sa braso ko kaya wala akong magawa kung hindi ang dumiretso sa upuan namin.

"Wag mo na silang pakinggan. They don't know the whole story." Sambit ni Kean. Napangiti na lang ako. Tama siya. Hindi ko na lang sila papatulan pa. "Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Napatingin ako kay Kean at ang seryoso ng mata niya. Minsan parang tinatawag ako ng maganda niyang mata. "Baka matunaw naman ako nyan, babe."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon