Chapter 39: Reunion

706K 20.7K 12K
                                    

Keila's point of view

Nakaupo na kami ni Cloud sa table namin. Wala pa man sila Papa at Dana pero hindi ko na maipaliwanag 'yong kaba na nararamdaman ko ngayon. Malalaman na ni Dana na kapatid niya ako at natatakot ako sa magiging reaskyon niya. Matatanggap niya ba ako o mas iirial 'yong galit niya sakin?

"Relax, Keila." Sambit ni Cloud.

"I want to but I can't," sagot ko. "Naiisip ko na ngayon pa lang 'yong magiging reaksyon ni Dana at alam kong hindi maganda 'yon."

"Don't think that way. Everything will going to be alright." Paalala niya. "Kung hindi man, nandito lang ako." Ngumiti siya sakin at dahil don kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko.

"Thank you Cloud. Sana maging maayos ang lahat." Sambit ko.

Sa totoo lang, alam kong hindi magiging maganda ang tagpo namin. Gayon pa man, gusto ko na matapos ang lahat. Gusto ko na siyang harapin bilang kapatid niya sa ama.

After ten minutes, dumating na din si Dana at si Papa. Papalapit pa lang sila sa table namin, kita ko na agad ang nagsasalubong na kilay ni Dana. Mas lalo akong kinabahan.

"Dana, take a seat." Utos ni Papa.

Kahit na halatang nalilito siya, umupo pa din siya. Hindi maalis 'yong tingin niya sakin at ako naman halos hindi ako makatingin sakanya. "Wait Dad, I thought--"

"Let's take our order first, waiter!" Pagpuputol ni Papa sa sasabihin ni Dana. Nag order kaming apat. Tahimik lang kaming dalawa ni Cloud dahil hinihintay namin na magsalita si Papa. Si Dana hindi mapakali. Tinignan na din kami ni Papa at ngumiti siya sa amin.

"Dana, yes we are going to meet your siblings and here I want you to meet your, brother and sister." Walang paligoy ligoy na sabi ni Papa.

Nanlaki ang mata ni Dana at literal siyang napanganga. Gulat na gulat siya na para bang ayaw niyang maniwala sa lahat ng mga narinig niya. Kanina pa ako kinakabahan sa mga nagiging reaskyon niya.

"Sila 'yong kapatid ko?" Sambit niya. "Why does it have to be her?" Sambit niya habang nakatingin siya sakin. "Dad, you know that she's the girl who stole Kean from me." Mas lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ito na 'yong kinakatakutan kong reaksyon niya. "I can't believe this!"

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko na din alam kung ano bang sasabihin ko.

"Anak, it's not her fault. She didn't steal Kean from you." Pagtatanggol sakin ni Papa. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na ipagtatanggol niya ako sa harapan ni Dana. "I thought we're through about this?"

"Dad.." Sambit ni Dana.

"Dana, don't ruin this dinner for us." Seryosong sambit ni Papa. "You need to accept her. She is your sister. Madami pang lalaki sa mundo Dana pero nag iisa lang ang mga kapatid mo. And this is all you want right? To have a sister?"

"Yes I want a sister kahit pa half sister lang pero ang hirap tanggapin na 'yong sister ko pa 'yong karibal ko sa taong mahal ko." Tumayo siya. "I can't do this Dad. I'm going home. Tumayo siya, pinigilan siya ni Papa pero ayaw niya magpapigil at naglakad siya palabas. Gusto ko siyang sundan at kausapin pero alam ko walang magagawa 'yon.

Hindi na pinigilan ni Papa si Dana at napabuntong hininga na lang siya. "I'm sorry about that. Dapat sinabi ko na kanina pa lang 'yong tungkol sa pagkikita niyo. Natatakot kasi ako na baka mas lalo siyang hindi sumama kapag nalaman niya agad but it still turns out bad."

Hindi ko maiwasan na ma guilty. Kasalanan ko lahat ng 'to. "Papa, sorry po. Nasira ko 'yong dinner natin."

"Keila anak, wala kang kasalanan." Ngumit siya sakin kahit na alam kong pilit lang. "Kailangan lang siguro ni Dana ng konting panahon, hayaan na lang muna natin siya. Mag dinner na lang tayo kahit wala siya."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon