Chapter 35: Jerk

710K 21.3K 7.9K
                                    

Keila.

Nakaupo kaming tatlo ni Dwayne at ni Tito Kendrick sa bench sa tapat ng emergency room habang si Kean naman nakatayo sa labas ng pintuan nito. Hindi siya mapakali at kanina pa siya palakad lakad. Nilapitan ko na siya kanina pero ayaw pa din niyang kumalma. Tahimik na lang akong nagdasal para kay Hailey. 'Yon na lang ang magagawa mo sa ngayon.

Na kwento sakin ni Tito Kendrick na may brain cancer si Hailey pero may treatment naman siya kaya dapat okay ang lahat pero mukhang nagka seizure siya. Sana ayos lang siya dahil alam ko masasaktan si Kean ang sobra kapag may nangyari sa katapid niya. Ayokong makita siyang nasasaktan.

"Dwayne, salamat at dumating ka kanina." Sambit ni Tito Kendrick. "Hindi ko alam kung paano na napadaan ka sa amin pero nagpapasalamat pa din ako." Tinignan ko siya.

"Tito, dadalawin ko pa kasi talaga si Hailey. Sakto na nagkaroon pala ng emergency at buti na lang nandon ako." Sagot ni Dwayne. Nagulat ako sa sinabi niya. Kung ganon, kahit pala hindi na sila magkaibigan ni Kean, nanatiling mahalaga sakanya si Hailey. "Kung kailangan niyo po ng tulong sa hospital bills, handa po akong tumulong." dagdag pa niya.

Hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sumabat. "Dwayne, ako na ang bahala don. Wag ka na mag abala pa." Singit ko.

Tinignan ko siya pero hindi niya ako tinignan. "May shares kami sa hospital na 'to kaya mas madali ko silang matutulungan."

"Salamat sa inyong dalawa pero alam kong hindi papayag si Kean. Ayaw niyang humingi ng tulong sa iba hindi dahil sa mayabang siya o ano pero ayaw niyang makaperwisyo ng ibang tao." Sambit ni Tito Kendrick. "Alam ko na malalagpasan din namin ito." Sa itsura ni Tito Kendrick, siya 'yong tipo na mahinahon pero makikita mo pa din sakanya ang pag-aalala na katulad kay Kean. Gusto niya sigurong umiyak na katulad kay Kean pero pinipigilan lang niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Tito, andito lang po ako para sa inyo. Alam ko malalagpasan natin 'to." Pinilit kong ngumiti para sakanya.

"Salamat Keila, alam mo ang swerte ng anak ko dahil ikaw ang naging girlfriend niya."

"Girlfriend?" Biglang sabat ni Dwayne. "Kayong dalawa na ni Kean?" Tinignan na niya din ako.

"Oo kami na ni Kean." Sagot ko.

Umiwas agad ng tingin sakin si Dwayne at simula non halos parang ayaw na niya akong tignan. Naiintindihan ko kung ganito 'yong inaasal niya. Ni-reject ko siya kaya alam ko na masakit sakanya kung malaman niya na kami na ni Kean.

"Family of the patient?" Tanong ng doktor pag labas niya ng emergency room. "She's on a stable condition now, ililipat na namin siya sa ICU. Dalawang tao lang muna 'yong papayagan kong pumasok sa loob."

Tinignan ko pareho si Kean at Tito Kendrick, tumango ako. "Sige na babe, maghihintay na lang kami sa labas ng kwarto ni Hailey." Hinawakan ni Kean 'yong kamay ko habang nakatingin siya sakin.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya at tumango na lang ulit ako. "Salamat babe."

Dinala na si Hailey sa ICU.

"Hintayin mo ako lang ako sa labas, babe." Bago siya makapasok ng tuluyan tinignan niya si Dwayne. "Dwayne, salamat sa tulong mo."

"Hindi ko 'yon ginawa para sayo, para may Hailey 'yon." Sagot ni Dwayne.

"Sige na Kean, pumasok ka na. Hinihintay ka na ni Hailey." Singit ko.

Umupo kami ni Dwayne sa bench na nasa tapat ng room ni Hailey. Hindi kami nagpapansinan na dalawa kaya ang awkward ng feeling habang katabi ko siya. May mga times na napapatingin ako sakanya  pero nakatingin lang siya sa ibang direksyon.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon