Chapter 10: Kambal

942K 29.7K 12.9K
                                    

Cloud.

Nagising ng dahil sa gutom. Hindi na ako nakakain kagabi dahil nakatulog na ako kaka practice ng gitara. Malapit na kasi yong battle of the bands at hindi kami pwedeng matalo.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Mama duon na kumakain. Umupo ako sa harap niya at sinaluhan ko siya. "Asan si Keila?" Tanong ko.

"Umalis na siya." Tipid na sagot ni Mama.

Napasilip ako sa labas pero nandon pa din ang kotse namin.Napakunot tuloy ang noo ko. Palagi naman siyang hinahatid ng driver namin pwera na lang kung susunduin siya ni Jenelle pero alam ko hindi sila nag papansinan. "Sinong nag hatid kay Keila papunta school?"

"Ah.." natigilan siya at napatingin siya sa labas. Nagulat siya at natigilan siya na para bang nag iisip siya ng kung anong isasagot niya sakin. "Ano.." hindi pa din masagot ni Mama ang tanong ko. Tinignan ko siya at parang hindi siya mapakali.

"Mama, may tinatago ba kayo sakin ni Keila?" Pag uusisa ko.

"Wala ha!" Depensa niya agad sakin. "Sinundo siya ni Jenelle. Oo tama, sinundo siya ni Jenelle. Teka, may gagawin pa pala ako sa garden. Kumain ka lang dyan." Sambit niya at nagmamadali siyang umalis.

Nagkakapagduda yong kinikilos ni Mama ngayon. Mukhang may tinatago sakin ang kakambal ko. Isa pa, ang alam ko hindi pa din ayos si Jenelle at Keila. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Kean. Sana wala siyang kinalaman dito.

Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Nag practice ulit akong mag gitara. Pagkatapos ng ilang oras lumabas na ako ng kwarto ko. Nang mapadaan ako sa kwarto ni Keila, narinig kong tumutunog ang cellphone niya. Agad akong pumasok sa loob at sinagot ko ang tawag niya.

Si Jenelle?

"Besty, ano? Galit ka pa din ba sakin? Sorry na kasi.. bati na tayo please." Sambit ni Jenelle.

Natigilan ako.

Anong ibig sabihin nito? Hindi pa din magkaayos si Jenelle at Keila? Ibig sabihin nagsinungaling nga sakin si Mama dahil imposible na si Jenelle ang susundo sa kapatid ko. Nakaramdam tuloy ako ng galit.

"Teka, hindi ko maintindihan, wala ka namang hawak na phone ngayon habang kasama mo si Kean." Agad na natigilan si Jenelle. "OMG! sino tong kausap ko?" gulat na gulat pa siya.

"Si Cloud 'to." Tipid kong sagot.

"Cloud?!" Gulat  pa din niyang sabi. "Bakit nasayo yong cellphone ni Keila?"

"Naiwan niya yong phone niya." Sagot ko.

"Ah? Ganon? Sige sorry."

"Sandali, pwede bang sundan mo si Keila at sabihin mo sakin kung nasaan siya? Papunta na ako dyan. Wag mo na lang din sabihin sakanya na pupunta ako dyan. Okay?"

"Okay sige." Sagot niya.

Agad akong pumunta sa school. Hindi ko na kinausap pa si Mama dahil gusto kong mahuli sa akto si Keila na kasama niya si Kean. Ayoko ng magdahilan pa sakin si Keila at magpatuloy pa yong kalokohan niya na to.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon