Chapter 28: Half sister

783K 25.6K 8K
                                    

This story is not just for Dwayne. Silang tatlo ang bida dito, Kean, Keila and Dwayne. So this story will not just focus on Dwayne. Thanks.
--

Keila.

"OMG!" Sigaw ni Jenelle. Mas mukha pa siyang kinikilig kaysa sa akin. Nakatingin lang kami ni Marion sakanya dahil ang ganda ng mga ngiti niya. Manang mana siya sa mommy niya. "You said I love you too, so that means he's your boyfriend now?" Excited niyang tanong.

"No, he's not." I said trying not be so defensive. "We're not together."

"Ano 'yon? Mahal niyo na ang isa't isa pero hindi pa kayo?" Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit pa siya lalo sakin. Seriously? Sometimes she acts so weird. "Ano kayo, MU? Or friends with benefits?"

Napatingin na lang kami ni Marion sa isa't isa dahil sa sinabi ni Jenelle. "Jenelle, kilala mo si Keila. Hindi pa niya sinusuko ang bataan at malayo pa yon mangyari kaya imposibleng friends with benefits 'yon." Pag tatanggol sakin ni Marion.

"Ang masasabi ko lang, masaya ako. Alam mo 'yong sobrang komportable ka kapag kasama mo siya? 'Yong palagi ka lang masaya tska alam mong hindi ka nag iisa. Siguro in time, magiging kami din." Paliwanag ko.

"Whatever it is, kinikilig pa din ako. Bagay kaya kayo ni Kean." Hindi pa din maalis 'yong ngiti sa mukha niya. Ironic lang na mas gusto pa niya si Kean para sakin kaysa sa sarili niyang kapatid. "Ang romantic kaya nang nangyari sa inyo kanina, alam mo 'yong nasa mga fairy tales at mga romanctic na libro. Nasa ferris wheel kayo tapos may fireworks tapos.. wah! Nag kiss--" tinakpan ko agad 'yong bibig niya para hindi siya marinig ni Cloud na ngayon ay malapit na samin. Narinig kaya niya kami?" "Uhm! Uhm!" Sigaw ni Jenelle sa ilalim ng palad ko.

"Sorry." I said as I removed my hands off her mouth. "He doesn't know."

"Keila." Sambit ni Cloud ng makalapit na siya samin. Narinig kaya niya? "I need to talk to you later." Gamit na naman niya ang cold at seryoso niyang boses. Patay na, narinig nga siguro niya.

"Okay, I'll go to your room later."

Walang kung ano ano umalis na siya. Si Jenelle natulala na lang at sinundan pa talaga si Cloud ng tingin. Mukhang hindi masaya si Marion sa mga nakita niya dahil bigla na lang siyang sumimangot.

"Sasabihin mo ba sakanya?" Singit ni Marion. Alam kong gusto niyang matigil ang pagpapatansya ni Jenelle sa kakambal ko. "For sure, magagalit na naman siya sayo."

"Alam ko magagalit siya kaya nga hindi ko pa din masabi pero sasabihin ko din sakanya in time. Hindi ko naman kayang magtago sa kakambal ko, eh."

"Naiintindihan ko naman si Cloud. He's just being him, overprotective. Nagawa siyang lokohin ni Kean dati kaya natatakot lang siya na baka lokohin ka din niya. Well, alam ko naman na hindi gagawin sayo 'yon ni Kean pero iba ang nasa isip ni Cloud."

Hindi ko alam kung nasasabi niya 'yon dahil gusto niya si Cloud o talaga bang ganon ang nasa isip ng kakambal ko. Sabagay, may point naman si Jenelle.

"Alam ko maiintindihan niya din ako lalo kapag nakita niya na masaya naman ako kay Kean." Sambit ko. "Gusto lang naman niya na maging masaya ako. Alam ko 'yon."

"Jenelle, we better go. It's late and your dad might be looking for you." Sambit ni Marion. "Eline is also waiting for me."

"Bye bestie." Lumapit sakin si Jenelle at niyakap niya ako. "See you tomorrow."

"Bye, ingat kayo." Sambit ko.

Pagkaalis nila Jenelle, dumiretso ako sa kwarto ni Cloud. Nakaharap siya sa computer niya at naglalaro ng Dota. Kumatok ako kahit bukas ang pintuan niya. Nilingon niya ako at tumigil siya sa paglalaro. "Sit down." Utos niya. Ito na naman ang bossy twin ko.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon