Chapter 34: Babe

813K 22.3K 8.4K
                                    

Keila's point of view

Nag text ako kay Cloud na may biglaan akong pupuntahan. Gusto kasi ni Kean na isama ako sa bahay nila para kumain at para mapakilala niya ulit ako kay Hailey at sa Tatay niya bilang girlfriend na niya.

Sumakay kami sa motor niya. Na-miss kong sumakay dito, hindi pa naman ganon katagal pero parang ang tagal ko nang hindi nakakasakay sa motor niya.

"Kumapit ka ng mabuti babe," paalala ni Kean sakin. Kinuha niya ang kamay ko pagkatapos nilagay niya 'yon sa tiyan niya. Nahawakan ko na naman ang matigas niyang tiyan na puro muscles. "Ready babe?"

"Ready." Sagot ko.

Pinaandar niya na 'yong motor kaya napahawak na ako sakanya ng mahigpit. Naramdaman ko na ulit 'yong hangin na pumapalo sa mukha mo. Ang sarap sa feeling. Na-miss ko talagang umangkas sa motor ni Kean. Nung napahinto kami ni Kean dahil sa red stoplight, kinausap ko siya tungkol sa nangyari sa Padis.

"Kean--" panimula ko pero pinutol agad ni Kean 'yong sasabihin ko.

"Babe." Sambit niya. Hinawakn niya 'yong mga kamay ko na nakayakap pa din sakanya. "Gusto ko tawagin mo din akong babe, ha babe?"

"Okay babe," panimula ko ulit. "Ahm.. Gusto ko lang mag sorry kasi umalis agad ako pagkatapos niyong manalo sa wild card round. Nakita ko kasi si Dana na papalapit sa'yo kaya lumayo na lang ako. Ayoko kasing makita niya tayo na magkasama dahil baka mas lalo lang siyang magalit sakin." Sambit ko at saktong nag green 'yong ilaw bg stoplight kaya pinaandar na ni Kean 'yong motor niya. Tahimik lang si Kean hanggang sa makarating kami sa bahay nila. As usual, inalalayan niya akong bumaba at magtanggal ng helmet niya.

Hinarap niya ako. "Babe, alam ko na importante sa'yo si Dana dahil kapatid mo siya pero sana wag siyang magiging dahilan ng pag aaway natin. Kung kailangan ko siyang kausapin gagawin ko para hindi siya magalit sa'yo. Basta palagi mong tandaan na kahit magkamukha kayo, noon pa man ikaw lang 'yong mahal ko, ikaw Keila Jin Mendoza." Tumango na lang ako. "Tara na sa taas? Matutuwa si Hailey kapag nalaman niyang girlfriend na kita."

Hawak hawak lang ni Kean 'yong kamay ko habang papaakyat kami sa bahay nila. Sinalubong agad kami ni Hailey sa taas. "Kuya!" Sigaw niya pagkatapos niyakap niya si Kean. Humarap siya sakin at tinignan niya ako. "Ate ganda! Bumalik ka ulit dito!" Lumapit siya sakin pagkatapos niyakap niya ako.

"Hi, Hailey." Bati ko.

"Tara na sa loob Hailey, kakain na tayo. May sasabihin din kami ni Ate Keila mo, okay?" Masayang tumango si Hailey sakanya.

"Oh anak, dinala mo na naman pala siya dito." Bungad ng tatay ni Kean. "Ahm.. ikaw nga si?"

"Siya si Keila, tay." Hinila ako ni Kean palapit sakanya at inakbayan niya ako. "Kami na nga pala, girlfriend ko na siya." Masayang sabi ni Kean.

"Talaga Kuya Kean?" Tanong ni Hailey habang nakatingin siya samin ni Kean. Parang kumukislap kislap 'yong mga mata niya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapangiti dahil sa kakyutan niya. "Ang saya ko naman, ang ganda ganda ng girlfriend ng Kuya ko. Ate Keila, pwede bang maging Ate na talaga kita?"

"Oo naman Hailey." Masaya kong sagot.

"Yehey!" Sigaw niya na para siyang bata.

"Magandang balita yan, anak. Mabuti pa mag celebrate tayo. Buti na lang madami akong naulito ngayon, tara kain na tayo." Alok ni Tito Kendrick.

Ang dami nga nilang hinandan. Sakto pa talaga 'yong araw. Sinadya ba 'to ng tadhana?

"Kumain ka ng madami, babe." Sambit ni Kean. "Oh Hailey, ito kain mo 'tong gulay para naman lumaki laki ka na." Pinagmasdan ko si Kean. Ang sweet niya talagang tao at mas sweet siya sa kapatid niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit madaming nahuhulog sakanya at isa na ako don.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon