Chapter 29: Rejection

714K 23K 9K
                                    

Keila's point of view

(Now playing: Hold me tight - BTS)

"Keila.. I love you."

Natigilan ako sa nga salita na 'yon. Tama ba 'yong narinig ko? Why all of sudden he would even say that? Is he trying to play with me, again?

"Dwayne, what are you talking about?" I asked sounding so confused.

"Keila, alam ko na mahirap paniwalaan pero mahal na kita. Alam ko na nasaktan kita dati, na niloko kita pero nagsisisi na ako. Akala ko si Dana 'yong mahal ko pero hindi, ikaw pala. I know I shouldn't say this. Masaya ka na kay Kean kaya hindi na dapat ako umeksena pero hindi ko na kayang pigilan 'yong sarili ko."

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong isagot. Dapat ba akong maniwala sa mga sinabi niya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin non? Pero hindi na 'yon ang dapat kong isipin, kung totoo man na mahal na niya nga ako o hindi, wala na akong kahit ano pang nararamdaman sakanya.

Huminga ako ng malalim. "Dwayne, sorry. May iba na akong mahal at alam mo naman kung sino 'yon, mahal ko na si Kean."

Nagkaroon na naman ng ilang minutong katahimikan. Nakakabingi. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o mananahimik na lang ako. Binasag na lang ni Dwayne 'yong katahimikan. "No don't be sorry." Himinto siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung umiiyak siya ba siya o hindi. "This is all my fault, if I could have just love you right, you still would be mine."

"Dwayne.. it's too late." Sagot ko.

"I know, it's just hard to accept. I wish I could turn back the time." Huminga ulit siya ng malalim. "Wag kang mag alala, I won't bother you anymore. Ayokong magulahan ka pa ng dahil sakin. Just forget about everything I said. Bye Keila."

Binaba niya agad ang phone at wala na akong ibang nagawa kung hindi titigan ang phone ko. What the heck is that?

Humiga ako sa kama ko.

Bakit kung kailan niya ako minahal, may mahal na akong iba? Pareho ba kaming pinaglalaruan ng tadhana? Masyado talaga siyang makapangyarihan na kahit saang laro hindi namin kayang talunin ang tadhana.

Nakita kong tumigil si Cloud sa pinto ng kwarto ko. "Good night, Keila. I hope you'll think of our dinner with Dana next week." Bago pa ako ako makapagsalita, umalis na siya agad. Anong meron kay Cloud? Bakit ba gustong gusto niya na magkakilala pa kami ni Dana?

Napatayo ako sa pagkakahiga ko ng biglang tumunog ang phone ko. "Hello?"

"Hi babe." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Kean. "Kanina pa kita tinatawagan pero busy. Sinong kausap mo?"

"Ah wala, si Jenelle." Bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi sakanya ang totoo. "Bakit ka pala natapatawag?"

"May wild card kasi kami bukas sa padis sa MOA at gusto kong iparinig sayo 'yong kakantahin namin. Okay lang ba?" Sambit niya gamit ang malalim niyang boses.

"Oo sige, makikinig lang ako dito." Sagot ko.

"Ahm.. sige ito na. wag mo akong pagtatawanan ha?"

"Oo na, sige na kumanta ka na."

(Now Playing: All I need by Shamrock)

"Kissing you was not what I had planned
And now I'm not so sure just where I stand
I wasn't looking for true love
But now you're looking at me
You're the only one I can think of
You're the only one I see"

Ang lalim ng boses ni Kean. Katulad ng dati, ramdam na ramdam mo 'yong emosyon niya sa pagkanta niya. Habang pinapakinggan mo siya mararamdaman mo din 'yong nararamdaman ni Kean.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon