Epilogue

991K 23.3K 12.5K
                                    

(For better reading please play, Kung wala ka by Hale)


After three months..

Patapos na ang shift namin ni Alyanna. Dalawa na lang kami dito at nililinis na lang naman 'yong counter pagkatapos uuwi na din kami. Dapat nandito pa 'yong manager namin kaso may lakad daw siya kaya ayon umalis na agad. Ever since hindi ko na gusto ang ugali niya. Nakaupo ako sa bar stool habang pinapanuod ang interview ni Cloud sa TV. Masaya ako para sakanya dahil masasabi kong kilala na din siya at isa pa si mukhang si Julianne 'yong ginagawang love team niya.

"Wait lang Kei ha!" Kinuha ni Aly 'yong remote at nilipat niya agad sa kabilang channel 'yong TV. Natigilan ako bigla nang makita ko si Kean. Nasa interview siya kasama si Dana. Biglang bumilis 'yong tibok nang puso ko. Gusto kong tumalikod pero hindi ko maigalaw ang kamay ko lalo na nang halikan ni Kean si Dana sa pisngi. May namumuong mga luha sa mata ko. Pumikit ako at tumakbo papunta sa comfort room. "Keila!"

Sinara ko muna ang pinto. Umupo ako pagkatapos pinatong ko sa tuhod ko 'yong ulo ko. Hinayaan ko na lang 'yong sarili ko na umiyak nang umiyak. Akala ko okay na ako.. hindi pa pala.

Pagkatapos nang nangyari sa amin nang gabing 'yon, hindi ko na ulit siya nakita. Ayoko na siyang makita. Palagi kong pinipigilan 'yong sarili ko na panuorin siya sa TV o kahit ang marinig ang boses niya sa radyo. Alam ko masasaktan lang ako lalo kapag patuloy ko pa siyang inisip kaya tumigil na ako. Akala ko okay na ang lahat pero masakit pa din pala.

Aaminin ko minsan hindi ko pa din maiwasan na isipin siya kaya nga nagagalit ako sa sarili ko kasi alam ko naman sa simula pa lang tapos na ang lahat sa amin, na wala na siya.

Ang hirap kasi talaga magdis-attach sa isang taong nakasanayan mong laging nandiyan.

"Keila! Okay ka lang ba?" Katok siya nang katok pero wala akong lakas na pagbuksan siya ng pinto. Gusto ko munang mapag-isa. "Kei, may nagawa ba ako? Okay ka lang ba? Magsalita ka naman oh! Nag aalala ako sayo eh."

"Ayos lang ako.. gusto ko lang muna mapag-isa." Kahit ilang beses ko pang punasan ang mga luha ko hindi ko pa din maiwasan na maiyak. "Sorry, Aly." bulong ko sa sarili ko.

The thing is, I can't get over him. Kahit ilang beses ko pang ipamukha sa sarili ko na tapos na ang lahat hindi ko pa din magawang kalimutan siya.

I need to let him go but I just can't.

"Sabihin mo Kean, paano ako makakapag move-on? Hindi ba ikaw 'yong tumulong sakin dati para makapag move-on kay Dwayne? Pwede bang.. tulungan mo ulit ako na makapag move-on sayo?" bulong ko sa sarili ko. "Buti ka pa.. mukhang masaya ka na." Tumayo ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Nagkalat na ang eye liner sa mukha ko. Oo, mukha akong kawawa. Isang kawawa g babae na hindi kayang makapag move-on sa ex-boyfriend niya.

Tinakpan ko ang bibig ko. Ayokong marinig ni Aly ang paghagulgol ko. Mas lalo siyang mag aalala sakin.

Why do we keep on chasing the things that can only hurt us?

Palagi ko yan tinatanong sa sarili ko. Bakit nga kaya? Hanggang ngayon hindi ko pa din alam.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako nang comfort room. Nakakahiya kay Aly kung siya lang mag isa ang magliligpit nang lahat. Inayos ko ang mga upuan pagkatapos lumapit ako kay Aly. "Pasensya na Aly."

"Ayos lang naman pero pwede ba, sabihin mo sakin kung anong problema? Ang hirap kasi na palagi na lang akong walang nagagawa kapag umiiyak ka." Lumapit siya lalo sakin at niyakap niya ako. "Keila, alam kong tatlong bwan pa lang tayong magkakilala. Alam ko na classmate mo lang ako sa pastry school at workmate mo dito pero para sakin, best friend na kita. Alam mo naman na ikaw lang kaibigan ko dito sa Philippines eh. Pwede mo akong sabihan nang mga problema mo." Hindi ako nagsalita at niyakap ko lang si Aly. Sa totoo lang close na din siya sakin hindi ko lang masabi 'yong tungkol kay Kean dahil ayoko na i open up pa 'yong bagay na 'yon kahit kala Mama.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon