Chapter 47: Is it the end?

627K 19.3K 7K
                                    

Keila's point of view


"Anong pag uusapan natin?" Seryosong tanong ni Cloud. Kinakabahan pa din ako hanggang ngayon. "Tungkol ba 'to kay Kean?" Tumango agad ako. Hinawakan ko ang tasa sa harapan ko. Kailangan ko ng mahahawakan.

"Cloud, may utang kasi na two hundred thousand si Kean sa Polaris, nag kasakit kasi nuon si Hailey kaya kinailangan niya ng pera--" bigla na lang sumingit si Cloud.

"Keila, anong kinalaman ko dyan?"

"Okay, hindi na ako magpapaligoy pa. Cloud, mangheheram sana ako sayo ng two hundred thousand. Kapag hindi kasi nakabayad si Kean sa Polaris within this week, ipapakulong siya ng Polaris. Alam mo naman na walang wala din sila Kean dahil kakapagamot pa lang nila kay Hailey. Kaya please naman." Kinuha ko 'yong kamay niya. "Ibabalik ko din sayo."

Nakatingin lang sakin si Cloud na mas lalong nagpakaba sakin.

"Hindi mo dapat iniintindin 'yan. Problema yan ni Kean eh."

"Cloud girlfriend niya ako! Kung anong problema niya, problema ko na din 'yon!" Hindi ko na naiwasan na mapasigaw dala ng matinding emosyon. Pinipigilan ko na nga lang umiyak sa harapa niya. "Ayokong makulong si Kean. Nakikiusap ako Cloud. Ngayon na lang ako hihingi ng malaking pabor sayo." Hindi ko inalis 'yong tingin ko sakanya.

"Sige pero one hundred thousand lang 'yong mapapaheram ko sayo. Yon lang 'yong nakuha ko dahil madami kaming nag hati sa pera." Nakahinga ako ng maluwag.

Lumapit ako kay Cloud at niyakap ko siya. "Thank you kambal!"

"Sabihin mo kay Kean, fifty percent interest niyan." Mukha siyang seryoso pero alam kong nagbibiro siya. "Saan ka pa kukuha ng kulang?"

"Hindi ko pa alam, pag iisipan ko pa 'yon."

Kinuha ni Cloud 'yong cheque niya na worth one hundred thousand. Ibalik ko na lang daw kapag may pera na si Kean. Alam kong kaibigan pa din 'yong turing ni Cloud kay Kean kahit na hindi sila gaanong okay ngayon.

Humiga ako sa kama ko.

Ngayon, kailangan kong isipin kung kanino ako mangheheram para sa kulang. Naisip ko agad si Mama pero nahihiya ako. Never pa akong nangheram sakanya. Kaso naisip ko si Kean. Kakapalan ko na lang muna 'yong mukha ko para sakanya. Gusto ko na din matapos ang problema namin.

Bumangon ako at pumunta ako sa kwarto ni Mama. May ginagawa siya kaya nagdalawang isip ako na lapitan siya pero nakita niya ako kaya pinalapit niya na din ako.

"Anak, may sasabihin ka ba?" Huminga ako ng malalim. Nahihiya ako kay Mama pero may dahilan naman ako eh. "May problema ba?"

Umupo ako sa tabi niya. Sinabi ko kay Mama lahat. Tungkol sa utang ni Kean, sa contract sa Polaris at kay Dana. Ang daming nangyari this part few weeks kaya hindi ko pa nasabi kay Mama ang tungkol don pero buti na lang nasabi ko na ang lahat kahit papaano gumaan ang loob ko.

"Naipasok ko na sa business natin 'yong pera ko anak pero may fifty thousand pa ako dito. Sorry Keila, 'yon lang talaga ang maibibigay ko sayo." Ngumiti ako at niyakap ko si Mama. Malaking bagay na 'yong ibibigay niya.

"Thank you Ma, okay na po 'to. Malaking tulong na din 'to. Kapag may pera na si Kean, ibabalik ko agad 'yong pera sa inyo." Sambit ko. Tinignan ako ng seryoso ni Mama at hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit po?"

"Gaano mo kamahal si Kean, anak?" hindi agad ako nakasagot dahil nabigla ako sa tanong ni Mama. Bakit bigla niya 'yon natanong?

"Lahat gagawin ko para sakanya kahit na mahirapan pa ako, ayoko po siyang nakikita na nasasaktan at nahihirapan. Mahal na mahal ko siya." Seryoso kong sagot. Totoo naman eh, mahal na mahal ko si Kean. "Bakit mo natanong Ma?"

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon