Chapter 38: I'll be here

744K 20.8K 3K
                                    

Keila's point of view

Umaga pa lang dinalaw ko na si Hailey sa bahay nila kahit na wala don si Kean. Nung nakita ko siya mukhang maayos na naman siya. Tuwang tuwa siya ng makita niya ako at ganon din naman ako. Malapit na siya sakin kahit na sandaling panahon pa lang kaming nagkakasama. Ang bait niya kasi tska mukha siyang anghel.

Nag taxi lang ako papunta sa school kasi nasa coffee shop pa nila Wynter si Kean madaling araw pa lang nandon na siya. Nag pre-shift daw siya ngayon dahil ayaw niyang umabsent sa class mamaya. Dean's lister kasi si Kean kaya hindi niya pwedeng mapabayaan ang pag-aaral niya. Hindi ko man sinasabi sakanya pero naaawa talaga ako sakanya. Alam kong konti pa lang ang tulog niya dahil sa pag aalaga kay Hailey pero maaga pa din siyang pumasok sa trabaho niya. Sa totoo lang, humahanga ako kay Kean.

"Besty!" Sigaw ni Jenelle. Niyakap niya agad ako ng makita niya ako. "Congrats sa inyo nila Kuya Dwayne!" Sambit niya. Umupo muna kami sa may bench malapit sa field, maya maya pa naman mag start 'yong class namin.

"Salamat," sambit ko. Naisip ko na din sabihin sakanya ang tungkol samin ni Kean. Ayoko kasing sa iba pa niya malaman, baka magtampo pa siya. "Oo nga pala Jenelle, may sasabihin ako sayo. Kami na ni Kean."

"What?! Kayo na ni Kean?!" Sobrang lakas ng boses niya kaya halos lahat ng tao sa paligid namin nataptingin sakanya. "Ay sorry. Nagulat lang kasi ako." Sambit niya. "Omg! Besty! I'm so happy for you!" Excited niyang sabi.

"Thank you besty."

Napahinto siya sandali. "Wait, alam na ba ni Cloud 'to?"

"Oo alam na niya pero ayaw pa din niya kay Kean," natigilan ako. Naisip ko din ang tungkol kay Dana. Hindi pa pala alam ni Jenelle na kapatid ko si Dana. "May isa pa pala akong sasabihin sayo. Apparently, kapatid ko pala sa ama si Dana. At ang nakakagulat pa, mahal din pala niya si Kean. Kaya ayon, galit si Dana sakin dahil ako ang mahal ni Kean. 'Yon 'yong dahilan kaya ayaw pa din ni Cloud kay Kean kasi feeling niya kasalanan ni Kean kung bakit hindi kami magkasundo ni Dana pero alam ko naman na walang kasalanan si Kean don." Natulala na lang si Jenelle sa mga sinabi ko. Hindi ko siya masisisi. Ganyan din naman 'yong reaction ko ng malaman ko ang tungkol don. "Alam ko, napaka komplikado ng sitwasyon namin. Parang pinaglalaruan nga kami ng tadhana eh."

Matagal tagal din bago nakapagsalita si Jenelle. Nahirapan ata siya i process sa utak niya 'yong mga pinagsasabi ko. Sino bang hindi?

"Kaya naman pala magkamukha magkamukha kayong dalawa," napataas ang kilay niya at bigla niya akong hinawakan sa kamay ko. "Wait, sabi mo 'di ba galit siya sayo? OMG! Kanina kasi nakita ko siya sa lobby tapos kausap niya si Krystal." Nagulat ako sa sinabi niya.

Mag kaibigan ba silang dalawa? Bakit bigla akong kinabahan? Knowing Krystal may possibility na siraan niya ako kay Dana. Bigla tuloy akong nainis. "Dito na ba nag aaral si Dana?" Tanong ko.

"I don't think so. Visitor's ID lang naman 'yong meron siya." Sagot ni Jenelle. Hindi ko alam pero nakahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Ayokong magkita kaming tatlo ni Dana at Kean palagi dito sa University. "Hindi ba may dinner dapat kayo ni Cloud kasama si Tito Trevor at si Dana? What happen to that?"

"I didn't say yes yet," sagot ko at naisip ko din ang tungkol don, buti napaalala ni Jenelle. Masyado kasing na focus ang utak ko kay Kean. "But I think, I need to say yes already. Umaasa pa din ako na baka pwede pa kaming magkaayos."

"So, gusto ko siyang maging friend?" Confused niyang tanong.

"Nung una, ayoko na sana siyang pumasok pa sa buhay ko. I want to ignore her but when I saw her, it makes me want to know her more, to get close to her."

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon