Chapter 21: Pagsuyo (Part 1)

713K 24.8K 3K
                                    

(Now playing: Stars by Callalily)

Tahimik lang kami ni Mama at ni Cloud habang kumakain ng umagahan. Alam ko dahil 'to sa nangyari kahapon. Ayoko muna pag-usapan si Papa sa harap ni Mama at Cloud. Gusto kong i open ang topic about kay Papa kapag handa na ako at kapag alam ko na ang isasagot ko sa tanong ni Papa.

"Mauna na po ako, Mama." Paalam ko sakanila.

"Nandyan na ba si Kean?" Tanong ni Cloud. "Hindi ko pa narinig yong tunog ng motor niya." Pag-uusisa pa niya.

Natigilan ako. Galit nga pala sakin si Kean. Panigurado, hindi niya ako susunduin ngayon. "Busy siya kaya mag co-commute lang ako." Sambit ko. "Alis na ako." Dumiretso ako palabas ng bahay.

Paglabas ko ng gate, wala ngang Kean na nagpakita sakin. Expected ko na naman 'to pero naninibago pa din ako na wala siya ngayon, na hindi niya ako susunduin. Dapat pala hindi ko sinanay ang sarili ko na palagi siyang nandyan.

Naglakad ako papunta sa labas ng village namin. Sumakay ako ng taxi papunta sa school. Nakakamiss din pala yong hangin sa umaga na pumapalo sa mukha ko sa tuwing nakasakay ako sa motor ni Kean. Nakakamiss yong magandang boses ni Kean at pati yong mga banat niya. Nakakamiss din pala si Kean..

Pagpasok ko sa school karamihan ng babae ang sama ng tingin sakin at yong iba pinagbubulungan pa ako. Ano pa bang bago sakanila?

Dumiretso ako sa room. As usual, natigilan ang mga classmates ko ng makita nila ako. Nagsitaasan yong kilay ng iba at yong iba nag bulong bulungan pa. Hindi na din ako nagulat. Ano bang bago sakanila.

Pumunta ako sa upuan ko sa likod pero wala pa si Kean. Asan na kaya siya? Papasok ba siya? Sa nangyari kagabi, baka hindi na siya pumasok. Nakaramdam na naman ako ng guilt. Kung nandon siguro ako baka nakapasok sila sa Music Laban.

Dumating na yong professor namin pero wala pa din si Kean. Hindi nga siguro talaga siya papasok. Nag alala tuloy ako sakanya. Ayos lang kaya siya?

"Okay class, kailangan niyong maghanap ng tatlong group mates para sa project niyo this semester. I will give you' five minutes para maghanap ng ka grupo." Sambit ng professor namin.

Nag ingay ulit ang buong klase. Tumayo na yong iba para makahanap ng ka grupo nila. Nakaupo lang ako dahil hindi ko din naman alam ang gagawin ko at bukod kay Kean wala akong masyadong kilala sa room, kung meron man may ka-grupo na din siya.

"Ms. Mendoza?" Tanong ng professor ko. "May group ka na ba?"

"Wala pa po Sir." Sagot ko.

Tinignan niya yong list ng mga groups. Mukhang hinahanapa niya ako ng group mates. "Ah, tamang tama pala. Si Dwayne, Krystal at Kean wala pang group kaya kayong apat na yong group mates."

Tinignan ko si Dwayne at Krystal at mukhang inis na inis si Krystal sa narinig niya. Si Dwayne naman nakatingin lang sakin. Hindi nan big deal mung maging group mates ko sila. Mas big deal pa sakin na magkaayos kami ngayon ni Kean.

"Okay class dismiss."

Kinuha ko ang gamit ko at lumabas agad ako ng room. Dumiretso ako sa second class ko. Hindi ko classmate don si Kean pero si Dwayne, oo.

Nagulat ako ng tumabi sakin si Dwayne. "Okay na ba kayo ni Kean?" Tanong niya.

"Hindi eh. Galit siya sakin." Sagot ko.

"Sabihin mo lang kung kailangan mo yong tulong ko para magpaliwanag sakanya." Sambit niya.

Napatingin kami sa isa't isa. Mukhang sincere naman siya sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, may bagay na nagbago kay Dwayne pero hindi ko masabi kung ano yon.

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon