Chapter 33: Stop this

679K 21.8K 6.3K
                                    




Dalawa kami ni Jenelle na naghanap kay Krystal at nakita namin siya sa field ng school. Nag pa-pratice sila ng sayaw para sa cheerleading competition. Madaming tao 'yong nanunuod sakanila pero wala na akong paki alam. Punong puno na ako sakanya kaya ipapakita ko sakanya na hindi ako basta basta magpapaapi sakanya. Hindi ako 'yong klase na tatahimik at iiyak na lang sa tabi. Kaya ko din magpaka bitch sa mga katulad niyang bitch. Matagal na din naman akong namahimik sa mga pang aaway niya sakin, panahon na para tuldukan ko 'yon.

"Krystal," Seryoso kong sabi ng makalapit ako sakanya. Nasa likuran ko pa din si Jenelle at halos lahat sila nakatingin samin pero hindi nila ako masisindak. I don't care about them. Mas may paki ako may Krystal. "Mag usap nga tayo." Sambit ko at hinarap niya ako.

"Look who's here," Sambit niya. Nilagay niya sa bewang niya 'yong isa niyang kamay. Nakangisi siya sakin habang nakataas ang isa niyang kilay. "Keila, bawal ang malandi dito." Proud pa niyang sabi pero natawa na lang ako sa sinabi niya.

"So bakit nandito ka?" Sagot ko. Lahat sila nagulat sa sinabi ko kahit itong si Krystal. Akala niya ba talaga magpapaapi na lang ako sakanya ng ganon? Pwes, nagkakamali siya. "Alam mo nung nag search ako sa google ng 'malandi', pangalan mo lumabas."

Natawa si Jenelle sa likod ko pati 'yong mga tao sa paligid namin kahit mga alipores ni Krystal. Si Krystal naman, halos hindi na maipinta 'yong mukha niya. Alam ko inis na inis na siya sakin ngayon. Sige, mainis ka lang bitch ka. Dapat malaman mo na hindi mo dapat ako ginagalit. Ipapakita ko sayo na hindi lahat maaapi mo.

"Alam mo Keila, lahat naman tayo may kalandian sa katawan eh. Kanya kanyang level lang yan," lumapit siya sakin tapos pinalibutan na kami ng mga chismoso at chismosa naming schoolmates. Wala na din akong pakialam. Kahit na lumabas pa 'to sa Bella Chikas, wala akong pakialam. "Ikaw Keila, malandi ka ng sobra. Biruin mo, dalawang lalaki 'yong tinuhog mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Alam mo, hindi ako barbecue stick para tumuhog ng lalaki. Alam naman nating dalawa kung sino talaga 'yong tunay malandi dito." Hindi ko inalis 'yong mga tingin ko sakanya. Ipapakita ko sakanya kung paano ako magalit. "At ikaw, Krystal 'yong malandi sa ating dalawa."

"Ako? Sino bang nang agaw ng boyfriend ng may boyfriend ha? Inagaw mo sakin si Dwayne! Malandi ka!"

Hindi ko na napigilan 'yong galit ko. "Una siyang naging sakin! Ikaw ang nang agaw sa ating dalawa! At hindi ko inaagaw sayo si Dwayne, siya 'yong lumalapit sakin!" Sigaw ko. Hinawakan ni Jenelle 'yong braso ko pero inalis ko 'yon. "Anong course mo? BS Kalandian Major in Pang-aahas ba?"

"Oh c'mon bitch, we know that's a lie!" Sigaw ni Krystal. "Alam mo tama sila eh, talo ng malandi ang maganda kaya nga talo ako sayo eh, kasi maganda lang ako." Hindi ko na naman napigilan na matawa. What the hell is she talking about?

"Alam mo 'yong kagandahan mo parang Gel, pampatigas lang!" Sigaw ko. "Hindi ko kailangan makipag sex sa isang lalaki para makuha ko lang siya!"

"Nag sex kami ni Dwayne because he wants me! Nag sex kami dahil nagmamahalan kami! Tanggapin mo na lang 'yon Keila. Mahal ako ni Dwayne at ikaw? Trip ka lang niya!"

Hindi ko alam nung maiinis ako o matatawa sa mga pinagsasabi niya. He's not making any sense.

"Alam mo Krystal, kung patay na patay ka kay Dwayne? Sayong sayo na siya dahil hindi ko na siya mahal. Si Kean, siya na 'yong mahal ko, siya at hindi si Dwayne. Tandaan mo yan."

Natawa siya.

"Talaga ba? Hindi ako naniniwala sayo. Eh hindi ba may allergy ka sa mga lalaki na madikitan ka lang, nangangati ka na!"

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon