CHAPTER 1

6.7K 99 0
                                    

IPINARADA ni Angeli ang kotse niya sa parking space niya sa basement ng building. Pagkatapos ay lumabas ng kotse at lumakad patungo sa elevator.

Binati siya ng magandang gabi ng security
guard ng building, ginantihan niya iyon ng isang nahahapong ngiti at pumasok sa nakabukas ng elevator. Diniinan ang buton sa sixth floor kung saan naroon ang unit niya.

Sumandal siya sa elevator wall at inihilig ang ulo. She felt tired. Kanina pang umaga masakit ang ulo niya. Maaga siyang umalis sa shop niya sa Ortigas. Ipinaubaya na niya sa assistant niya ang natitirang oras. Angeli's would close at eight in the evening.

Minsan inaabot ng alas-nueve kung may mga
natitira pang customers sa loob matapos nilang mailagay ang "close" sign sa labas.

She owned a four-star health and beauty
shop. Kompleto iyon hanggang sa sauna and steam bath and skin clinic. Mahuhusay ang mga empleyado niya. Ang mga produktong ginagamit niya ay pawang imported hanggang sa kaliit-liitang ginagamit ng customers. At sa nakalipas na apat na taon mula nang itayo niya ang Angeli's ay bukang-bibig na ang health and beauty shop niya.

Her customers were the rich and famous, tulad
ng pangarap niya. And her business was doing
well. Katunayan ay makapagbubukas siya ng ibang branch kung gugustuhin niya. Subalit tama na muna sa kanya ang nasa Ortigas. Isa pa, ang beauty shop ng mommy niya sa San Ignacio ay halos katulad na rin ng shop niya. Which soon be hers later on when her mother retired. But so far, her mother had enjoyed managing the business.

The elevator stopped on the sixth floor and she went out. Tuloy-tuloy siya sa unit niya. Sinususian pa lang niya ang pinto ay nauulinigan na niya ang pagtunog ng telepono.

Kung sino man ang tumatawag sa kanya
ay malamang na tumawag na muna sa shop at
nalamang maaga siyang umalis. Ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng condo niya. Sandali niyang sinulyapan ang telepono sa kinalalagyan nito at nagtuloy-tuloy siya sa silid niya. Inihagis niya ang- bag sa kama at dinampot ang extension phone.

"Hello..." aniya kasabay ng paghubad ng high
heels.

"Thank God you're home already!" It was
her friend Anne on the line. Must be calling long distance from San Ignacio. At humigit-kumulang ay alam na niya kung bakit ito tumawag. She grimaced silently.

"I'm afraid you'd miss him," she continued
excitedly. "Turn your television set on, Angeli! Sa channel seven. Bilisan mo. Omigosh!"

"Anne, I'm tired. Masakit ang ulo. Kaya nga
ako umuwi nang maaga," dahilan niya, at may
palagay siyang lalong tumitindi ang sakit sa sintido niya sa sinasabi ng kaibigan.

"Don't give me that crap," patuloy nito.
"Anticipation of seeing him on television gave you the headache. If I didn't know better. Turned on to channel seven, Angeli!"

"Okay, panonoorin ko. Bye," she said with a
sigh. Alam niyang hindi siya titigilan nang kaibigan kapag hindi siya sumang-ayon. Wala-sa-loob na ibinalik niya sa cradle ang telepono.

Alam niya kung ano ang tinutukoy ng kaibigan.
Naka-flash iyon sa mga television shows sa
nakalipas na tatlong linggo. Ang kasalukuyang kinahuhumalingang Fil-Spanish rock-singer ay
darating sa Pilipinas upang gumawa ng concert tour.

Charles Montalban, the new singing sensation.
People were mad about him. Lalo na ang mga
Pilipino. Isa sa mga kababayang nagkaroon ng
puwang sa ibang bansa. Kinikilala at hinahangaan sa buong mundo. One of the male performers who could both perform rock and romantic ballad songs.

His revival songs were all big hits throughout
the world. And his Spanish lovesongs competed with that of Enrique Iglesias in Latin countries. He was gorgeous and sexy when he did the rock numbers. And people cried when he sung old romantic revivals.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now