CHAPTER 16

3.4K 77 6
                                    

ALAS-OCHO ng gabi ang simula ng concert ni
Charles Montalban sa SIC. Sa buong buhay ng mga taga-roon ay noon lamang nagkaroon ng traffic sa San Ignacio. Napakasikip ng daan patungo sa SIC. At nang makarating siya sa kolehiyo ay apat na pulis ang nagta-traffic bukod pa sa mga nangangasiwa sa parking area.

Natatanaw nila ang mga van ng mga istasyon ng radyo at television. At nakapangalat ang cameramen at reporters. Sa pagkakaalam niya ay sa nag-iisang hotel sa Trinidad naka-check-in ang entourage ni Charles Montalban. At dahil dalawang palapag lang ang hotel ay malamang na okupado iyon ng buong staff na namamahala sa concert.

At si Charles Montalban ay darating sa concert
site sa pamamagitan ng helicopter. Ito at ang asawa cum-manager nito ay manggagaling pa sa Maynila sa five-star hotel kung saan ito nakatuloy.

Wala na siyang mapagparadahan sa allocated parking lots gayong alas-siete pasado pa lang. At kung hindi kay Anne ay malamang na hindi niya maipaparada ang kotse niya. Sa likod ng high school building siya itinuro ng kaibigan na dalhin ang sasakyan niya.

Doon man ay may ilang sasakyang nakaparada
subalit alam niyang sa ilang mga guro iyon at
principal. She recognized the principal's old
Mercedes-Benz. It was almost a vintage. Nasa high school pa Siya ay kotse na nito iyon.

Pagkababa sa kotse ay mahaba rin ang nilakad
nila patungo sa field ng SIC kung saan naroroon ang malaking make-shift stage. Thousands of people were everywhere. Karamihan sa mga iyon ay galing sa mga karatig-lunsod, tulad ng Batangas at Cavite na hindi naman kalayuan sa San lgnacio.

Pinangunahan sila ni Anne patungo sa upuan
nila sa ikatlong hanay mula sa unahan. While hernmother and friend were so excited, hindi naman mapalagay si Angeli. She knew her hands werencold and shaking.

People were chattering innocuously. Nararam-
daman niya ang lumalaking excitement ng mga tao. Ang banda sa stage ay kasalukuyang nagpa-practice. Ang ingay ng musika ay halos nakabibingı. Gayunma'y ikinagagalak niya ang ingay sa paligid niya. Naaawat siya nitong mag-isip.

Beinte minutos bago mag-alas-ocho ay narinig sa itaas ang ingay ng chopper. Nagtayuan ang mga tao sa kanya-kanyang upuan kabilang na si Anne at ang mommy niya. The tension that she felt was heightening to an unbearable degree.

At ni hindi niya maintindihan ang sarili kung
bakit kailangang makadama siya nang ganoon. After the concert, Charles Montalban's entourage would go back to Manila. And she would go back home feeling more empty than she had in nine years.

Ayon kay Anne, sa likod ng stage lalapag ang
chopper. May mga security men all over. Wala
kahit na sino ang maaaring lumampas sa cordon na nakapaikot.

Five to eight and the music began. lyon ang
introduction sa isa sa mga sikat na kanta ni Charles Montalban. Tumitili ang mga tao, higit na nangingibabaw ang tinig ng kababaihan.

A forerunner came out from the backstage, with a microphone in his hand, nag-echo sa paligid ang malakas nitong tinig kasabay ng tili ng audience.

"Here he is, ladies and gentlemen... Charles
Montalban!"

NAGPALAKPAKAN ang mga tao. Angeli held her breath. And suddenly, he was there on stage. Charles Montalban, Singer. Composer.

He was wearing high-topped runners, tight Jeans, and a sleeveless khaki shirt. He was smiling and blewing kisses to the audience na ang tili ay maririnig kahit sa kabilang bayan. His presence was projecting every superlative in male charisma.

Nilinga nito ang banda at sumenyas. It was one of his top of the chart parade revivals. Achy Breaky Heart.

Kasabay ng musika at pagkanta, Charles turned his sinewy back to the audience, wiggle his behind. Walang hinto sa pagtili ang audience. Flowers were tossed onstage.

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now