CHAPTER 14

3.1K 76 5
                                    

MAGHAPONG nagkulong sa silid niya si Angeli.
Nagyakag ang mommy niya na lumabas sila upang i-celebrate ang kanilang kasal subalit parehong walang tumitinag sa dalawa. Nagkibit ng mga balikat si Veronica at nagtungo sa beauty shop nito sa bayan.

Nang umalis si Veronica ay sumunod si Charles
at ni hindi ito nagpaalam kay Angeli kung saan
nagpunta. Ang sabi ni Lupe ay wala rin sa kabila dahil narinig nitong inilabas sa garahe ang lumang kotse ng papa nito.

And she couldn't even call Anne to tell her what happened. Hindi niya kayang sabihin ditong sa isang kisapmata ay mag-asawa na sila ni Charles-agad niyang kinontra iyon. They were not exactly married. What transpired wasn't legal. Isa lamang iyong pormalidad upang payapain ang dibdib ng mommy niya sa pag-aakalang nagtatalik sila ni Charles.

It was in the eyes of God, Angeli. You've
exchanged vows...

She shut her eyes tightly. She wasn't married
to him! She wasn't! What transpired wouldn't hold in any court of law in the land. President Corazon Aquino revised the family code.

Sa pag-aanalisa sa damdamin niya ay gusto
niyang aminin sa sariling mahal niya si Charles.
But she wanted also to enjoy her youth, to go to college, to earn her degree and fulfill her dreams!

Besides, she knew Charles didn't love her.
Kung mahal nila ang isa't isa, half of the problems might be easier to handle. They could plan together, dream together, go to college together.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya
matanggap na mag-asawa na sila. She felt guilty for trapping him in this so-called marriage.

For all she knew, Charles hated her and her
mother.

On the other hand, paano kung panghawakan
ni Charles ang kasal nila? Paano kung gusto nitong magsama sila sa iisang silid?

The thought sent delicious shivers down her
spine. At the same time, it confused and scared her.

Her phone rang. On the fourth ring, dinampot
niya iyon. "Hello..."

"Do you still want to attend the prom tomorrow night?"

Si Charles ang nasa kabilang linya. Napahugot
siya ng marahang paghinga. Sandaling napuno ng kalituhan ang isip. She wouldn't miss the prom for the world. Siya lang kung saka-sakali ang hindi makakasama sa picture taking para sa yearbook kung hindi siya dadalo.

"I-I don't want people to know what happened," she said, uncertainty in her voice.

"Oh, sure, let's keep on pretending," Charles
said sarcastically. "Inaasahan mo pa bang
magkakabalikan kayo ni Brent? You're married
to me."

"Don't count on it, Charles. It isn't legal. We both know that. Pinagbigyan lang natin ang Mommy."

Charles went silent for a long moment.

"I will attend the prom night with or without
you," aniya sa determinadong tinig nang manatiling tahimik ito sa kabilang linya. "At wala akong balak ipaalam sa buong campus ang nangyari!"

Pagkasabi niyon ay pabagsak niyang ibinalik sa cradle ang telepono.

SA HAPUNAN nang gabing iyon ay nalaman
niyang nasa kabilang bahay si Charles. Na siyang dapat asahan dahil hindi pa umaalis si Fernie.

Kinabukasan ay maghapong hindi rin
nagpapakita si Charles. Pasado alas-seis na at
nakahanda na siya sa pagdalo sa prom nang sabihin ni Lupe na naghihintay ito sa ibaba.

Excitement ran through her blood. Sa kauna-
unahang pagkakataon mula nang mahuli sila ng ina ay kumislap ang mga mata niya.
Binigyan niya ng panghuling tingin ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nang walang makitang hindi tama ay dinampot ang Yves Saint Lauren and sprayed on her pulse points.

SWEETHEART 12: Charles' AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon