CHAPTER 3

3.8K 78 10
                                    

"ANNE, nakita mo ba si Brent kanina?" Kung
may mahina pa sa bulong ay iyon ang ginawa ni Angeli na pagtatanong sa classmate at best friend.

Kasalukuyang nagdi-discuss ang teacher nilang si Miss Amore ng talambuhay ni Beethoven. Hindi gusto ng teacher ng ingay sa klase. Makarinig nga lang ito ng huni ng ibon na dumadapo sa bintana ng silid-aralan ay naghuhurumentado na. Binubugaw ang mga ibon ng lesson plan nito.

Si Anne naman ay halatang hindi nahagip ng
pandinig ang sinabi niya kahit na seatmates sila. Nakaharap ang mukha nito sa guro at pinipilit ituon ang buong pansin sa sinasabi nito. Kinalabit niyang muli ang kaibigan sa tagiliran.

Kunot-noong napalingon ito sa kanya.
"Bakit?" anas nito at mabilis na ibinalik kay
Miss Amore ang mukha.

Hindi agad nakuhang ulitin ni Angeli ang
tanong. Hinihintay niya ang paglingon ni Miss Amore sa kabilang row. Dahil kapag nahuli sila nito na nagdadaldalan, tiyak na katakot-takot na semon ang aabutin nila ni Anne. Hindi pa naman ito marunong tumanggap ng kahit anong paliwanag. At kapag nagsimula na itong magsermon, tiyak na damay na ang buong klase.

Miss Amore was a terror teacher.
Amore. She rolled her eyes and flared her nose
Sinayang lang nito ang apelyido. Ni wala naman itong ka-amor-amor sa mga estudyante. Paano ay matandang dalaga. Kunsabagay, kung ganito ba naman kasungit it0, talagang walang manliligaw dito kahit na ang janitor.

Inihilig niya ang ulo kay Anne nang makitang
sa kabilang row na nakatuon ang pansin ni Miss Amore. "Nakita mo ba si Brent? Pumasok kaya siya?"

Pailing na sumagot si Anne. Ni hindi siya
nilingon.

"Hindi? Inihilig niya ulit ang ulo rito. "Anong
hindi? Hindi mo siya nakita o hindi siya pumasok!"

Tinapik siya nito sa kamay. Takot na mahuli.
"Hindi ko siya nakita," anas nito. "At huwag kang makulit, baka mahuli tayo ni Miss Amore."

"Hindi kasi siya nag-page sa akin-" Tulad
sa isang clam na nakadama ng panganib na may kukuha sa perlas nito, agad na napatikom ang bibig ni Angeli. Nagtama pa ang mga ngipin niya.

Pakiramdam niya ay lumukso ang puso niya sa kaba. Nakaharap sa row nila ang matandang dalagang teacher. Miss Amore's bespectacled eyes focused on her.

"So, before Beethoven..."

Whew! Nakahinga siya nang maluwag. Akala
niya ay simula na ng lIkatlong Digmaang Pandaigdig. Gayundin si Anne. Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin.

Umayos siya ng upo at pinilit na humarap sa
klase. Baka sa susunod ay hindi na siya palaring makalusot.

Palihim niyang sinulyapan ang wristwatch.
Puno ng pagkainip ang paghingang pinakawalan. Fifteen minutes pa bago mag-bell.

Sa lahat ng subjects, she hated Historynext
to Mathematics. Here was one thing she didn't.. couldn't and wouldn't understand: Bakit kailangan pa nilang pag-aralan ang buhay ng may buhay?

One day, she wanted to have her own beauty
shop. Well, hindi katulad ng sa mommy niya.
Bigger. Primera klase. Iyong tipong magkakaroon ng branches all over the world. She grinned at that. That was too big a dream. Anyway, wala namang tax ang mangarap.

Gusto niyang magkaroon ng shop na famous sa pagpapaganda ng mga babae at lalaki. It could be a multi-purpose shop, Beauty shop, slimming salon, and derma clinic.
Anything para sa pag-o-overhaul ng mukha
at katawan ng mga taong gustong gumanda,
is a good business. Walang taong hindi gustong gumanda. Pangalanan kaya niyang "Human Overhauling Center?" She giggled silently.

At kapag dumating ang panahong matupad ang pangarap niya, hindi naman niya magagamit ang kasalukuyang dini-discuss ni Miss Amore.

Hindi naman interesado ang mga tao kung ano ang hitsura ng buhok ng mga namatay nang tao sa history ng mundo. Odi kaya ng mukha ng mga ito na sa pagkakaalam niya ay puno ng puting polbo. Who cares kung ano ang itsura ng buhok ni Beethoven o ni Mozart? O kung paano nila nai-compose ang mga dakilang tugtugin nila?

SWEETHEART 12: Charles' AngelWhere stories live. Discover now